Sunday, December 28, 2008

katamad

december...

nagninang. nag-school. nag-softball. na-late. naligo. nag-dress. nag-skirt. nag-sleeveless. nag-spaghetti strap. namasko. nag-ingay. nagmaganda. nawalan. nalungkot. natawa. natatawa, nasaktan. nagasgasan. nagkapasa. nag-quiz. nag-drawing. nadulas. nangchismis. nachismis. nanloko. naloko. nairita. nagalit. natuwa. naawa. nangati. nagulat. napasigaw. naexcite. napakanta. nanahimik. nagpiano. naggitara. nagkaron. nabawasan. nasabihang pumapayat. nag-isip. nag-iisip. nagbasa. nag-aral. nagbiyahe. naglakad. nanakbo. nagdamit. nag-toothbrush. nag-grocery. nag-mall. nag-thesis. nag-limno.

anu pa kayang hindi dapat gawin.

Monday, December 22, 2008

hindi siya simple

i knew it wouldn't be easy...

because i knew it would be hard.

Friday, December 19, 2008

miserable (tagaolg pronounciation. para mas panget. hahaha)

so yeah, for the first time since high school makakapunta ako sa isang batch party (yehey). huli kasi akong nakaattend ng batch party nung third year ako. nung fourth year hindi ako nakasama dahil kasal ng pinsan ko. at kahit gaano kong kagustong pumarty nung gabing yon, nahiya naman ako kasi dadating ako dun ng mukang nakapang-prom habang ang batchmates ko ay nakacasual lang. so, yeah.

ngayong college naman, hindi ako nakapunta ng tatlong taon dahil laging natapat sa birthday ng tatay ko ang parties. december 21. so, yeah. ayaw ni tatay.

PERO! ngayong taon december 20-21 ang partey. which means... pwede ako! pwede ako! siyempre, excited naman ang drama ko. kasi after four years of being a loser...

MAGIGING WINNER NA AKO!

hahahaha. ngunit, dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari...

LOSER-ISH NANAMAN ME!

nagkasakit kasi ako nung thursday. lagnat-lagnat to the max with matching nilalamig na pagkatao pa. with all the sickness-sickness effect pa. sosyal. baka daw natyphoid ako. o diba? sakit sa ulo.

kaya naman eto ako at hanggang 11:00 or so lang sa party mamaya. ho-hum.

wateber yaya.

Wednesday, December 17, 2008

ang galit mo

nakakatawa.

meron akong kaibigan. itago nalang natin siya sa pangalang "kuya". bahala kayong mag-isip kung tunay siyang lalake, tunay siyang babae o tunay na tunay.

anyhoo.

sinabihan ako ni kuya dati ng:

"beng ano ka ba! magseryoso ka nga!"

dahil nag-uusap kami ng nakangiti ako.

ANG TANONG NG BAYAN.

hindi ba pwedeng maging seryoso ang nakangiti?

kailangan bang tiger look lagi? grrrawr!

Tuesday, December 16, 2008

ang kwento ng nawawalang class picture

nagtitingin ako ng photo album kanina nang masalisod ko ang class pictures ko nung high school.

first year: ipil. adviser: Prof Alona Ardales. muka pang mga totoy at nene. si anthon ang liit pa. si mico ang cuuuute cuuuuute! pero si bebeng betty la fea mode with the braces and kulotish hair. andito pa sina vicki at yen. awwww. nakatayo me sa gitna ng second row (read: nakatayo).

second year: katmon. adviser: Prof Venus Advincula. mejo tumanda na ang itsura ng mga tao, pero unti lang. si dianne todo bangs. si bebeng todo ponytail na mukang hapit na hapit. ang fashioin statement ko ay ang aking kwintas na kahoy. sowshal. nakatayo me sa gitna uli ng second row.

third year: acacia. adviser: Prof Lorna Aporto. mga binatilyo at dalagita. maayos sana. NGUNIT. hinanginan kami. wahahahaha! si troy, si jasper, si karel nilipad ang bangs. si alexis at kei mejo hindi na-take ang hangin kaya napapikit. ahoy! si toy! words are not enough to describe!!!! si bebeng nakalugay ang hair (dahil nagparelax!) at nakatayo mula sa may gitna ng second row.

ASAN ANG CLASS PICTURE KO NG NARRA????

ang tanda ko, dito lang ako nakaupo na class picture. significant ito dapat. ngunit hindi. bakit?

ganito yan: sa rural kasi, ang usual na nakaupo pag class picture ay yung matatangkad na girls. so, dahil lagi akong gitna-ish sa likod, borderline ako ng katangkaran. wahahaha!

but wait! there's more! nung 4th year, SA WAKAS! nakaupo na din ako! NGUNIT! nabaliktad kasi ang mundo nun. kaya andun ako, nakaupo sa gitna. dahil yung maliliit na girls na ang nakaupo.

ngeeeeeek.

asan na ba? nawawala seniors class pic kooooo!!! narra pips! i-scan niyo naman class pic natin tapos post niyo! huhuhuhuhu!!!

Monday, December 15, 2008

nasirang iskeydyul

pambihirang pating.

ngayon nga pala yung sa hum2 na panonoorin sa DL. pambihira. dahil sa thesis hindi ako nakapanood. grrrrr.

sayang

sayang ang pera sa lecheng thesis na to.

2000 pesos wasted on slides that did not turn out right at all.

400 pesos wasted on fish that were not big enough.

about 500 pesos more wasted on the first run of the experiment.

so approximately 3000 pesos wasted, not counting money for fuel, jeepney fare, etc.

leche.

Sunday, December 14, 2008

takot

merong dalawang bagay na naiisip ko kaagad pag tinatanong ako kung san ako takot.

una, takot ako sa pointed objects na nakaturo sakin. ang tawag ata sa phobia na ito ay aichmophobia. sa kabuuan, kaya ako takot sa mga large, sharp, pointed objects ay dahil naiisip kong tutusukin nila ako. kung gusto niyo akong paiyakin ng walang ka-effort-effort, tarakan niyo ako ng knife, syringe, gunting, at iba pa. kayo mag-eenjoy. ako hindi siguro.

pangalawa, takot ako sa failure. malay ko kung anung tawag sa phobia na yan.

it's true. takot akong mag-fail. kahit yung simpleng pagbagsak sa exam takot ako. naiiyak ako pag naiisip kong mas malaki ang probability na hindi ako makakapasa kesa dun sa probability na papasa ako. nanlulumo akong isiping may posibilidad na magkamali ako ng desisyon at yun, ultimately, ang magpapabagsak sakin. huhuhu. parang multiple choice lang.

ngayon, mas takot ako sa failure kesa sa mga matutulis na bagay. kailangan ko kasi gumamit ng gunting sa thesis ko. pero yung thesis ko ang tumatakot sakin. panget ang slides ko. dalawang libong piso ang nagastos ko (*ubo* ni nanay *ubo*) para ipahistopath yun. uulitin ko lahat. 7days acclimatization, 15days experimentation, approximately 30days histopath. total  52 days. ilang araw nalang ba ang natitira sa sem na to? pambihira. natatakot talaga ako.

gusto ko gumraduate on time. gusto ko, sa summer, ang pinagkakaabalahan ko nalang ay graduation practices, clearance, pagregister sa medschool, graduation, pagpapakababoy, etc. ayoko na na may thesis pa akong tinatapos sa summer dahil hindi ko natapos nung regular sem. pambihira naman, thesis lang ba ang ikadedelay ko? mga isda na papatay-patay sa mga tangke kong anu bang malay ko kung bakit nagkaganun? noooo. i don't think so.

sabi nila kapag daw may fears ka pa ibig sabihin hindi pa ganun katibay ang faith mo kay Lord. kung totoo yun (at tingin ko totoo yun), marami pang ilalaki ang faith ko. marami pa akong kakaining bigas. marami pa akong gatas sa labi (hehehehe). marami pa akong dadaanang paghihirap.

marami pa akong papataying isda.

Wednesday, December 10, 2008

neanderthal

yeah, i saw your picture. i saw the smile. i saw the smirk. i saw the upward-directed eyes.

i saw everything.

i know how happy you are, and i couldn't be happier for you. i know it's been long gone and it's been, like, forever. and i know it wouldn't make sense to think about it again. it's done.

however, i had a dream about you. and me. and that was scary. it wasn't scary because my dream was a thriller. it wasn't scary because of a never ending fall. it was scary because you were in it in a way that i really wouldn't have wanted. ever.

i smile at you, you smile back. i toot my horn, you toot yours. we pass each other like nothing ever happened. fun.

i never saw you cry before. but i dreamed you did. you cried your eyes out, puffy and red, and you pulled me aside to cry on my shoulder. cheeee, i remember this one. kaso the roles were reversed. i cried, you were the shoulder. dream world vs real world. close enough. but i know dream world will never be real. it will be just that: a dream.

a good dream? maybe. a bad dream? more likely.

i know i wasn't wrong before. i know it was not my fault. it was entirely yours.

and yet i wonder. i wonder how.

how in the world was i able to think of you as anything more...

anything more than a...

NEANDERTHAL?

i mean! really!

Tuesday, December 9, 2008

my outdated life

i'm not that big a follower of fads, nor am i particularly interested in pop culture. however, there comes a time when one feels quite behind in everything one used to be highly updated in. music, fashion, gadgets, literature, art, and many other things. this is one of those times for me.

yun lang

Saturday, December 6, 2008

dugyot

masarap maging dugyot once in a while, lalo na kung ang dahilan ng kadugyutan mo ay dahilan din ng kaligayahan mo :)

nag-enjoy akong maglaro ng football kanina. tagal na kasi since last ako naglaro. exciting. masarap maglaro just for the fun of it, yung hindi mo iniisip na "char, hindi pwedeng matalo!" wallang. masaya.

ang lahat nga pala ng ito ay excuse lamang para walang mangelam kung umitim nanaman ako. oo. nognogita nanaman ako. dugyot at nognog. ferfect.

