Saturday, October 20, 2007
AYAW ILUWA...
nanenokize na nga ang cellphone ko. mukang wala na siyang planong bumalik. tinawagan siya nung tuesday morning tapos may sumagot na hindi nagsasalita. and then... nothing. hay naker.
wala siya sa bahay. lalong wala sa ilalim ng kama ko. wala sa bag. wala sa pillowcase. wala sa sulok ng sofa. wala sa kahit saan sa bahay. kung papano nanakaw yun e nasa loob nga ng bahay e hindi ko na siguro malalaman. at hindi ko na gugustuhing alamin. dahil maiirita lang ako kakaisip sa nawalang messages, pictures, contacts, at load. kagaya ngayon.
sana magkaron na ko ng bagong telepono para bibili na uli ako ng globe. pero sa ngayon ang number ko ay eto: 09222608508.
ito ang pangalawang beses kong manakawan ng telepono. hindi pa naman ako nakakarami :)
okhey. huhuhu...
Sunday, October 14, 2007
Wednesday, October 10, 2007
linear REGRETion
mali yung spelling. e walang maisip na title e.
regrets. biggest regret of late: ang hindi pagtuloy ng application sa summer research training program (RTP) ng smithsonian sa states. hay... sobrang sayang. nakakainis. naiinis ako. NAIINIS AKO TALAGA.
regrets. ang hindi pagaaral ng mabuti this sem. kasi alam kong kaya ko. pero eto nanaman ako't tinamad. so there.
regrets. ay nako... ayoko nang mag-dwell. ayoko nang tagalan pa yung mga nakakabugnot na isiping yon...
i need a hug.
Soulja Boi
SA MGA TINATAMAD MAGBASA: isa itong lukresya adventure. so basahin o hindi... kebs!
***
nababalahura na si lukresya sa mga sunodsunod na palosebong sinalihan niya. masyado kasing nawili sa kakaaudition e natatanggap lagi kaya ayan, palosebo galore siya ngayon. pero malapit nang matapos ang kalbaryo. bukas e dalawa yung lalabanan niya. so... nagtetraining siya... training. YEAH RIGHT. chumichill nanaman siya!!! parang walang gagawin bukas!!! grawr!!!
mejo nalulungkot si lukresya at, malamang, pati si Friend kasi hindi gaano nakakapagtext si lukresya. e laging nagpaparamdam naman si Friend e hindi makareply si lukresya. kaya ayan. chever. hay... kelan kaya makakagimik uli sina lukresya at Friend?
hindi pa makapag bonding sina lukresya at agosto presidente. pambihirang pangalan talaga. kahit gaanong kagusto ni lukresyagirl na bumonding kay agosto e hindi pinapayagan ng panahon! parang drama lang sa tv. yaknewr? yung parang go na go na... BUT NO! may mga pumipigil na unknown forces! kamown...
hay. ewan.
***
walang koneksyon sa kwento ang title. nabasa ko lang kanina nung nagsesearch ako ng lyrics ng dishwalla.
Monday, October 8, 2007
research paper-in mo ilong mo!
I. Research Paper sa Eng10
Mahirap gumawa ng research paper. Mahirap maghanap ng mga tungkol sa histolysis. Huhuhu... mamamatay na yata ako sa kaka-Eng10 e. lech.
II. Malandi si bebeng
ANG LANDI LANDI MO. Grabe lang. hahahaha.
III. Bio 101
Sige lang, mag-exam ka lang mamaya. Mag-exam ka ng hindi nag-aaral. tingnan natin kung may buhay ka pa pagkatapos. Yahu!
Wednesday, October 3, 2007
Tuesday, October 2, 2007
and i, i love it when you sing to me
*one of the things na hindi ko naman hinahanap but which i am very appreciative of is the ability to carry a tune na hindi nasablay. siguro kasi musikera din naman ako kahit papano. singing is an outlet, at may tendency kasi akong gumustong sumabay kapag may nakanta. hahaha epal.
*singing back-up sa pnw is really a good thing. ang sarap ng feeling kasi, very uplifting and very humbling at the same time. at saka sa pagbabackup din kasi ako natutuong umepal (read: sumecond voice). didn't know i could. but i can. kewl.
***
heto nanaman ang isang mahiwagang kabanata sa buhay ni lukresya.
sa isang palosebo event na tinangkang salihan ni lukresya, nabigla siya nang pagdating niya sa location ay nakasuot ng mga apron at bandana ang mga tao. ano ito, cook out? naisip niya. but no. nakita niyang nangangalap ng putik ang mga kalaban niya. dun niya nadiscover na hindi pala yun cook out. sculpting contest ito!! siyempre na-shock naman ang lukresya. asan ang palosebo? asan ang magrasang kawayan, with the loops and spirals and all-new twists? kamown. pero hindi nalang rumeklamo si lukresya. hala sige, dive sa putik! salok ng lupa at semento! sige lang ng sige! i-form mo yung isang historical event ng town KUNG KAYA MO! kinaya naman niya. kaso last place na siya. at least maganda parin 
kalahok din sa sculpting contest si Agosto Presidente. pambihirang pangalan talaga... anywayzzz. maganda din naman yung nagawa ni agosto. actually, not bad talaga ito. kaso, dahil nga sa pangangarir nitong si lukresya at sa kabilisan gumawa ni agosto e hindi na sila nakapagmoment pagkatapos ng scultping contest na ito. kunyari keri lang ni lukresya. pero secretly nalungkot siya. dahil namiss niya si agosto. UUUUUOOOOOY!!!!
ang landi landi mo lukresya ha! kapag lang... hmm! malandi ka!
