
baker field effects yung first5 photos.
paa ko yung 6th.
waysabear and bebengbear sa calamba yung last.

4:44 na ng umaga. gising na ako. actually, kanina pang 2:30.
anung problema ko at gising na ko agad? eh kasi ang sipag ko. ngayon palang ako nagawa ng second draft ng speech na ipepresent ko mamayang 8:30. ngayon ko lang tinatapos aralin ang exam ko mamayang 6:30. pero in fairness nakaligo na naman ako.
gaanong kaliwanag ang umaga mo? sakin kasi madilim. may moon pa nga e. so, yeah, not much of a morning, not much of an evening. ito yung mga panahong tinatawag na alangan.
anung iba pang tinatawag na alangan?
yung mga taong tinatawag ding "tagilid", mga "chickboy". yung mga pagkakataong kailangang magbawas, naaalangan tayong lahat dun... yung mga pagkakataong hindi mo alam kung papasa o babagsak ka sa isang subject...
alangan din yung hindi mo alam yung gagawin mo kasi wrong timing nga...
lima yung nabanggit kong alangan. I am 4 out 5 alangan things. ikaw?
fafi asks me. what would've happened had it not been me?
let's see...
it would have been impossible for it to be zero (from way back). kasi nga umalis si zero wala pang nangyayari.
uno would have ended as it already had. it was a choice that wasn't mine to make. kaya, obviously, hindi ko kontrolado yun. hindi magiging si uno kahit anung pilit ko :)
para kay dos... kung si dos ang natuloy nako. malaking gulo. mayuyurak ang isang matagal nang nakapundar na pagkakaibigan (nino?) at romeo and juliet ang magiging drama dito. kaya ok na din na hindi natuloy si dos.
si tres naman.. hay nako. kung natuloy si tres hindi ko sigurado kung magiging masaya ako, given the way things are unfolding now. kahawig kasi ng nangyari kay dos ito, kaso mas level up. kaya kung level up nga ang interaction, level up din ang consequences. i don't think i would have survived or emerged sane had tres been possible. i guess i'm happy that it didn't happen, but i'm not happy with the way it ended.
so that brings me to you.
hey fafi. i hope it's under control. i hope you get it. and i hope i do too. i really hope i do too.

ito na siguro ang pinakamahabang 33 minutes ng buhay ko... sige, mag-eexplain ako.
ngayong umaga ang umpisa ng online registration for summer at, siyempre, eto ako't kukuha nanaman ng units. bakit? dahil kailangan ko ng units. para saan? e di siyempre para maunti nalang subjects ko sa huling sem ko ng pag-aaral sa yupielbi.
plano kung kunin ang mahiwagang subject na tinatawag nilang ENG1. bakit? para hindi ko na kukunin ng regular sem. para iwas kahihiyan na. badtrip e. senior na ko saka palang ako mag-e-Eng1. yon. pati thesis. thesis thesis thesis... eto ba talaga ang senyales na malapit na ko gumraduate?
pero, bago ang lahat ng kaguluhan ng mundo, kailangan ko munang maipasa ang bio120. una sa lahat, ayokong maging finalist. ayokong bumagsak. kaso mukang yun ang estado ko. NASA BINGIT NG KAMATAYAN.
8.23 na sa relo ng phone ko. malay ko kung UP time yan. shrek. basta nakapag "labas" na ako ng "problema" ok na ko. hindi ko iindahin ang kabahuan at ang gutom. dahil KAILANGAN KO NG UNITS.
kadiri lang e.
endangered because made to feel safe.
yak. chakabels.