Tuesday, December 2, 2008

my christmas wish list

wala lang. makikisali ako sa buzz ng pagwiwish list. i've only made one once. and never again. hindi ko sinasabing bilhan niyo ako. wish lang naman eh. libre mangarap :)

  1. 4G IPOD NANO. since music person ako, gusto ko ng pagpapakinggan ng mga tugtog na gusto ko. yehey.
  2. NOKIA 5610 O KAYA SAMSUNG U900. i think you will understand why kapag nakita niyo ang nature ng phones na ito. (note: sira parin si v3x friends.)
  3. LIBRO! mga libro ni erich segall, meg cabot, cecilia ahern (except ps i love you), sophie kinsella, at nicholas sparks. tunay ko kayong mamahalin.
  4. PICTURE KASAMA SI VICTOR BASA. totoo. picture. dahil masaya ang video mula kay wanfeng, gusto ko naman picture NAMING DALAWA LANG NI VICTOR BASA. harhar.
  5. CHUCK TAYLOR ALL STAR SEQUINS IN BLACK. funkehhhhh :)
  6. ROSES. i am a sucker for flowers. especially roses in pale pink or orange or peach. ang gandaaaa :)
  7. THE RED SCHOLL PUMPS I SAW IN THAILAND na ayaw ipabili sakin ni nanay.
  8. PERFECT-FITTING JEANS
  9. CASH FOR THE KIDS IN TADLAC

and, of course, let us not forget...

PAHINGA.

isa sa mga ka-loser-an ko

trivia:

hindi pa ako nakakapanood ng kahit anung harry potter or lord of the rings movies or yung da vinci code. neither have i read any of the books. kaya hindi ako makakarelate sa inyo pag yan ang usapan.

so you may understand why i don't get the entire twilight buzz. don't get me wrong. mahilig akong magbasa. i LURVE meg cabot, nicholas sparks, cecilia ahern, louisa may alcott, at marami pang iba. geek ako guys. geek ako. kaso mahirap ang walang pera. i guess i'd rather buy erich segall novels or lots and lots of books by the abovementioned authors kasi alam kong matatapos ko yung mga libro nila.

i saw twilight in bookstores before the buzz. kinda interested lang ako, not very very interested. as i said, i wouldn't buy it given a choice between erich segall and twilight. however, since sinendan ako ni eugenia naredo ng e-copy in exchange for a deal which entails me to finish the entire series, i have to finish it. technically, i don't have to kasi hindi naman niya malalaman yun, pero a deal is a deal. i agreed to it so i'll do it.

i just hope i like it :)

Sunday, November 30, 2008

tayo na't mangakyat ng bundok

kahiya-hiya mang nagsimula ang sunday ko, nagtapos naman ito ng masaya ^^,

ang umaga ko ay naubos sa pagtiteam building for LTS2. kahiyahiya. parang hindi ako maalam magbasa. tandaan. NHA is not equal to PHSA. anyway. ayun. na-assign akong makasali sa mga magtututor sa art center kids. eto ang mga umattend ng team building:

tetet, clarisse, esther, fern, arianne, kevin, cille, kamae, do, ron, bianca, pot, ako. featuring debbie (anak ni mam afuang), mam afuang, and sumalde. ayun. magulo kami pero masaya. kasama ko si pot na magtututor ng second year science. apat ang students namin. team leader si kevin. 5:30-8pm ang oras namin. tuwing monday ang science pero kung kailangan ng relief sa ibang subjects baka tawagin din kami dahil free naman din ako ng wednesday. masaya ang team namin. kami ang CHAMPION, pronounced tseympyen. thank you, fern.

nakatulog pag-uwi sa bahay. pagud-paguran ang drama. and then it's time to practice..

and then church time. ang sarap ng worship kagabi for some reason. Jesus is great :)

fed my fish. none of them died. buti naman :)

EVENING...

thankyou for making my evening end well. i just hope you work it out :)

good morning.

Saturday, November 29, 2008

umaandar nanaman ako

parang motorsiklo lang. vroom vroom!

hindi ko kayang sabihin ng harapan pag nagagalit ako. kaya nagtype ako. hindi ko alam kung mababasa niya to. malayo siguro. alam ba nun na nag-eexist ang multiply site ko? ayan, fragments of the unsent letter. that will forever be unsent. harhar.

  • petty things kagaya ng GRADES, PAMILYA, PHYSICAL PAIN.. yung mga ganung bagay? petty things lang naman yun diba?
  • hindi ko kayang magalit or mainis ng hindi umiiyak. alam mo yon dapat. sabi mo kilala mo ko eh.
  • ang kapal ng muka mo. MAKAPAL PA SA LALIM NG MARIANAS TRENCH ANG MUKA MO.
  • ANG KAPAL KAPAL NG MUKA MO. AKALA MO YATA KUNG SINO KANG PANGINOON EH. ANG KAPAL KAPAL KAPAL NG MUKA MO.

yan. yan ako pag enraged. lilipas din to. siguro lilipas din to.

Thursday, November 27, 2008

simpleng kaligayahan ^^,

although marami akong kaartehan sa katawan, may mga simpleng bagay din naman akong gustong maabot. isa dun sa mga yun ay naachieve ko kagabi.

nag-aral akong mag-piano nung bata pa ako, pero hindi naman ata ako gaano natuto. hanggang ngayon kasi usad-pagong parin ako magbasa ng notes, e diba ang mga piyanista dapat mabilis magbasa? ako hindi. sa totoo lang kasi, ang gusto ko talaga nung bata ako ay matuto mag-violin. pero since mahal bumili ng violin (although mahal din naman bumili ng piano, ang bigat pa) at wala kaming kakilalang nag-ooffer ng lessons, piano nalang. pero hindi ko talaga gusto magpiano dati. ang gusto ko din isa pa ay mag-drums. o diba sosyal?

maalam ako ng basic sa drums. at unting echos. tapos nun napapunta din ako sa bahagi ng buhay ko na ang gusto ko matutunan ay ang bass guitar. hanggang ngayon yun parin ang gusto ko matutunan at gusto ko maging magaling dun. ultimate dream kong makapag-may-ari ng upright bass at ako ang magaling at maalam tumugtog nun. siyempre, saan ko pa ba ibang gagamitin yun kundi para sa worship. NGUNIT nang dumating ako sa point ng buhay ko na sa kapapanood ko ng tv ay nakita ko ang mga singer tulad nila michelle branch, jewel, aiza seguerra, liz phair, at marami pang iba, narealize kong gusto ko din pala matuto mag-gitara.

meron akong dalawang struggle sa pag-aaral mag-bass at maggitara. UNA, dahil sanay akong mag-piano, hindi ako sanay sa matigas na pagpindot sa strings. PANGALAWA, ang mga daliri ko ay parang ako: short and stout. pagsamahin natin ang dalawang ito at matutuklasan niyong hirap ako sa bar chords. hehehehe.

kagabi, dahil kami palang ni waysa ang tao sa vigil chapel, ininvade ko ang guitar time niya at hiniram ko ang gitara. a few days back, natuklasan kong pwedeng walang bar chords ang paborito kong kanta (HIDE by Joy Williams). kaya sinubukan ko siyang tugtugin. ang resulta?

BWAHAHAHAHA. natugtog ko ^^,

palakpak tenga!

ngayon, kailangan ko nalang matutunan mag-bar chords. at mag-bass ng magaling. at magdrums ng magaling. at magpiano ng magaling. at (siyempre hindi pwedeng iwanan) kumanta ng matataas na nota ng hindi nagheheadtone. BWAHAHAHAHA.

*i sing and play for Jesus*

Sunday, November 23, 2008

HINDI PA TAPOS ANG KILIG.

nang panoorin ko muli ang victor basa video (for the 15th time) saka ko lang naintindihan yung sinabi niya. nabulag kasi ako ng kagwapuhan niya.

eto ang sinabi niya:

"hi bebeng, si victor basa po ito. i hope you're doing well and i hope i get to meet you someday."

alam kong malamang ay effect lang yon pero...

HE HOPES TO GET TO MEET ME SOMEDAY.

I HOPE TO GET TO MEET YOU SOMEDAY TOO!

HAHAHAHA ^^,

Saturday, November 22, 2008

MY BIGGEST CRUSH

una kong namataan ang kagwapuhan niya sa glorietta. naka-shorts siya nun at t-shirt na mejo body fit. may kasama siyang babae at isang lalake, mga hindi kasing kilala niya. pero nung una naman hindi ko siya kilala eh. nagwapuhan lang ako. nun lang sinabi ng ate ko sakin na:

"beng, diba si VICTOR BASA yun?"

saka ko lang nalaman na artista siya.

hindi siya maputi. tanned siya. tapos matangkad. matangkad siyang lalake. sabi nila malaki daw ilong niya sa tv. sa personal hindi talaga. para siyang estatwang inukit sa marble na kinulayang kayumanggi at dinamitan ng parang isang surfer dude na naliligaw ng landas sa malamig na mundo ng mall.

three times namin siya nakita nung araw na yun. three times. ni isang beses hindi ako nakapagpapicture dahil HIYANG HIYA AKO. GRABE.

nagliliyab ang medyas ko tuwing makakakita ako ng picture niya. naiiwan ang mata ko sa tv kapag may palabas na kasali siya. at talaga namang sinubaybayan ko ang PBB nung andun siya. pero hindi ako bumoto. mahal kasi.

oh my goodness. talaga namang naiwan ang puso ko sa cellphone ko nung tinawagan ako ni wanfeng para sabihing navideohan niya si victor basa na may mensahe para sa akin.

