Sunday, November 30, 2008

tayo na't mangakyat ng bundok

kahiya-hiya mang nagsimula ang sunday ko, nagtapos naman ito ng masaya ^^,

ang umaga ko ay naubos sa pagtiteam building for LTS2. kahiyahiya. parang hindi ako maalam magbasa. tandaan. NHA is not equal to PHSA. anyway. ayun. na-assign akong makasali sa mga magtututor sa art center kids. eto ang mga umattend ng team building:

tetet, clarisse, esther, fern, arianne, kevin, cille, kamae, do, ron, bianca, pot, ako. featuring debbie (anak ni mam afuang), mam afuang, and sumalde. ayun. magulo kami pero masaya. kasama ko si pot na magtututor ng second year science. apat ang students namin. team leader si kevin. 5:30-8pm ang oras namin. tuwing monday ang science pero kung kailangan ng relief sa ibang subjects baka tawagin din kami dahil free naman din ako ng wednesday. masaya ang team namin. kami ang CHAMPION, pronounced tseympyen. thank you, fern.

nakatulog pag-uwi sa bahay. pagud-paguran ang drama. and then it's time to practice..

and then church time. ang sarap ng worship kagabi for some reason. Jesus is great :)

fed my fish. none of them died. buti naman :)

EVENING...

thankyou for making my evening end well. i just hope you work it out :)

good morning.

Saturday, November 29, 2008

umaandar nanaman ako

parang motorsiklo lang. vroom vroom!

hindi ko kayang sabihin ng harapan pag nagagalit ako. kaya nagtype ako. hindi ko alam kung mababasa niya to. malayo siguro. alam ba nun na nag-eexist ang multiply site ko? ayan, fragments of the unsent letter. that will forever be unsent. harhar.

  • petty things kagaya ng GRADES, PAMILYA, PHYSICAL PAIN.. yung mga ganung bagay? petty things lang naman yun diba?
  • hindi ko kayang magalit or mainis ng hindi umiiyak. alam mo yon dapat. sabi mo kilala mo ko eh.
  • ang kapal ng muka mo. MAKAPAL PA SA LALIM NG MARIANAS TRENCH ANG MUKA MO.
  • ANG KAPAL KAPAL NG MUKA MO. AKALA MO YATA KUNG SINO KANG PANGINOON EH. ANG KAPAL KAPAL KAPAL NG MUKA MO.

yan. yan ako pag enraged. lilipas din to. siguro lilipas din to.

Thursday, November 27, 2008

simpleng kaligayahan ^^,

although marami akong kaartehan sa katawan, may mga simpleng bagay din naman akong gustong maabot. isa dun sa mga yun ay naachieve ko kagabi.

nag-aral akong mag-piano nung bata pa ako, pero hindi naman ata ako gaano natuto. hanggang ngayon kasi usad-pagong parin ako magbasa ng notes, e diba ang mga piyanista dapat mabilis magbasa? ako hindi. sa totoo lang kasi, ang gusto ko talaga nung bata ako ay matuto mag-violin. pero since mahal bumili ng violin (although mahal din naman bumili ng piano, ang bigat pa) at wala kaming kakilalang nag-ooffer ng lessons, piano nalang. pero hindi ko talaga gusto magpiano dati. ang gusto ko din isa pa ay mag-drums. o diba sosyal?

maalam ako ng basic sa drums. at unting echos. tapos nun napapunta din ako sa bahagi ng buhay ko na ang gusto ko matutunan ay ang bass guitar. hanggang ngayon yun parin ang gusto ko matutunan at gusto ko maging magaling dun. ultimate dream kong makapag-may-ari ng upright bass at ako ang magaling at maalam tumugtog nun. siyempre, saan ko pa ba ibang gagamitin yun kundi para sa worship. NGUNIT nang dumating ako sa point ng buhay ko na sa kapapanood ko ng tv ay nakita ko ang mga singer tulad nila michelle branch, jewel, aiza seguerra, liz phair, at marami pang iba, narealize kong gusto ko din pala matuto mag-gitara.

meron akong dalawang struggle sa pag-aaral mag-bass at maggitara. UNA, dahil sanay akong mag-piano, hindi ako sanay sa matigas na pagpindot sa strings. PANGALAWA, ang mga daliri ko ay parang ako: short and stout. pagsamahin natin ang dalawang ito at matutuklasan niyong hirap ako sa bar chords. hehehehe.

kagabi, dahil kami palang ni waysa ang tao sa vigil chapel, ininvade ko ang guitar time niya at hiniram ko ang gitara. a few days back, natuklasan kong pwedeng walang bar chords ang paborito kong kanta (HIDE by Joy Williams). kaya sinubukan ko siyang tugtugin. ang resulta?

