nakakainis din yung mga panahong kala mo ok na ok ka na, yung kala mo carry mo lang kahit magulungan ng ten-wheeler truck yung paa mo. tapos biglang maubusan ka lang ng pizza feeling mo lahat ng ipinundar mo, lahat ng dahilan mo para mabuhay e biglang naubos at natunaw. nakakatakot din pala yung kapag naisip mong kahit pwede kang bumili ng pizza at magpakababoy kakakain e mahal pala ang pamasahe dahil malayo ang bilihan.
nakakakilabot isipin na yung bag mong akala mo naisara mo e nabuksan pala tapos pasok-labas ang mga gamit don na hindi mo nalalaman, kahit ikaw naman yung naglalagay at nagaalis ng gamit. nakakagulat na pwede mo palang nakawin pabalik at itago sa bukas-sarang bag ang isang bagay na pilit mong pinamigay dati dahil sabi mo ang chaka chaka at ang yaki yaki nito.
yun lang. yoko na mag-isip.