VICTOR HAS A MESSAGE FOR ME. VICTOR. VICTOR BASA.

yun ang early christmas gift sakin ni wanfeng. ang akala ko'y mauudlot pero HINDI NAUDLOT! HINDI NAUDLOT!!!  if you want the link, eto siya. goodness gracious. kinikilig talaga ako friends. kinikilig ako.

sana makatulog ako. para mapanaginipan ko si victor. baduy!

luigi, isang malaking TENKYU sa pag-alala sa kahiyahiyang krash ko kay victor basa. salamat sa pag-uutos sa kaniya ng "BEBENG. GAME" kahit sinasagabal ka ng boss mo. salamat! dahil sayo, siguro isang bwan tong kahit thesis ay hindi ako kayang palungkutin. hahahaha.

VICTOOOOOR!!! kamuka ka ni ANO dun sa isang pic niya. ahiiiiii. kinikilig me!

Wednesday, November 19, 2008

OO NGA PALA. BASAHIN NIYO ITO.

tawag pansin talaga ang all caps no?

anyway, gusto ko lang sabihin sa mga taong nagtetext sakin for one reason or another na, since nasira yung v3x ko, nawala ang lahat ng numbers niyo kasi wala akong nakastore sa sim memory. kaya, kung gusto niyo, penge ako ng number niyo ulit. i-message niyo nalang sakin dito or kung gusto niyo bulgaran e ireply niyo nalang dito sa post na ito. pasensya na at maraming salamat ^^,

Tuesday, November 18, 2008

tantrums si lola

i never got why couples fight in public. i mean, why would you want to display your violent disagreements for all the philippines to see? bakit naman kailangang ipakita na hindi ok sina gelpren at boypren sa mga pampublikong lugar, katulad ng kalsada, sakayan ng jip, public toilets, restaurant or fast food joint, etc? tama ba yun friends, i ask you. TAMA BA YUN?

may kwento ako. last week galing ako sa school at pauwi ako nung hapon. as usual, sasakay ako ng jeep sa may goldilocks nang maabutan ko ang magsing-irog na nakatayo dun sa kung san ako usually natayo. oo, pagaari ko ang spot na yon kahit hindi nila alam. ngengelam kayo.

parang ganito ang eksena:

si ate ay nakatayo sa taas ng sidewalk habang si kuya ay nandun sa improvised kanal sa gilid ng kalsada. parehas nakakunot ang noo nila at si ate ay may irap-irap effect pa. si kuya naman hawak ang kamay ni ate-with-irap-effect pero si kuya ay mukang handa nang sumuko. anyway, hindi ko naman pinakinggan yung usapan nila. people watching lang ako. pero may nangyaring talaga namang kahit hindi na ako makinig ay tunay na kamangha-mangha.

alam niyo yung ginagawa ng mga batang nagtatantrums? yung nagpapadyak ng paa with fists clenched at the sides of the body?

ABA TEKA! GUMANON SI ATE!

kailangan ng tantrums? or, for a better question, kailangan magtantrums ng isang college student sa kalsada kung saan maraming makakakita sa kaniya? kung saan pwedeng makita sila ng mga barkada ni boypren or ng mga may krash sakaniya? kung saan pwedeng makita ng mga taong ito ang ka-turn-off-turn-off na behavior ni ate?

sabi sa animal behavior namin last sem, hindi daw parehas ang animal behavior sa human behavior kasi ang humans ay highly developed na ang brain, kaya capable of making rational decisions, suppressing natural urges, etc.

in the case of ate-with-irap-and-tantrums-effect, ang tanong...

TALAGANG HIGHLY DEVELOPED NA BA ANG BRAIN MO AT CAPABLE OF MAKING RATIONAL DECISIONS KA NA?

like crazy!

goodbye, v3x

goodbye v3x.

about one year and one month of loyal service to me, my phone has finally gone byebye. i will miss this phone. dati rubberized siya, pero dahan-dahan kong binalatan siya at ngayon hindi na. dati buo yung cover ng speakers niya, ngayon hindi na.

hay... 2 megapixels, mp3, mp4, etc. hay...

ayun, agnun siya. pag binubuksan siya, umiilaw ang keypad ngunit sadyang walang lumalabas sa screen. malamang flex cable ang problema nito, the usual problem with flip phones. hay...

ayoko nalang siya ipagawa kasi baka masira din ulit. hay...

kalungkutan. i will miss my phone. ang ganda kasi niya.

hay...

wala na.

isa akong inggitera at isa akong poorita

si chris brown ay isa sa mga paborito kong artists ngayon. gustong gusto ko ng mga kanta niya at, kahit luma na ito, love na love ko ang "with you" at ang "run it".

si rihanna not really a favorite but she's really good. masaya ipiano ang "take a bow" at nakaka-LSS ang "disturbia".

ang lifehouse ang isa sa mga paborito kong banda of all time. pwede akong makipagsakalan para sa kanila dahil mahal na mahal ko sila. ang boses ni jason wade ang tinatawag na GWAPO VOICE. haylabit.

ang tatlong artists na ito ay nag-concert sa pilipinas recently. lifehouse muna tapos rihanna and chris brown. hindi ako nakanood, mainly dahil...

*cue dark emo music*

PURITA AKO. PULUBS. WALANG SALAPING WAWALDASIN.

yeah, wala akong pera at wala akong means of transportation. ung marami lang akong pera manlilibre pa ako ng kasama. hay buhay...

wala akong magagawa kung hindi ako makapunta. siyempre, marami akong pinaglalaanan ng ipon ko. una, medschool. pangalawa, bagong phone dahil nga nasira si motorola v3x (will post later about that). pangatlo, iPod nano 4th gen. hay... alam kong ang mga bagay na ito ay simple lang bilhin para sa ibang tao. kaso normal lang kame, hindi kami yamings. kaya ayan. matagal maipon ang salapi.

pambihirang pating.

maganda naman laptop ko. kaya masaya naman ako kahit papano

maalam pala akong maging mushy ^^,

ayoko nang magpunta sa website mo. ayoko na.

pag nakikita ko pictures mo napapatingin ako tapos pagtingin ko napapaisip ako. pag napapaisip ako.. wala na, laglag na.

ayaw ko nang magbrowse dun. pambihirang pating. parang ikaw at ikaw din yung tinitingnan ko tapos maiimagine kong anjan ka tapos maaamoy kita (sabi sa inyo oso ako eh, sensitive ang ilong ko ^^,) tapos... wala na, laglag nanaman.

pambihirang pating. bakit ba kasi kailangan ng ganun? para kang shih tzu. sobrang wish kong magkaron ng shih tzu kaso hindi ko kayang makuha yun. maraming kailangan, at unang una na dun ang sense of responsibility. sa tingin ko kasi hindi ko din siya maaalagaan ng ayos dahil nga mas madalas na wala ako sa bahay kesa nandito. tapos magmemedschool pa ako, e di lalo ko nang naiwan yun. may pagkaburara pa naman ako. hay..

pano ba to? pambihira lang talaga eh..

sana akin ka nalang...

samsung g800.

hahaha

Monday, November 17, 2008

things to do before i graduate

okey, so, assuming na gagraduate na ako sa april (aba naman dapat lang!), meron akong ilang bagay na gustong magawa habang estudyante pa ako. although pwede ko naman silang gawin pagkagraduate ko dahil taga dito lang naman ako. pero gusto ko parin bago gumraduate. epal kayo.

1. maglakad sa cpark na may kasamang mushy kapag may christmas lights. matagal ko na talaga pangarap ito. gandang ganda kasi ako sa cpark tuwing pasko. mahilig ako sa christmas lights at mahilig din ako sa fireworks. at ang ganda ng effect niya sa cpark pag gabi. yiee ^^,

2. magliwaliw sa campus ng gabi. isa yan sa mga downside ng pagiging elbi resident. dahil kasama ko sa bahay ang parents ko at wala akong susi ng mga lock, hindi ako pwedeng gabihin. at isa pa, wala kasi akong kasamang magliwaliw sa campus ng gabi. hay...

3. magpuntang CEAT para matuto... err... magboy-watching. ito ang kasalukuyang pangarap namin ni mati. hahahaha kaso mati may magagalit sakin.pero gusto ko talaga mag-boy-watching sa ceat para malaman kung totoo ang chismis na maraming gwapo dun. titingnan ko lang naman...

4. MAKA-UNO. pambihirang pating. last sem, 1.25 nanaman ang pinakamataas kong grade. although i'm not complaining dahil laude standing pa naman ako. pero gusto ko talaga maka-uno!

5. makaubos ng isang half-gallon ice cream ng dtri. kung sinong may ginintuang puso diyan na gusto akong patabain lalo, bigyan niyo ko ng ice cream!

6. makapag-jog ng matiwasay. oo, pangarap ko talaga to. yung rota na galing baker tapos sa may ansci tapos newdorm, baba ng sa may vetdorm, ikot sa may dl, pabalik ng baker.

7. makapag-picture-picture ng gabi sa mga landmarks sa elbi. walalang. para masaya ^^,

more to come. magiisip pa ako.