BWAHAHAHAHA. natugtog ko ^^,

palakpak tenga!

ngayon, kailangan ko nalang matutunan mag-bar chords. at mag-bass ng magaling. at magdrums ng magaling. at magpiano ng magaling. at (siyempre hindi pwedeng iwanan) kumanta ng matataas na nota ng hindi nagheheadtone. BWAHAHAHAHA.

*i sing and play for Jesus*

Sunday, November 23, 2008

HINDI PA TAPOS ANG KILIG.

nang panoorin ko muli ang victor basa video (for the 15th time) saka ko lang naintindihan yung sinabi niya. nabulag kasi ako ng kagwapuhan niya.

eto ang sinabi niya:

"hi bebeng, si victor basa po ito. i hope you're doing well and i hope i get to meet you someday."

alam kong malamang ay effect lang yon pero...

HE HOPES TO GET TO MEET ME SOMEDAY.

I HOPE TO GET TO MEET YOU SOMEDAY TOO!

HAHAHAHA ^^,

Saturday, November 22, 2008

MY BIGGEST CRUSH

una kong namataan ang kagwapuhan niya sa glorietta. naka-shorts siya nun at t-shirt na mejo body fit. may kasama siyang babae at isang lalake, mga hindi kasing kilala niya. pero nung una naman hindi ko siya kilala eh. nagwapuhan lang ako. nun lang sinabi ng ate ko sakin na:

"beng, diba si VICTOR BASA yun?"

saka ko lang nalaman na artista siya.

hindi siya maputi. tanned siya. tapos matangkad. matangkad siyang lalake. sabi nila malaki daw ilong niya sa tv. sa personal hindi talaga. para siyang estatwang inukit sa marble na kinulayang kayumanggi at dinamitan ng parang isang surfer dude na naliligaw ng landas sa malamig na mundo ng mall.

three times namin siya nakita nung araw na yun. three times. ni isang beses hindi ako nakapagpapicture dahil HIYANG HIYA AKO. GRABE.

nagliliyab ang medyas ko tuwing makakakita ako ng picture niya. naiiwan ang mata ko sa tv kapag may palabas na kasali siya. at talaga namang sinubaybayan ko ang PBB nung andun siya. pero hindi ako bumoto. mahal kasi.

oh my goodness. talaga namang naiwan ang puso ko sa cellphone ko nung tinawagan ako ni wanfeng para sabihing navideohan niya si victor basa na may mensahe para sa akin.

VICTOR HAS A MESSAGE FOR ME. VICTOR. VICTOR BASA.

yun ang early christmas gift sakin ni wanfeng. ang akala ko'y mauudlot pero HINDI NAUDLOT! HINDI NAUDLOT!!!  if you want the link, eto siya. goodness gracious. kinikilig talaga ako friends. kinikilig ako.

sana makatulog ako. para mapanaginipan ko si victor. baduy!

luigi, isang malaking TENKYU sa pag-alala sa kahiyahiyang krash ko kay victor basa. salamat sa pag-uutos sa kaniya ng "BEBENG. GAME" kahit sinasagabal ka ng boss mo. salamat! dahil sayo, siguro isang bwan tong kahit thesis ay hindi ako kayang palungkutin. hahahaha.

VICTOOOOOR!!! kamuka ka ni ANO dun sa isang pic niya. ahiiiiii. kinikilig me!

Wednesday, November 19, 2008

OO NGA PALA. BASAHIN NIYO ITO.

tawag pansin talaga ang all caps no?

anyway, gusto ko lang sabihin sa mga taong nagtetext sakin for one reason or another na, since nasira yung v3x ko, nawala ang lahat ng numbers niyo kasi wala akong nakastore sa sim memory. kaya, kung gusto niyo, penge ako ng number niyo ulit. i-message niyo nalang sakin dito or kung gusto niyo bulgaran e ireply niyo nalang dito sa post na ito. pasensya na at maraming salamat ^^,

Tuesday, November 18, 2008

tantrums si lola

i never got why couples fight in public. i mean, why would you want to display your violent disagreements for all the philippines to see? bakit naman kailangang ipakita na hindi ok sina gelpren at boypren sa mga pampublikong lugar, katulad ng kalsada, sakayan ng jip, public toilets, restaurant or fast food joint, etc? tama ba yun friends, i ask you. TAMA BA YUN?