Sunday, November 16, 2008

i shouldn't

i really shouldn't.

ok, i won't

this is wat you call confusion

pambihirang pating lang.

nakakaloko ah! parang optical illusion ba, yung sa mga libro na yung ilalapit mo muna yung image sa mata mo tapos duduling ka tapos ilalayo mo tapos may makikita kang pambihirang images. may ganun kaming libro dati. "The Eye" yung title. ang cool :) favorite ko nun yung last na image na ang dapat makita ay "Till Next Time".

o e ano naman?

kunyari optical illusion lang. walang label, walang image title. yun lang laman nung libro. nung unang tingin mo akala mo magandang painting lang. akala mo play of colors lang na splattered sa isang canvas (or piece of paper, fine) at nakadisplay. waaw ang ganda! haylabit! but then again!

biglang nalaman mong may mas malalim na eklavu pala yung picture. yun nga, pag nag-duling effect ka e may makikita kang underlying image na sobrang mas maganda pa kesa dun sa superficial image on paper. gudness gracious (diciano, 2008). nakakaloka, and then you love the image even more.

pero, nalaman mong joke time lang pala yun at wala palang underlying image! yung nakita mo pala ay sadyang makikita mo sa kahit anung ganung klaseng image na pagdulingan mo. pambihirang pating! nag-umeffort ka pang maglapit-layo-lapit-layo ng mata mo dun sa image! pambihirang pating talaga!

nakakamiss yung librong yun. hindi ko na kasi alam kung nasan na siya ngayon. nung huli ang alam ko andun yun sa baba ng bahay namin, dun sa bookshelf. pero ngayon ewangko na.

hay... i miss you. (ayun! yun pala ang punchline! malandi ka bebeng malandi!)

may pagkaintrimitida kasi ako...

mahilig ako mag-isip. kahit minsan parang eng-eng lang ako at parang lumilipad ang utak, mahilig talaga ako mag-isip. siguro kaya sinasabi minsan matalino daw ako. hindi ako matalino, sa tingin ko. mahilig lang talaga ako mag-isip. mataas ang deductive reasoning skills ko. magaling din (ata) ako sa math per yung lower forms lang. siguro yung mga engineering level math e makikipagsabayan ako sa pagluha sa kabagsakan.

ayoko kasi nung feeling ng napaglalalangan ako. although, sige, hindi naman dapat laging ako ang tama. hindi naman dapat laging ako ang bida. hindi naman dapat laging ako ang lamang. pero ayaw ko kasi nung pakiramdam na may nangyayaring dapat nalaman ko pero hindi sinasabi sakin at, in effect, ay nililihim (huwaw! parang pang drama sa radyo!) siya sakin. mas nakakainis lalo kapag yung nahuli na tapos pinipilit paring itago. echusmi, nahuli na nga eh.

yun, isa yun sa mga pakiramdam na sadyang nakakapurga. kasama nung pakiramdam na helpless ka at dapat ka nang kaawaan. kaya ayokong makipagjog kasama ng mga taong physically fit (or mas trained para masaya). ayoko kasi nung pakiramdam na pag nakita nilang hinahapo na ako e titigil pa sila para asikasuhin ako dahil hindi na ako makatakbo dahil pakiramdam ko ang baga ko ay size lang ng munggo pero ang kailangan kong hangin ay 700L. yung ganun? ma-pride din naman ako kahit papano. ayoko ng ganun.

ngayon. anung gusto kong mangyari? wala naman...

gusto kong makipagfriends sa isang taong in the first place ay hindi ko naman talaga kilala. i have no idea who this person is. wala akong alam sa family background niya. wala akong alam sa pinanggalingan niya. wala akong alam sa mga echos niya ngayon. ang gusto ko lang ay makipagfriends. kaso pag finriend ko siya, malamang maraming magsasabing isa akong ambisyosang hitad, isa akong intrimitida, isa akong ipokrita, isa akong maldita at kaya gusto ko lang makipagfriends ay pakitang tao.

no, i do genuinely want to be friends. i think we can learn a lot from each other.

ako naman din kasi ang may fault. yeah, i know, eksena.

so anung mangyayari?

wala, forever ko lang siya makakasalubong at titingnan. ganun din siya, pag nakikita niya ako dadaan lang ako. at dadaan lang din siya. pinagdasal ko talagang maging classmate ko siya this sem. pramis. pinagdasal ko. kaso ayaw ni Lord. maybe He just doesn't want it to happen because He knows me too well..

ayun. masayang mag-isip. lalo na pag nararamdaman mong sobrang lapit mo na sa tamang sagot...

(gudness. kinaya ko ang isang seryosong post! tayo na't magpahid ng dugo sa ilong! tayo na't magdiwang! ipakatay ang pinatabang guya!)

Saturday, November 15, 2008

kowinkidink

napaisip lang ako friends. bakit nagkakaron ng coincidence?

seryosong tanong ito. nakakamangha no? may mga bagay na nangyayari without you having to manipulate time and space. nagkaparehas kayo ng damit, nagkaparehas kayo ng title ng kanta, nagkasabay kayo sa jeep, magkaklase kayo sa isang subject...

pero hindi siguro coincidence na...

mataba ako. payat siya.

ANG PINAKAMAGANDANG EARLY CHRISTMAS GIFT MULA KAY WANFENG

kanina nakita ko ang dalawang missed calls sa telepono ko. galing parehas kay wanfeng (luigi tabios). pagkatapos ay dumating ang isang message galing sa kaniya. ganito ang sabi:

Txt me kpg pwde kna tawagan. I have a SURPRISE for u! You'll surely LURVE it..

at dahil naintriga ako, sinabi ko:

GAME!

akala ko naman kung ano. kasi okray partner ko yang si wanfeng. ang oasis namin ay yung wingB ng biosci kung san matatagpuan ang pictures ng mga plant path major students. dun nabuo ang samahan. dahil sa mga joy-giving pictures and names ng mga pangalan. akala ko ang may bago siyang nakitang pangalan or picture na masayang okrayin. kaya naman naexcite ako.

BUT THEN AGAIN. I UNDERESTIMATED WANFENG...

ayoko i-divulge ang buong impormasyon. dahil baka maudlot. basta ganito siya katindi: badtrip ako before niya yun sabihin sakin. at, nung sinabi niya, napatalon ako sa kaligayahan.

o ha?

THANKS WANFENG!!!!  hapi berdey!

anak ng butanding

kasalukuyan akong naiirita sa friendster dahil sa kanilang "scheduled maintenance". pambihira lang.

ang friends na nakasulat sa updates ay hindi ma-view dahil, diumano, hindi ko daw sila friends. pero kapag ina-add ko naman sila, friend ko daw sila. pambihira.

tapos, pati featured friends ko, hindi ko din ma-view. bakit kaya? dahil daw hindi din kami friends. pero pag ina-add ko sila, friend ko parin sila!

pambihirang pating. anung klaseng kalokohan naman? wag naman sana silang pa-bura-bura ng friends. wag naman sana silang balahura. pambihira talaga eh. anung klaseng kalokohan naman yon?!

so... matulog nalang tayo.

Thursday, November 13, 2008

pambihirang pating

anung problema ng friendster at ayaw niya magbukas? like crazy!

Wednesday, November 12, 2008

gupit binata

una kong narinig ang salitang "gupit binata" kay kalaw nung nagaanatomy kami. magpapainterview kasi siya sa US embassy, e galing siya sa pagkakaron ng pagkalagolagong buhok at biglang dumating siya sa klase na clean cut. aba teka. sabi niya, kailangan daw gupit binata pag nagpainterview. bawal daw ang gupit terorista. ayus.

anyway, gusto ko lang magkwento. nagpastraight kasi ako ulit ng buhok. salamat kay atetam sa pagpopondo niya ng aking pagmamalandi.nung sabado yun. nung tumuwid na ang maulap na buhok ko, narealize kong mahaba na pala siya. kaya nagpagupit ako. saka nagpagupit din ako dahil sunog-sunog ang mga dulo ng buhok ko. e ayoko namang pag hinawakan ko yung buhok ko parang kinky yung ends niya. eww.

sumama ako kay nanay nung nagpunta siyang calamba nung tuesday at saka ako nagpagupit sa suki niyang si bobby sa bayan ng calamba. ginupitan niya ako ng maiksi. ang resulta? tingnan niyo ang bagong profile pic ko dito sa muliply. or, better yet, eto siya:

yes friends. ang laki ng fez ko. at yan ang buhok ko. MAY BANGS! panalo. wag na nating pansinin ang damit. nasa bahay ako niyan eh.

heniway. muka akong lalake kapag naka normal na damit ako. kaya, yon, mejo gupit binata. mas mahaba pa ang buhok sakin ng kaibigan kong si earl gustilo. magkabuhok ata kami ng ibang boys sa uplb.

gudness. girl na girl ako, mga kaibigan. hindi ako pa-boy. pa-girl pa nga ako eh. gudness.

ayan. ayan ang hair ko ngayon. at least mejo sumusunod siya. kailangan nga lang ng maagang gisingan. kasi, kung hindi, makakahawig ng buhok ko yung buhok nung isang naging classmate ko sa socsci1. ayoko ng ganun. tikwas-tikwas. tapos mukang waterproof kasi nung nabasa ng ulan e parang walang konsepto ng absorption yung buhok niya. nakaangat ang water droplets at parang handang gumulong ang mga ito ng buong buo.

so, yes, philippines. my hair is short again. mabuhay.

Tuesday, November 11, 2008

pilipinas, quotable na din ako?!

nung mga nakaraang sem, pag tinatanong ako:

"uy beng! o, kumusta ang lovelife?" o kaya "o, may boyfriend ka na?"

ang isasagot ko:

"nako wala! wala yan sa plan of study!"

sabay tawa. minsan may kadugsong pa: "kailangan pa ng change of plan para magboyfriend. kakatamad maglakad nun!"

ano ba ang plan of study? yun yung ginagawa ng majoring students pagkatanggap nila sa kanilang major option. isinasaayos nila ang mga subjects na kukunin nila for the coming semesters. dun din nila pipiliin kung thesis ba sila, all course, SP, o practicum. ganun. yun ang silbi ng plan of study. inaayos nito ang potentially walwalish world of college. at totoo namang nakakatamad maglakad ng change of plan. hahagilapin pa ang adviser, ijajustify pa kung bakit magpapalit, etc, etc. kakatamad yun.

well, bakit ganun ako sumagot? totoo naman kasi. wala yun sa plan of study. walang BOYFRIEND 174 (course title: boyfriends and pests) na subject na pwedeng kunin o kaya naman e GIRLFRIEND 120 (course title: the female physiology during the monthly period). walang subjects sa college na RELATIONSHIPS 200 (thesis, 6 units) kung saan bibigyan ka ng boy or girl of your choice at magrerelasyon kayong legal. kumbaga, yun ang thesis, makikipagboypren at gelpren ka. walang ganun eh. saka bawal pa, friends. gusto ng mga magulang ko gagraduate muna ako. ako din gusto ko yun no. kaya ang sagot ko pag tinatanong kung kumusta ang lovelife o kaya kung may boypren ako ay...

"wala sa plan of study!"

siyempre, mga kaibigan ko madalas ang nagtatanong nun. kaya laking gulat ko nalang kanina nung sinabi sakin ni zane na may nag-circulate daw na message na nakaabot sa kaniya dati na parang ganito:

quote of the day: "uy, may boyfriend ka na?" "wala! wala yun sa plan of study!" - Felicitas Jean "Bebeng" Palis.

parang ganun.

hoemji. kalebel ko na ba sina mitch albom, pablo neruda, paolo coelho, bob ong, ang mga musicians at singers, at si mam mendioro para magkaron ako ng quotable? pambihira, mas mamamangha ako kung marinig ko sa kung saang lugar ang isang usapan na gagamitin ang linyang yun. kunyari nasa makati, kumakain sa old spaghetti house ang magkaibigang matagal hindi nagkita...

"uy, friend! kumusta ka na?"

"eto, friend, ok naman ako! busy parin sa school, you know, as usual. requirements are piling up, like, you know? it's so, like, dami na and it's mejo nakakaloka na like crazy! ikaw, kamusta, friend?"

"hay, friends talaga tayo, friend! ganun din! school ng school! lunod na sa papers at sa mga readings na walang maliw! hay. o, teka, kumusta pala kayo ni [insert name of boy]. kayo na ba?"

"hay, nako, friend. wala siya sa plan of study!"

ay! like crazy lang, pilipinas. like crazy!

type and classification

kanina, nagbayad ako sa landbank ng tuition ko for this sem. pang-ilang sem ko na? pang-walo. kung kasali ang summer, pang-11 na beses na akong nag-reg. pangatlong beses ko na naisulat sa form5 ang "senior" sa "classification. pero unang beses ko palang nasagutan ng tama yung "type".

all the while, regular ang sinusulat ko under classification. parang orange juice lang sa mcdo. regular. o kaya yung sisig. hindi spicy, regular lang po. parang coke. hindi zero, hindi diet, regular lang. REGULAR.

ang dapat pala nakalagay sakin dati ay "continuing". makes sense. dahil nagpapatuloy lang naman ako. kaso, ngayon, hindi na ako continuing. ako ay...

*chenchenenen!!!!*

...GRADUATING.

hoemji. kanina ko lang naabsorb ito. habang naghihintay kami ni mati sa landbank. huling beses ko na magsusulat sa form5 ng elbi. unang beses kong nagbayad sa landbank. at huli na din. huling beses na ko mangunguha ng classcards sa window10 or 11 ng reg. huling beses ko na ipakikita kay tita josie ang id ko at sasabihing "may form5 na po ba ako tita josie?"

hay... thesis nalang ang panakot, friends. thesis.

hopefully, huling sem ko na ito. huling sem na para magpakawengweng sa biosci. huling sem para umasa sa pagiging SA. huling sem para umariba sa undergrad subjects. huling sem para makipagbaklaan sa classmates sa undergrad subjects. huling sem para magkipag friends sa mga magiging classmate sa GE na hindi ka-course.

anung laman ba ng sem ko ngayon? eto sila friends. heto ang mga tumutumbas sa 10 units ko:

1. PE2 (units = imbisibol na 2 units). oo, friends. may PE2 pa ako. softball ang nasa sched ko. dapat archery, kaso nag-swap ako dahil gusto ko ng physical activity. although may physical activity naman ang archery, pero gusto ko kasi yung may takbo-takbo effect. hahaha. gusto ko lang pagpawisan. para pumayat kahit pano :)

2. BOT 142 (units = 3). economic botany. anung silbi ng economic botany sakin, e zoologist ako? aba, friends. ang mga halamang gamot ay malaki ang pakinabang! at siyempre wag natin kalimutang maraming halamang nakakain. so pwede tayo mag-luto-luto dito friends. isang pagkakataon nanaman para tumaba at magmaganda. natuklasan ko din pala na ang classmates ko ay halos lahat mga zoo pips din. aside from pascual, na plant bio, puro zoo ang nalaman kong classmate ko sa 142. bwahahaha. go 2L!

3. HUM2 (units = 3). ah yes, art. dapat last sem nag-hum2 na ako pero dahil hindi ako pinayagan ng college sec hindi ko ito nakuha at, ayan, 10 units parin ako ngayon. ok lang, para may excitement ang huling sem ko. pinagdadasal ko nalang na maayos na teacher ang mapuntahan ko, yung may tamang balanse ng music at visual art. excited na din ako siyempre sa ilocos trip. bwahahaha. pramis, excited na ako talaga. at pinaplano ko na kung anung isusuot ko. effect. huling GE ko na ito. gusto ko ayusin. gusto ko ma-uno ang hum2. sana posible yun...

4. BIO 200 (units = 3). ah, ang aking minamahal na thesis. hello sir ocampo. wala pa po akong outline. hello fishies. nangagsisimatayan kayo. bad. bad fishies. hello PGH. hindi niyo pa ako tinetext. ANUNG MANGYAYARI SA BUHAY KO?!

5. BIO 199 (units = 1). seminar. pagkakataon nanaman para magbihis ng mukang disente at magsalita ng english sa harap ng mga kacourse, kamajor, kaklase, echos. kinakabahan ako. sana maayos ang teacher namin.

6. LTS 2 (units = imbisibol 2). hoyes. ngayon palang ako kukuha ng LTS2. bakit? kasi hindi nila ako binibigyan. at mas ok na din ito. maluwag-luwag ang sched. hay...

kineclaim ko nang huling sem ko na ito. huling sem para maka-uno. huling sem para magmaganda. huling sem para magmagaling. HULING SEM.

Lord, gusto ko po talaga huling sem ko na to. gusto ko na po makimarcha sa april kasama ng batchmates ko tapos aabutan ako ng certificate tapos makikiclearance at kung anuano pang kasalawan ng buhay. Lord, gusto ko na pong mag-med next sem. Lord, kineclaim ko po. HULING SEM KO NA ITO!

Sunday, November 9, 2008

second childhood




mga isip bata sa CDL. monkey bars make us crazy. pati swings. at seesaw. at yung mga bilog na bagay na sinusuutan.

nang guluhin ng pamilya ang bangkok




nov 2-6. nanatili kami sa maliit na lugar na tinatawag nilang bangkok, thailand.

Friday, November 7, 2008

katangahan sa airport

hindi naman siguro talaga magandang excuse ang kasalawan ng security sa pilipinas para maging anga-anga. ganito ang kwento.

sa backpack kong kulay blue, laging nandun yung pabango kong pink. "my desire" ng victoria's secret garden. amoy mangga at bulaklak siya kaya mabango. malaki ang bote at marami pang laman. nung paalis kami papuntang thailand, nakalagpas ang pabango ko sa mga x-ray x-ray echos ng PAL airport. ok. so carry lang, nakarating ng thailand si pabango ng walang nangyayaring masama. nagamit ko siya ng matiwasay at nabawasan din naman kahit papano.

ngunit, sa aming pag-uwi, muling skinan ang bagahe namin sa gate papunta sa waiting area ng gate d7 sa bagong airport sa thailand. at doon, matapos lumabas ng bag ko, kinuha ito ng babaeng nag-scan at iniluwal ang lahat ng laman nito. ang libro ko, ang band-aid ko, ang facial wash, lip balm, deodorant, marker, bolpen, at ang mahiwagang pabango. isinauli niya sa bag ang lahat MALIBAN sa pabango. at doon, ipinakita niya sakin ang intensyon niyang itapon na ang pabango ko sa basurahan dahil iligal ang magdala ng ganung karaming liquid na chemical sa plane.

masarap sisihin ang airport sa pilipinas dahil, in the first place, dapat doon palang ay hindi na nila pinalmpas ang pabango ko. dapat sa pilipinas palang hinold na nila yung pabango, or pinalipat sa mga check-in baggage. pero pinalagpas nila ang dambuhalang bote ng pabango na sangkatutak pa ang laman. yan tuloy, sa thailand pa naitapon ang aking mahiwagang pabango. hindi ko maintindihan ang airport ng pilipinas. hindi ba sila natatakot na baka yung mga kemikal na laman ng mga bag namin ay explosives pala in disguise as a fragrant pink liquid in a bottle of perfume? o baka sadyang anga-anga lang talaga sila. ewan. panget.

pero, sa kabilang dako, kasalanan ko din yun. kasi alam ko naman din na bawal yun. pero ginawa ko parin. smart no?

lahat ng ito ay naalala ko dahil kumain ako ng mangga. akalain niyong 40pesos na ang isang pirasong mangga ngayon?

pambihira.