may kwento ako. last week galing ako sa school at pauwi ako nung hapon. as usual, sasakay ako ng jeep sa may goldilocks nang maabutan ko ang magsing-irog na nakatayo dun sa kung san ako usually natayo. oo, pagaari ko ang spot na yon kahit hindi nila alam. ngengelam kayo.

parang ganito ang eksena:

si ate ay nakatayo sa taas ng sidewalk habang si kuya ay nandun sa improvised kanal sa gilid ng kalsada. parehas nakakunot ang noo nila at si ate ay may irap-irap effect pa. si kuya naman hawak ang kamay ni ate-with-irap-effect pero si kuya ay mukang handa nang sumuko. anyway, hindi ko naman pinakinggan yung usapan nila. people watching lang ako. pero may nangyaring talaga namang kahit hindi na ako makinig ay tunay na kamangha-mangha.

alam niyo yung ginagawa ng mga batang nagtatantrums? yung nagpapadyak ng paa with fists clenched at the sides of the body?

ABA TEKA! GUMANON SI ATE!

kailangan ng tantrums? or, for a better question, kailangan magtantrums ng isang college student sa kalsada kung saan maraming makakakita sa kaniya? kung saan pwedeng makita sila ng mga barkada ni boypren or ng mga may krash sakaniya? kung saan pwedeng makita ng mga taong ito ang ka-turn-off-turn-off na behavior ni ate?

sabi sa animal behavior namin last sem, hindi daw parehas ang animal behavior sa human behavior kasi ang humans ay highly developed na ang brain, kaya capable of making rational decisions, suppressing natural urges, etc.

in the case of ate-with-irap-and-tantrums-effect, ang tanong...

TALAGANG HIGHLY DEVELOPED NA BA ANG BRAIN MO AT CAPABLE OF MAKING RATIONAL DECISIONS KA NA?

like crazy!

goodbye, v3x

goodbye v3x.

about one year and one month of loyal service to me, my phone has finally gone byebye. i will miss this phone. dati rubberized siya, pero dahan-dahan kong binalatan siya at ngayon hindi na. dati buo yung cover ng speakers niya, ngayon hindi na.

hay... 2 megapixels, mp3, mp4, etc. hay...

ayun, agnun siya. pag binubuksan siya, umiilaw ang keypad ngunit sadyang walang lumalabas sa screen. malamang flex cable ang problema nito, the usual problem with flip phones. hay...

ayoko nalang siya ipagawa kasi baka masira din ulit. hay...

kalungkutan. i will miss my phone. ang ganda kasi niya.

hay...

wala na.

isa akong inggitera at isa akong poorita

si chris brown ay isa sa mga paborito kong artists ngayon. gustong gusto ko ng mga kanta niya at, kahit luma na ito, love na love ko ang "with you" at ang "run it".

si rihanna not really a favorite but she's really good. masaya ipiano ang "take a bow" at nakaka-LSS ang "disturbia".

ang lifehouse ang isa sa mga paborito kong banda of all time. pwede akong makipagsakalan para sa kanila dahil mahal na mahal ko sila. ang boses ni jason wade ang tinatawag na GWAPO VOICE. haylabit.

ang tatlong artists na ito ay nag-concert sa pilipinas recently. lifehouse muna tapos rihanna and chris brown. hindi ako nakanood, mainly dahil...

*cue dark emo music*

PURITA AKO. PULUBS. WALANG SALAPING WAWALDASIN.

yeah, wala akong pera at wala akong means of transportation. ung marami lang akong pera manlilibre pa ako ng kasama. hay buhay...

wala akong magagawa kung hindi ako makapunta. siyempre, marami akong pinaglalaanan ng ipon ko. una, medschool. pangalawa, bagong phone dahil nga nasira si motorola v3x (will post later about that). pangatlo, iPod nano 4th gen. hay... alam kong ang mga bagay na ito ay simple lang bilhin para sa ibang tao. kaso normal lang kame, hindi kami yamings. kaya ayan. matagal maipon ang salapi.

pambihirang pating.

maganda naman laptop ko. kaya masaya naman ako kahit papano

maalam pala akong maging mushy ^^,

ayoko nang magpunta sa website mo. ayoko na.

pag nakikita ko pictures mo napapatingin ako tapos pagtingin ko napapaisip ako. pag napapaisip ako.. wala na, laglag na.

ayaw ko nang magbrowse dun. pambihirang pating. parang ikaw at ikaw din yung tinitingnan ko tapos maiimagine kong anjan ka tapos maaamoy kita (sabi sa inyo oso ako eh, sensitive ang ilong ko ^^,) tapos... wala na, laglag nanaman.