Friday, October 31, 2008

pwede bang seryoso muna?

tingnan natin kung kaya kong mag-post ng seryoso.

...hindi ko kaya

made nakaw from shimei. tungkol ito sa ibang tao naman. for a change :)

CAN YOU ANSWER 51 QUESTIONS ABOUT YOUR FIRST FEATURED FRIEND? (sa friendster siguro)
 
1) What's his/her full name?
ღ Alexandra Jean Catindig Palis

2) Does he or she have a
boyfriend/girlfriend?
ღ No. hahaha, available ang ate ko friends.

3) Do you know a secret about him/her
no one else knows?
ღ most likely. hahaha.

4) How old is the person?
ღ 24

5) Have you ever cooked for him/her?
ღ yes

6) Is this person older than you?
ღ yes. 5 years.

8 ) When was the last time you thought
about him/her?
ღ kanina

9) Are you related to this person?
ღ oo. ate ko yan.

10) Are you really close to him/her?
ღ so-so

11) Do you have a nickname for each
other?
ღ wala naman. tawag lang namin sa kaniya ay SHEE

13) How many times do you talk to this
person in a week?
ღ depends. usually not at all.

14) Do you think she/he will repost
this?
ღ don't think so.

15) Could you live with this person?
ღ sure. wag lang ako babatasin.

16) Why is this person your number one?
ღ dahil ate ko siya.

17) Have you seen this person cry?
ღ yes.

18) How long have you known this
person?
ღ 19years? hahaha.

19) Have you ever been to the mall
with this person?
ღ lots and lots of times.

20) Have you ever had a sleepover with
him/her?
ღ sleepover. sus. matagal kaming natulog sa iisang bahay.

21) If you ever moved away would you
miss this person?
ღ ok lang. she's away. hindi pa nauwi uli since... few months ata.

22) Have you ever given this person
something?
ღ uo

23) Have you ever done something
really stupid or illegal with this
person?
ღ really stupid. yes.

24) Do you know everything about this
person?
ღ nope.

25) Would you date this person's
siblings?
ღ ewwwwww. anu yun, incest?! si ate tam idedate ko?!

27) Have you ever made something with
this person?
ღ oo. pagkain!

28) Have you fought before?
ღ many times ^^,

29) Have you gone skinny dipping with
this person?
ღ naligo ng sabay. hahaha. maliit pa kami nun no.

30) Does this person have a fetish?
ღ younger guys. hahahaha!!!

31) Is she/he on drugs?
ღ nawwww

32) Do you know this person's shoe
size?
ღ yup. parehas kami eh.

33) Have you ever worn this person's
clothes?
ღ yep. yun lang kasya sakin.

34) Have you and this person made up a
hand shake?
ღ no

35) If it was "freaky friday", would
you switch bodies with this person?
ღ doktor-doktoran mode? pwede.

36) Has this person ever seen you
dance?
ღ ye. parehas kami ng style: the kawayan.

37) Have you ever heard this person
sing?
ღ oo. madalas.

39) Do you know this persons
friendster password?
ღ nawwww

40) Do you know this persons best
friend?
ღ yata

41) Have you and this person ever
gotten into a fight that lasted more
than 2 days?
ღ don't think so

42) Does this person cry alot?
ღ nawwww. ngayong med school lang. hahaha. pero hindi na din ata.

43) Have you met any of this person's
ex's?
ღ wala pang ex yan.

44) Have you and this person went
clubbing?
ღ mejo. once. kasama si ate inday.

45) Do you know how to make this
person feel happy?
ღ siguro

46) Do you and this person talk a lot?
ღ nawwwww

47) Have you licked this person?
ღ ewwwww. no.

48) Has this person yelled at you?
ღ LOTS OF TIMES o_0

49) Have you and this person got into
a fist fight?
ღ nawwww

50) Do you love this person?
ღ oo. ate ko yan. AYLABYU SIYAKEY! HAHAHAHA!!!! ^^,

51) Do you want to be with him/her
forever?
ღ hmm... debatable ^^,

Thursday, October 30, 2008

yearning, yearning while i'm turning around and around

although nakasulat sa friendster ko na ang newest craze ko ay si juni frio (hi juni!), may mas bago akong craze.

dahil sa panonood ng sunday disney channel movies sa tanghali, nasalisod namin ni atetam ang isang eksena sa isang yet-unidentified movie kung saan may isang babae na ginawang isang doll sa music box tapos nakanta siya ng isang nakakaaliw na kanta. tapos maya maya may ka-labtim na siya na puppet na clown. ang cute.

so, hinanap ko siya ngayong gabi. natuklasan kong...

...ang kanta ay "Doll on a Music Box/Truly Scrumptious".

...ang movie ay Chitty-Chitty-Bang-Bang.

...may video ito sa youtube! at eto ang link.

...at eto ang lyrics niya (siyempre hinanap ko dahil gusto ko makikanta):

What do you see
You people gazing at me
You see a doll on a music box
That's wound by a key
How can you tell
I'm under a spell
I'm waiting for love's first kiss
You cannot see
How much I long to be free
Turning around on this music box
That's wound by a key
Yearning
Yearning
While
I'm turning around and around
What do you see
(Truly Scrumptious)
You people gazing at me
(you're truly truly scrumptious)
You see a doll on a music box, that's wound by a key
(scrumptious a...)
How can you tell I'm
(whe...)
Under a spell I'm
(...)
Waiting for love's first kiss
(honest truly, your the answer to my wishes)
You cannot see
(Truly Scrumptious)
How much I long to be free
(though I may seem presumptuous)
Turning around on this music box that's wound by a key
(ne..)
Yearning
(my heart beats so unruly)
Yearning
(because I love you truly)
While I'm turning around and around)
(honest, Truly I do)

i'm starting to like old musical movies. mary poppins, chitty-chitty-bang-bang, the sound of music, my fair lady... basta. nakakaaliw.

pano kaya kung ako yung doll on a music box? baka hindi umikot. mabigat ang doll.

seven twenty-three pm of october thirty two thousand and eight (and counting)

ang kasalukuyang oras ay 7:23pm. ang kasalukuyang petsa ay 30 october 2008.

o e ano naman? ganito...

1. Gusto kong sabihin kay pagurl na sadyang hindi ko mapigilan ang pagtawa ko sa tuwing maiisip ko ang MAJESTIC downfall mo sa CDL nung tuesday. I'm sorry pagirl, kaso kapag naiisip ko yung pagkatumba mo tapos ang pag-attempt na muling bumangon matapos madulas and FAILING MISERABLY hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bubugahan ko ang kahit sino ng katatawa. Pagurl. Alam mong mahal na mahal kita. NGUNIT. Sadyang walang tatalo sa mga sandaling iyon. Hindi kasi ako makatawa nung exact moment dahil masyado akong nag-alala sayo dahil mukang in pain ka. NGUNIT. Pagurl. Hindi ko na mapigil ang tawa ngayon. (for details regarding this item, tanungin niyo nalang ako)

2. Ron! Haberdey!

3. Nakuha ko na (sa wakas!) ang second batch of fish ko mula sa BFAR sa bambang. Pitumpung panibagong size 10 tilapia ang aking paliligayahin saglit at, pagkatapos, ay papaslangin. Bwahahaha!!!

4. Hindi parin tapos ang outline ko. Hmpf. Pero, wag mag-alala. Malapit na!

5. Nanood ako ng Aladdin kanina. VCD. Hindi ko talaga pagsawaan yun. Lalo na yung "A Whole New World." Kinikilig me!!! Kinikilig me!!! Sana mangyari din sakin yun. Kaso, siyempre, hindi ako makakapag suot nung outfit ni Princess Jasmine. Hello, baka pag sinuot ko yung bra-and-jogging pants outfit ni Princess Jasmine lapitan ako ng mga tao at haplusin ang tiyan ko. "Rub my belly for good luck"

6. Hindi ko pa tapos awayin ang Globe. Dahil sa pagkain nia sa 20 pesos na load ko kahapon, humanda sila, mga panget sila. Although hindi ko na iiwanan ang Globe number ko (unless MAY MANGYARING MASAMA) e aawayin ko parin ang kung sino mang call center agent na makausap ko hanggang sa aksyunan nila ang kaso ng nawawalang load. mga panget sila.

7. May sore eyes ang nanay ko. At dahil nalaman niya ito habang naglalagay siya ng eye liner kaninang umaga, hindi ko mapaparasite sa mga darating na araw ang kaniyang liner. Pambihira.

8. Masakit tiyan me! We all know what that means...

Babay.