pambihirang pating. bakit ba kasi kailangan ng ganun? para kang shih tzu. sobrang wish kong magkaron ng shih tzu kaso hindi ko kayang makuha yun. maraming kailangan, at unang una na dun ang sense of responsibility. sa tingin ko kasi hindi ko din siya maaalagaan ng ayos dahil nga mas madalas na wala ako sa bahay kesa nandito. tapos magmemedschool pa ako, e di lalo ko nang naiwan yun. may pagkaburara pa naman ako. hay..

pano ba to? pambihira lang talaga eh..

sana akin ka nalang...

samsung g800.

hahaha

Monday, November 17, 2008

things to do before i graduate

okey, so, assuming na gagraduate na ako sa april (aba naman dapat lang!), meron akong ilang bagay na gustong magawa habang estudyante pa ako. although pwede ko naman silang gawin pagkagraduate ko dahil taga dito lang naman ako. pero gusto ko parin bago gumraduate. epal kayo.

1. maglakad sa cpark na may kasamang mushy kapag may christmas lights. matagal ko na talaga pangarap ito. gandang ganda kasi ako sa cpark tuwing pasko. mahilig ako sa christmas lights at mahilig din ako sa fireworks. at ang ganda ng effect niya sa cpark pag gabi. yiee ^^,

2. magliwaliw sa campus ng gabi. isa yan sa mga downside ng pagiging elbi resident. dahil kasama ko sa bahay ang parents ko at wala akong susi ng mga lock, hindi ako pwedeng gabihin. at isa pa, wala kasi akong kasamang magliwaliw sa campus ng gabi. hay...

3. magpuntang CEAT para matuto... err... magboy-watching. ito ang kasalukuyang pangarap namin ni mati. hahahaha kaso mati may magagalit sakin.pero gusto ko talaga mag-boy-watching sa ceat para malaman kung totoo ang chismis na maraming gwapo dun. titingnan ko lang naman...

4. MAKA-UNO. pambihirang pating. last sem, 1.25 nanaman ang pinakamataas kong grade. although i'm not complaining dahil laude standing pa naman ako. pero gusto ko talaga maka-uno!

5. makaubos ng isang half-gallon ice cream ng dtri. kung sinong may ginintuang puso diyan na gusto akong patabain lalo, bigyan niyo ko ng ice cream!

6. makapag-jog ng matiwasay. oo, pangarap ko talaga to. yung rota na galing baker tapos sa may ansci tapos newdorm, baba ng sa may vetdorm, ikot sa may dl, pabalik ng baker.

7. makapag-picture-picture ng gabi sa mga landmarks sa elbi. walalang. para masaya ^^,

more to come. magiisip pa ako.

Sunday, November 16, 2008

i shouldn't

i really shouldn't.

ok, i won't

this is wat you call confusion

pambihirang pating lang.

nakakaloko ah! parang optical illusion ba, yung sa mga libro na yung ilalapit mo muna yung image sa mata mo tapos duduling ka tapos ilalayo mo tapos may makikita kang pambihirang images. may ganun kaming libro dati. "The Eye" yung title. ang cool :) favorite ko nun yung last na image na ang dapat makita ay "Till Next Time".

o e ano naman?

kunyari optical illusion lang. walang label, walang image title. yun lang laman nung libro. nung unang tingin mo akala mo magandang painting lang. akala mo play of colors lang na splattered sa isang canvas (or piece of paper, fine) at nakadisplay. waaw ang ganda! haylabit! but then again!

biglang nalaman mong may mas malalim na eklavu pala yung picture. yun nga, pag nag-duling effect ka e may makikita kang underlying image na sobrang mas maganda pa kesa dun sa superficial image on paper. gudness gracious (diciano, 2008). nakakaloka, and then you love the image even more.

pero, nalaman mong joke time lang pala yun at wala palang underlying image! yung nakita mo pala ay sadyang makikita mo sa kahit anung ganung klaseng image na pagdulingan mo. pambihirang pating! nag-umeffort ka pang maglapit-layo-lapit-layo ng mata mo dun sa image! pambihirang pating talaga!

nakakamiss yung librong yun. hindi ko na kasi alam kung nasan na siya ngayon. nung huli ang alam ko andun yun sa baba ng bahay namin, dun sa bookshelf. pero ngayon ewangko na.

hay... i miss you. (ayun! yun pala ang punchline! malandi ka bebeng malandi!)

may pagkaintrimitida kasi ako...