Tuesday, October 28, 2008

on leaving

what is leaving?

leaving = to leave = having to distance yourself from someone or something, entailing you to move away from a previously etablised comfort zone.

what's bad about leaving? having to separate from the comfort zone you created can be painful. it's like druggies or alcoholics or coffee addicts being forced to go without their choice poison: they go into withdrawal. the system gets so accutsomed to having the usual stuff around, like the usual people, the usual plants, the usual chairs, the usual roads, etc, that when those "usual" stuff aren't around anymore, it's like you can't go on living and it's painful because you're so used to having the usual stuff.

bottomline: leaving is bad because you miss the things you used to have in the place you leave.

but what's good about leaving?what's good is that you get to experience many new things. new people, new places, new names, new plants, new chairs, new shops, new everything. you may get to miss the old stuff, but the new stuff may prove to be ok after all.

so. am i leaving?

yes. i'm leaving the bad air out of my system

just a girl

i remember liking the no doubt song "just a girl" when i was younger. my oldest sister liked "spiderweb" and the other songs and, since she already liked those other songs and i wasn't allowed to like them too, i grew up liking and loving "just a girl".

the word "just" kind of downsizes being a girl. well, yeah, being a girl does have its downsides, like the monthly bloody moments, usually accompanied by mood swings, bloating and pain (in my case), also the societal standard of being "weaker" and of having to be "mahinhin" and demure.

but what's so bad about that?

anyway, that's not really what i want to talk about, but it's kinda fun thinking about that. what i want to talk to you people about is... *drumroll*

...dressing up.

i think most girls love to dress up. dressing up lets you get away from your usual selves, the people who walk around in jeans, a t-shirt, slippers or sneakers, a ponytail or with your hair down. i wonder if there are others like me, college students who miss going to prom and acquaintance parties where they have to wear their pretty skirts and dresses, waiting for the next wedding invitation or the next friend to celebrate their 18th birthday debut-style or the next formal gathering. i love having to wear my black bling sandals (of which i will pretty soon post pictures) and then scout around my closet to look for a dress to wear or wait around for nanay to take my measurements so we can go make a dress.

there is something very exciting about putting on the shoes, doing the hair, putting on make up, and going crazy over minor details like how my glasses don't match my outfit at all, or how i don't have a bag to go with anything, or how i may have gotten fatter, since the dress i'm wearing seems to be a bit too tight around the waist.

dressing up provides the usual dugyot-looking people (like me, opchors) with an excuse to get out of the un-exciting casual outfit life and into the glammed-up fairytale world, like cinderella's or sleeping beauty's or princess mia's. no wonder i love disney movies.

if any of you know the game "jojo's fashion show," let me tell you: it is addicting. for girls like me who love to dress up but can't seem to make things work, this is a very VERY addicting game.

so, is this post merely an endorsement for this computer game which brings our childhood paperdolls some pizzazz and a lot of outfit choices without the danger of their heads being torn off?

possibly.

is this a desperate attempt at asking to be invited to parties and such that need some dressing up?

not really.

is this the result of watching too much gossip girl and playing too much jojo's fashion show?

you bet.

Friday, October 24, 2008

there is no BS princess course in any university in the world.

note: Because i found out that almon reads my blogs (hi almon!), i will be posting in english. o my gudness. after this post, my laptop will be covered in blood ^^,

i would really like to be a doctor, a forensic pathologist, actually. i get giddy thinking of myself doing what khandi alexander's character does in CSI: Miami or the other coroners in the other CSI series. one classmate said that i do "dirty work" much better. i'm not sure if that should make me happy or if that was meant as an insult.

i also get giddy thinking of myself as a consulting physician, with my name on the plaque outside my office door. "Felicitas Jean Palis, M.D." ang taray. i'd also like to be a clinical pathologist or a hematologist. or whatever. basta, i want to be a doctor :)

however, we are in a world where, sometimes, what we study for does not end up becoming what we do for a living. i'm not saying i will absolutely NOT be a doctor. i'm just saying that i'm thinking of other things to do if i'm not earning enough money from tricking people into thinking that i'm always right. harhar.

1. NOVELIST - if you haven't noticed that i love to write, then you must be dead. or from another planet. or severely stupid. or... you get the picture ü i've always dreamed of writing a best selling novel. however, i'm afraid of not being able to sell. some people may not be able to get my humor or my stories or my vocabulary. and my book might bomb. and i might end up having to build a library full of copies of a single book in my house. loser.

2. SINGER - well, i can sing. but not exceptionally well. so, yeah, when they give me songs with notes higher than the A after middle C, then it's headtone all the way. goodbye, singing career.

3. TEACHER - out of all my options, this seems to offer the most promise. it's close enough, because i MIGHT still get a room with my name outside and i get to make people believe that i'm always right. hahahahahahaha :) i think i might confuse all my students when i say "okay class, so this part of the skull is called the TYMPANIC BULLA. chos. hahahaha!" i'm not sure if anyone will believe me. hahahahahaha :) promise? i don't knowwwwww.

4. HOUSEWIFE - that is, if someone will marry me. if that doesn't happen, then i'll just be a house. hehehe.

5. RESEARCHER - err... no.

6. FASHION DESIGNER - i'm a comfort over fashion person with a few surges of fashion from time to time. hmm...

7. TALK SHOW HOST - nawww, i'll just look fat on tv. people will be singing "i'm a little teapot, short and stout. here is my handle, here is my spout..." nawwwwwww. no waaaaaaay.

8. ARTISTA - hoemji. hahahahahahaha.

9. POLITICIAN - eeeek no. i don't like politics.

10. NURSE - no, i'd be too insecure around doctors.

11. CONSULTANT - that is, if i ever get to studying more. i don't like research a lot. ewwww.

and then, it hit me. the perfect career:

12. ...you know you love me. xoxo. GOSSIP GIRL.

hahahahahaha!

 

Thursday, October 23, 2008

inggitera ako

kakapunta ko lang sa site ni (tol) arjay regidor at nainggit ako sa post niyang tungkol sa mga bagay na maaaring hindi natin alam tungkol sa kaniya. so, dahil likas na inggitera ako, magpopost din ako ng ganun.

1. takot ako sa mga pointed objects na nakaturo sakin. (e.g. needles, knives, scissors, etc.)

2. alto ang voice range ko. effort na sakin abutin yung unang A# (la sharp) after ng middle c.

3. nag-aral akong mag-piano for five years. at, hanggang ngayon, mabagal parin akong magbasa ng notes.

4. mahirap para sakin ngumiti habang natugtog ng piano.

5. ang unang failing grade ko ay nung grade two ako sa isang math long exam namin. 74% ang nakuha ko, e 75% ang passing.

6. pihikan ako sa gulay.

7. nung maliit pa ako, pag tinatanong ako kung anung gusto kong maging paglaki ko, sinasabi ko PRINSESA.

8. hindi ako nakakatulog ng walang unan o kaya kahit anung uunanin.

9. may peklat ako sa noo dahil nabarog ako dun sa slide-an ng upuan sa kotse nung maliit pa ako.

10. nung maliit pa kame ng mga ate ko, hindi ko talaga nakikita ang imaginary friends ng ate ko na sina perchen at per-B, pero kapag sinasabi niyang nandiyan sila e nakiki-oo naman ako.

11. church-related lagi ang dahilan ng pagkanta ko.

12. isang oval lang (as in UPLB oval) ang kaya kong takbuhin ng diretso. parang mauubos ang baga ko pag nag-exceed ako.

13. maalam akong lumangoy pero hindi ako mahilig mag-swim dahil tatlong beses na akong muntik malunod.

14. (mejo censored) wala akong magka-match na bra at panty. magkakakulay lang yung iba.

15. makalat ako sa gamit.

16. mas gusto ko ang nissin yakisoba kesa sa lucky me pansit canton.

17. kuripot ako pero mahilig mag-splurge. weird no?

18. marami akong sapatos. meron akong... apat na sneakers, tatlong rubber shoes, dalawang doll shoes, dalawang flat sandals, isang platform wedge sandals, isang chinelas, at tatlong high-heeled shoes. Total: 17 pairs. hindi ko sila nagagamit lahat.

19. hindi ako nagagandahan sa sarili ko pero mahilig akong mag-picture ng sarili ko.

20. hindi ako nagtatabi ng maraming seryosong quotes sa inbox ko. mas gusto ko yung mga nakakatawa at yung mga message na nakakatouch na alam mong yung taong nag-send talaga ang gumawa (e.g. conversations na maganda)

ayan :)

Sweet and Low (acoustic version)

Rating:★★★★★
Category:Music
Genre: Alternative Rock
Artist:Augustana
Una sa lahat, hindi ako sigurado kung alternative nga ang kantang ito. pero dahil hindi ko alam, sige, i-correct niyo lang ako. salamat. (note: nabasa ko na inidie-rock daw ang genre ng augustana. so, sorry, hindi ko alam kung indie music = indie rock. kaya alternative parin)

Fan ako ng mga poetic-sounding lyrics at ng mga kantang kayang mag-evoke ng emosyon without being overly mushy or overly obvious. Nagawa yun ng kantang to.

Sa una lang, mejo nakakainis pakinggan ang boses ng vocalist. PERO naappreciate ko yung effect ng boses niya sa kantang ito. In much the same way as adam levine's slightly irritating voice (no offense to adam levine lovers. fan din ako ng maroon5.) makes me cry kapag naririnig ko ang kantang "she will be loved".

Five stars out of five. bonus factor na acoustic ang napakinggan ko at na narinig ko na yung original before the acoustic. mabuhay.

practical application ng counter strike

people are always looking for practical applications of the things they study. like math, kaya maraming ayaw ng math kasi hindi nila magets kung makukulayan ba ni sine theta ang namumuti nilang buhok o kung mahahanap ba ng derivative of the equation ang nawawalang cellphone.

so, yeah, aaminin ko. adik ako sa cs. hinahanap-hanap siya ng sistema ko everytime i have nothing to do and money left in my wallet. it is a fun, enjoyable game that can drain you of your money and sense of reality. dahil sobrang exciting niya.

ngayon, naisip ko (dahil na din siguro sa kaadikan) na may practical applications din ang larong ito. heto ang ilan sa kanila.