mahilig ako mag-isip. kahit minsan parang eng-eng lang ako at parang lumilipad ang utak, mahilig talaga ako mag-isip. siguro kaya sinasabi minsan matalino daw ako. hindi ako matalino, sa tingin ko. mahilig lang talaga ako mag-isip. mataas ang deductive reasoning skills ko. magaling din (ata) ako sa math per yung lower forms lang. siguro yung mga engineering level math e makikipagsabayan ako sa pagluha sa kabagsakan.

ayoko kasi nung feeling ng napaglalalangan ako. although, sige, hindi naman dapat laging ako ang tama. hindi naman dapat laging ako ang bida. hindi naman dapat laging ako ang lamang. pero ayaw ko kasi nung pakiramdam na may nangyayaring dapat nalaman ko pero hindi sinasabi sakin at, in effect, ay nililihim (huwaw! parang pang drama sa radyo!) siya sakin. mas nakakainis lalo kapag yung nahuli na tapos pinipilit paring itago. echusmi, nahuli na nga eh.

yun, isa yun sa mga pakiramdam na sadyang nakakapurga. kasama nung pakiramdam na helpless ka at dapat ka nang kaawaan. kaya ayokong makipagjog kasama ng mga taong physically fit (or mas trained para masaya). ayoko kasi nung pakiramdam na pag nakita nilang hinahapo na ako e titigil pa sila para asikasuhin ako dahil hindi na ako makatakbo dahil pakiramdam ko ang baga ko ay size lang ng munggo pero ang kailangan kong hangin ay 700L. yung ganun? ma-pride din naman ako kahit papano. ayoko ng ganun.

ngayon. anung gusto kong mangyari? wala naman...

gusto kong makipagfriends sa isang taong in the first place ay hindi ko naman talaga kilala. i have no idea who this person is. wala akong alam sa family background niya. wala akong alam sa pinanggalingan niya. wala akong alam sa mga echos niya ngayon. ang gusto ko lang ay makipagfriends. kaso pag finriend ko siya, malamang maraming magsasabing isa akong ambisyosang hitad, isa akong intrimitida, isa akong ipokrita, isa akong maldita at kaya gusto ko lang makipagfriends ay pakitang tao.

no, i do genuinely want to be friends. i think we can learn a lot from each other.

ako naman din kasi ang may fault. yeah, i know, eksena.

so anung mangyayari?

wala, forever ko lang siya makakasalubong at titingnan. ganun din siya, pag nakikita niya ako dadaan lang ako. at dadaan lang din siya. pinagdasal ko talagang maging classmate ko siya this sem. pramis. pinagdasal ko. kaso ayaw ni Lord. maybe He just doesn't want it to happen because He knows me too well..

ayun. masayang mag-isip. lalo na pag nararamdaman mong sobrang lapit mo na sa tamang sagot...

(gudness. kinaya ko ang isang seryosong post! tayo na't magpahid ng dugo sa ilong! tayo na't magdiwang! ipakatay ang pinatabang guya!)

Saturday, November 15, 2008

kowinkidink

napaisip lang ako friends. bakit nagkakaron ng coincidence?

seryosong tanong ito. nakakamangha no? may mga bagay na nangyayari without you having to manipulate time and space. nagkaparehas kayo ng damit, nagkaparehas kayo ng title ng kanta, nagkasabay kayo sa jeep, magkaklase kayo sa isang subject...

pero hindi siguro coincidence na...

mataba ako. payat siya.

ANG PINAKAMAGANDANG EARLY CHRISTMAS GIFT MULA KAY WANFENG

kanina nakita ko ang dalawang missed calls sa telepono ko. galing parehas kay wanfeng (luigi tabios). pagkatapos ay dumating ang isang message galing sa kaniya. ganito ang sabi:

Txt me kpg pwde kna tawagan. I have a SURPRISE for u! You'll surely LURVE it..

at dahil naintriga ako, sinabi ko:

GAME!

akala ko naman kung ano. kasi okray partner ko yang si wanfeng. ang oasis namin ay yung wingB ng biosci kung san matatagpuan ang pictures ng mga plant path major students. dun nabuo ang samahan. dahil sa mga joy-giving pictures and names ng mga pangalan. akala ko ang may bago siyang nakitang pangalan or picture na masayang okrayin. kaya naman naexcite ako.

BUT THEN AGAIN. I UNDERESTIMATED WANFENG...

ayoko i-divulge ang buong impormasyon. dahil baka maudlot. basta ganito siya katindi: badtrip ako before niya yun sabihin sakin. at, nung sinabi niya, napatalon ako sa kaligayahan.

o ha?

THANKS WANFENG!!!!  hapi berdey!

anak ng butanding

kasalukuyan akong naiirita sa friendster dahil sa kanilang "scheduled maintenance". pambihira lang.

ang friends na nakasulat sa updates ay hindi ma-view dahil, diumano, hindi ko daw sila friends. pero kapag ina-add ko naman sila, friend ko daw sila. pambihira.

tapos, pati featured friends ko, hindi ko din ma-view. bakit kaya? dahil daw hindi din kami friends. pero pag ina-add ko sila, friend ko parin sila!

pambihirang pating. anung klaseng kalokohan naman? wag naman sana silang pa-bura-bura ng friends. wag naman sana silang balahura. pambihira talaga eh. anung klaseng kalokohan naman yon?!

so... matulog nalang tayo.

Thursday, November 13, 2008

pambihirang pating

anung problema ng friendster at ayaw niya magbukas? like crazy!

Wednesday, November 12, 2008

gupit binata

una kong narinig ang salitang "gupit binata" kay kalaw nung nagaanatomy kami. magpapainterview kasi siya sa US embassy, e galing siya sa pagkakaron ng pagkalagolagong buhok at biglang dumating siya sa klase na clean cut. aba teka. sabi niya, kailangan daw gupit binata pag nagpainterview. bawal daw ang gupit terorista. ayus.

anyway, gusto ko lang magkwento. nagpastraight kasi ako ulit ng buhok. salamat kay atetam sa pagpopondo niya ng aking pagmamalandi.nung sabado yun. nung tumuwid na ang maulap na buhok ko, narealize kong mahaba na pala siya. kaya nagpagupit ako. saka nagpagupit din ako dahil sunog-sunog ang mga dulo ng buhok ko. e ayoko namang pag hinawakan ko yung buhok ko parang kinky yung ends niya. eww.

sumama ako kay nanay nung nagpunta siyang calamba nung tuesday at saka ako nagpagupit sa suki niyang si bobby sa bayan ng calamba. ginupitan niya ako ng maiksi. ang resulta? tingnan niyo ang bagong profile pic ko dito sa muliply. or, better yet, eto siya:

yes friends. ang laki ng fez ko. at yan ang buhok ko. MAY BANGS! panalo. wag na nating pansinin ang damit. nasa bahay ako niyan eh.

heniway. muka akong lalake kapag naka normal na damit ako. kaya, yon, mejo gupit binata. mas mahaba pa ang buhok sakin ng kaibigan kong si earl gustilo. magkabuhok ata kami ng ibang boys sa uplb.

gudness. girl na girl ako, mga kaibigan. hindi ako pa-boy. pa-girl pa nga ako eh. gudness.

ayan. ayan ang hair ko ngayon. at least mejo sumusunod siya. kailangan nga lang ng maagang gisingan. kasi, kung hindi, makakahawig ng buhok ko yung buhok nung isang naging classmate ko sa socsci1. ayoko ng ganun. tikwas-tikwas. tapos mukang waterproof kasi nung nabasa ng ulan e parang walang konsepto ng absorption yung buhok niya. nakaangat ang water droplets at parang handang gumulong ang mga ito ng buong buo.

so, yes, philippines. my hair is short again. mabuhay.

Tuesday, November 11, 2008

pilipinas, quotable na din ako?!

nung mga nakaraang sem, pag tinatanong ako:

"uy beng! o, kumusta ang lovelife?" o kaya "o, may boyfriend ka na?"

ang isasagot ko:

"nako wala! wala yan sa plan of study!"

sabay tawa. minsan may kadugsong pa: "kailangan pa ng change of plan para magboyfriend. kakatamad maglakad nun!"

ano ba ang plan of study? yun yung ginagawa ng majoring students pagkatanggap nila sa kanilang major option. isinasaayos nila ang mga subjects na kukunin nila for the coming semesters. dun din nila pipiliin kung thesis ba sila, all course, SP, o practicum. ganun. yun ang silbi ng plan of study. inaayos nito ang potentially walwalish world of college. at totoo namang nakakatamad maglakad ng change of plan. hahagilapin pa ang adviser, ijajustify pa kung bakit magpapalit, etc, etc. kakatamad yun.

well, bakit ganun ako sumagot? totoo naman kasi. wala yun sa plan of study. walang BOYFRIEND 174 (course title: boyfriends and pests) na subject na pwedeng kunin o kaya naman e GIRLFRIEND 120 (course title: the female physiology during the monthly period). walang subjects sa college na RELATIONSHIPS 200 (thesis, 6 units) kung saan bibigyan ka ng boy or girl of your choice at magrerelasyon kayong legal. kumbaga, yun ang thesis, makikipagboypren at gelpren ka. walang ganun eh. saka bawal pa, friends. gusto ng mga magulang ko gagraduate muna ako. ako din gusto ko yun no. kaya ang sagot ko pag tinatanong kung kumusta ang lovelife o kaya kung may boypren ako ay...

"wala sa plan of study!"

siyempre, mga kaibigan ko madalas ang nagtatanong nun. kaya laking gulat ko nalang kanina nung sinabi sakin ni zane na may nag-circulate daw na message na nakaabot sa kaniya dati na parang ganito:

quote of the day: "uy, may boyfriend ka na?" "wala! wala yun sa plan of study!" - Felicitas Jean "Bebeng" Palis.

parang ganun.

hoemji. kalebel ko na ba sina mitch albom, pablo neruda, paolo coelho, bob ong, ang mga musicians at singers, at si mam mendioro para magkaron ako ng quotable? pambihira, mas mamamangha ako kung marinig ko sa kung saang lugar ang isang usapan na gagamitin ang linyang yun. kunyari nasa makati, kumakain sa old spaghetti house ang magkaibigang matagal hindi nagkita...

"uy, friend! kumusta ka na?"

"eto, friend, ok naman ako! busy parin sa school, you know, as usual. requirements are piling up, like, you know? it's so, like, dami na and it's mejo nakakaloka na like crazy! ikaw, kamusta, friend?"

"hay, friends talaga tayo, friend! ganun din! school ng school! lunod na sa papers at sa mga readings na walang maliw! hay. o, teka, kumusta pala kayo ni [insert name of boy]. kayo na ba?"

"hay, nako, friend. wala siya sa plan of study!"

ay! like crazy lang, pilipinas. like crazy!

type and classification

kanina, nagbayad ako sa landbank ng tuition ko for this sem. pang-ilang sem ko na? pang-walo. kung kasali ang summer, pang-11 na beses na akong nag-reg. pangatlong beses ko na naisulat sa form5 ang "senior" sa "classification. pero unang beses ko palang nasagutan ng tama yung "type".

all the while, regular ang sinusulat ko under classification. parang orange juice lang sa mcdo. regular. o kaya yung sisig. hindi spicy, regular lang po. parang coke. hindi zero, hindi diet, regular lang. REGULAR.

ang dapat pala nakalagay sakin dati ay "continuing". makes sense. dahil nagpapatuloy lang naman ako. kaso, ngayon, hindi na ako continuing. ako ay...

*chenchenenen!!!!*

...GRADUATING.

hoemji. kanina ko lang naabsorb ito. habang naghihintay kami ni mati sa landbank. huling beses ko na magsusulat sa form5 ng elbi. unang beses kong nagbayad sa landbank. at huli na din. huling beses na ko mangunguha ng classcards sa window10 or 11 ng reg. huling beses ko na ipakikita kay tita josie ang id ko at sasabihing "may form5 na po ba ako tita josie?"

hay... thesis nalang ang panakot, friends. thesis.

hopefully, huling sem ko na ito. huling sem na para magpakawengweng sa biosci. huling sem para umasa sa pagiging SA. huling sem para umariba sa undergrad subjects. huling sem para makipagbaklaan sa classmates sa undergrad subjects. huling sem para magkipag friends sa mga magiging classmate sa GE na hindi ka-course.

anung laman ba ng sem ko ngayon? eto sila friends. heto ang mga tumutumbas sa 10 units ko:

1. PE2 (units = imbisibol na 2 units). oo, friends. may PE2 pa ako. softball ang nasa sched ko. dapat archery, kaso nag-swap ako dahil gusto ko ng physical activity. although may physical activity naman ang archery, pero gusto ko kasi yung may takbo-takbo effect. hahaha. gusto ko lang pagpawisan. para pumayat kahit pano :)

2. BOT 142 (units = 3). economic botany. anung silbi ng economic botany sakin, e zoologist ako? aba, friends. ang mga halamang gamot ay malaki ang pakinabang! at siyempre wag natin kalimutang maraming halamang nakakain. so pwede tayo mag-luto-luto dito friends. isang pagkakataon nanaman para tumaba at magmaganda. natuklasan ko din pala na ang classmates ko ay halos lahat mga zoo pips din. aside from pascual, na plant bio, puro zoo ang nalaman kong classmate ko sa 142. bwahahaha. go 2L!

3. HUM2 (units = 3). ah yes, art. dapat last sem nag-hum2 na ako pero dahil hindi ako pinayagan ng college sec hindi ko ito nakuha at, ayan, 10 units parin ako ngayon. ok lang, para may excitement ang huling sem ko. pinagdadasal ko nalang na maayos na teacher ang mapuntahan ko, yung may tamang balanse ng music at visual art. excited na din ako siyempre sa ilocos trip. bwahahaha. pramis, excited na ako talaga. at pinaplano ko na kung anung isusuot ko. effect. huling GE ko na ito. gusto ko ayusin. gusto ko ma-uno ang hum2. sana posible yun...

4. BIO 200 (units = 3). ah, ang aking minamahal na thesis. hello sir ocampo. wala pa po akong outline. hello fishies. nangagsisimatayan kayo. bad. bad fishies. hello PGH. hindi niyo pa ako tinetext. ANUNG MANGYAYARI SA BUHAY KO?!

5. BIO 199 (units = 1). seminar. pagkakataon nanaman para magbihis ng mukang disente at magsalita ng english sa harap ng mga kacourse, kamajor, kaklase, echos. kinakabahan ako. sana maayos ang teacher namin.

6. LTS 2 (units = imbisibol 2). hoyes. ngayon palang ako kukuha ng LTS2. bakit? kasi hindi nila ako binibigyan. at mas ok na din ito. maluwag-luwag ang sched. hay...

kineclaim ko nang huling sem ko na ito. huling sem para maka-uno. huling sem para magmaganda. huling sem para magmagaling. HULING SEM.

Lord, gusto ko po talaga huling sem ko na to. gusto ko na po makimarcha sa april kasama ng batchmates ko tapos aabutan ako ng certificate tapos makikiclearance at kung anuano pang kasalawan ng buhay. Lord, gusto ko na pong mag-med next sem. Lord, kineclaim ko po. HULING SEM KO NA ITO!

Sunday, November 9, 2008

second childhood




mga isip bata sa CDL. monkey bars make us crazy. pati swings. at seesaw. at yung mga bilog na bagay na sinusuutan.

nang guluhin ng pamilya ang bangkok




nov 2-6. nanatili kami sa maliit na lugar na tinatawag nilang bangkok, thailand.

Friday, November 7, 2008

katangahan sa airport

hindi naman siguro talaga magandang excuse ang kasalawan ng security sa pilipinas para maging anga-anga. ganito ang kwento.

sa backpack kong kulay blue, laging nandun yung pabango kong pink. "my desire" ng victoria's secret garden. amoy mangga at bulaklak siya kaya mabango. malaki ang bote at marami pang laman. nung paalis kami papuntang thailand, nakalagpas ang pabango ko sa mga x-ray x-ray echos ng PAL airport. ok. so carry lang, nakarating ng thailand si pabango ng walang nangyayaring masama. nagamit ko siya ng matiwasay at nabawasan din naman kahit papano.

ngunit, sa aming pag-uwi, muling skinan ang bagahe namin sa gate papunta sa waiting area ng gate d7 sa bagong airport sa thailand. at doon, matapos lumabas ng bag ko, kinuha ito ng babaeng nag-scan at iniluwal ang lahat ng laman nito. ang libro ko, ang band-aid ko, ang facial wash, lip balm, deodorant, marker, bolpen, at ang mahiwagang pabango. isinauli niya sa bag ang lahat MALIBAN sa pabango. at doon, ipinakita niya sakin ang intensyon niyang itapon na ang pabango ko sa basurahan dahil iligal ang magdala ng ganung karaming liquid na chemical sa plane.

masarap sisihin ang airport sa pilipinas dahil, in the first place, dapat doon palang ay hindi na nila pinalmpas ang pabango ko. dapat sa pilipinas palang hinold na nila yung pabango, or pinalipat sa mga check-in baggage. pero pinalagpas nila ang dambuhalang bote ng pabango na sangkatutak pa ang laman. yan tuloy, sa thailand pa naitapon ang aking mahiwagang pabango. hindi ko maintindihan ang airport ng pilipinas. hindi ba sila natatakot na baka yung mga kemikal na laman ng mga bag namin ay explosives pala in disguise as a fragrant pink liquid in a bottle of perfume? o baka sadyang anga-anga lang talaga sila. ewan. panget.

pero, sa kabilang dako, kasalanan ko din yun. kasi alam ko naman din na bawal yun. pero ginawa ko parin. smart no?

lahat ng ito ay naalala ko dahil kumain ako ng mangga. akalain niyong 40pesos na ang isang pirasong mangga ngayon?

pambihira.