1. YOU DECIDE WHAT WORKS BEST FOR LESS. Marami kang pagpipiliang baril sa cs. personally, paborito ko ang mga rifle. yung bullpup at yung katumbas niya sa terrorist ang mga paborito ko. pero, pag wala nang pera, pinapatos ko din ang clarion o kaya ang ak 47. mura na, malakas pa. minsan, napag-eksperimentuhan ko din ang pistols. pero mas swak talaga sa panlasa ang mga rifle. natututo kang maghanap based on quality and price range. lalo na kung namumulubi ka na at ang pera mo nalang ay 2,500. yuck! POOR NO FRIENDS!

2. YOU STICK WITH WHAT WORKS. Natuto akong gamitin ang command "b-r" kapag nagtitipid sa oras. anung ginagawa nito? ito yung auto rebuy. simple lang. bibilhin niya lahat ng binili mo nung previous round. masaklap nga lang pag wala ka nang pera. kaya ako nagrerebuy kasi nagwowork naman talaga yung mga nabibili ko. kaya kebs lang.

3. YOU BECOME OBSERVANT. Tingin sa taas, sa kaliwa, sa kanan, sa baba. keep both eyes open at makinig sa footsteps. kung kaya mo nga lang din maramdaman ang mga nangyayari sa paligid gagawin mo eh. kaya nakakaimbyerna pag na-flash bang ka. bukod sa bulag ka, rindi ka pa.

4. YOU LEARN HOW TO CONCEAL YOURSELF. Masayang maghanap ng mga lugar na tataguan. Yung tipong naka-posisyon ka para hindi ka makikita sabay mamamaril ka na. paborito kong gawin to. abangers.

5. YOU LEARN TEAMWORK. Yeah, kasi madalas may teammates ka dito. kahit hindi mo kilala lahat ng teammates mo sumuporta ka. hahahaha.

6. STEALTH IS THE KEY! Masarap dumaan sa mga lugar na hindi madaling makita. parang yung sa number 4, kaso pati sa movements. maglakad ka ng tahimik. magcrouch all the way ka. ayus. basta wag ka magpapakita sa kalaban. applicable to sa buhay ko, lalo na pag late na ako nakakauwi samin.

7. PROTECTION IS IMPORTANT. Natututo kang ang kevlar and helmet ay hindi na basta option lang. Necessity na ito. pero kung maheheadshot ka o masasaksak ka, wala ka talagang kawala dun.

8. ASSERT YOURSELF. Kahit maging "brave soul" ka, matuto kang hindi laging pahulihin (kagaya ko, kasi nga laging abangers). hindi ka makakapatay niyan at, minsan, ikaw nalang ang matitira sa team niyo habang lahat ng kalaban ay buhay pa.

ayun, ilan yan sa mga application ng cs sa buhay.

kakadiri, lumalabas ang ka-nerd-an ko. akalain niyo ba, isang beses, paguwi ko samin at wala pa ang mga magulang ko, napasigaw ako ng...

TERRORISTS WIN!

Tuesday, October 21, 2008

WALANG NANGYARING MASAMA

dahil natapos na ang sem na ito, gusto ko lang kilalanin ang mga teacher ko sa nakatapos na sem. hindi ko sila papangalanan ng diretso, pero nararamdaman ko namang makikilala niyo sila kahit papano. at yung isang teacher ko diyan na nagmumultiply din (EHEM EHEM), tingnan natin kung makikilala niyo ang sarili niyo dito. nararamdaman ko namang kering keri yan :)

1. NITROUS OXIDE (N2O). Si nitrous oxide ang pinakamabangis na breed ng teacher. patatawanin ka ng patatawanin tapos mayamaya sira na ang buhay mo. sa katatawa mo hindi mo na namalayang hindi mo na pala nagegets ang mga nangyayari, hindi mo na namalayang nakalampas na pala ang paglelecture niya o ang pagdedemo sa lab. Sa katatawa hindi mo na napansing tapos na pala ang exercise niyo at tapos na din ang sem. Buti nalang at mild anaesthetic lang si nitrous oxide. kahit papaano, naka-survive na din ako at ang marami sa aming magkakaklase. Kahit natawa kami sa laughing gas at na-anaesthesize kame, naka-recover naman kami sa anaesthesia.

2. SUSTENTACULAR CELLS. Si sustentacular cells ay masayang pakinggan. parang lagi siyang nagkukwento lang. sabi pa nga ng isa pang teacher, parang lagi daw natula itong si sustentacular cells. nag-enjoy ako sa klase niya. talaga namang parang nakikipag-chikahan lang lagi. mabait si sustentacular cells. kahit ganong kasalaw ang student e bibigyan parin niya ng chance. madali-dali din siya magpa-exam. lalo na kung aral na aral ka. mahirap ang lab exams niya. nakakalito minsan. pero, seeing the bigger picture, magalig magturo si sustentacular. marami akong natutunan. lalo na ang tungkol sa BRONCHIOLESSSSSSS.

3. BLACK WIDOW-ER. Si black widow-er naman ay isa sa mga pinaka enjoy na teacher ngayong sem. biased opinion ko lang siguro. wala siyang notes, wala siyang ibang gamit kundi ang transparencies niya at, kapag sinuswerte, ang mga dvd niya. maganda, maganda. mahirap nga lang ang exam. ayun, parang pinaasa niya lang kami at biglang kakainin ng buhay. para namin siyang niligawan at inimplantan ng sperms at pagkatapos ay pinaslang niya kami. hanggang ngayon hindi ko pa alam ang kapalaran namin sa kaniya. pero lab na lab ko tong si black widow-er.

4. HIRUDO. Ang Hirudo ay linta. Yes, the blood-sucking leech. Nakakaubos kasi ng lakas itong si Hirudo. Isang bunghalit lang ng makabasag-tengang tawa ni Hirudo, sira na ang buhay mo. Isama pa natin na sa bawat isang tanong niya ay may katumbas na maraming tanong ng mga kaibigan niyang kapwa Hirudo din. Hay, mabuti nalang at hindi numeric ang grade. (ops, alam na!)

5. CHUN LI. Ah, si chun li. parang barakong barako tingnan si chun li. pero hanep din sa requirements tong si chun li. Parang na-flying kick ka na din kapag chaka ang ginawa niyo sa klase niya. pero, in fairness, mabait naman si chun li. hanapin siya sa friendster para sa grade!

6. SALOME. Si salome ay isang babaeng talaga namang kahit sa mga kwentong echos niya sa klase ay mahahalata mo ang pagiging ma-prinsipyo ni salome. may pagka-komedyante din si salome. in fairness naman kay salome, kahit exaj ang mga exam niya at hindi kayang tapusin sa isa't kalahating oras ng class hours, marami din naman akong natutunan sa kaniya. sana lang e maganda ang kalabasan ng mga natutunan ko.

7. NARRA. Mejo overwhelming ang presensya ni narra. magandang nilalang si narra. kaso, pambihira ang mga exam niya. dito mo mapapansin kung gaano ka-narra siya: ang tigas! pero ganun din ang mga lessons na makukuha mo sa kaniya. matitibay at paniguradong hindi mo madaling masisira. at dahil hindi ako nakapagsubmit ng classcard kay narra, next sem ko pa siguro malalaman ang grade ko sa kaniya. o baka malaman ko na din pagkuha ko ng transcript. hmm...

so ayan, sila ang mga nagpahirap ng buhay ko sa nakaraang sem. salamat sa inyo kasi kahit mahirap ang buhay sa inyong mga kamay e nakuha niyo parin akong ipasa (ehem, ehem...).

tapos na ang season ng amazing race.

anung show naman kaya next sem? hmm...

(ang naiisip ko ay top model. hahahaha)

anung problema ng survey mo?

wala lang.

napansin ko lang. ang hilig kasi ng mga tao magsagot ng mga survey sa friendster pag walang magawang matino sa oras. guilty ako jan. ipopost ko pa dito sa multiply. o diba? ang saya!

anung nakukuha natin sa pagsagot sa mga tanong na ito? wala naman, enjoy lang mag-isip. at sabihin na din nating lahat tayo ay innately vain kaya sagot tayo ng sagot: dahil gusto nating may makabasa nung mga yun at, in effect, baka may maaliw sa mga nakasulat at maisipang makipag-usap o kaya makipag-friends.

tama naman e, diba? anung masama nga naman ba sa ganun?

wala.

The Amazing Race Wing A: Season Finale

Previously on the amazing race...

Teams were asked to go to the third floor of Wing A with their pens, their wits, optional extra blood, and, for those who were really afraid, their notes. Upon reaching wing A, some teams encountered a detour, where they were asked to either settle their unpaid accounts or just go home and not take the finals. All teams opted for the first option and then proceeded to a-315B of wingA, where teams were handed their last clue, the final exam for the lecture of zoo120: ANIMAL PHYSIOLOGY.

***

st-1L, who did not have any accountabilities to settle with the lady shooter, were able to finish the exam with more time than st-2L, who had to go through the grueling task of finishing the detour and gathering their wits before 9:00-ish am came and they wuld be asked to turn their papers in.

teams waited four days after finishing the exam before they were able to view their grades. today is the day of the season finale. the grades have been released...

thankfully, i am in team number 3. graciele is the only member of team number 1, followed by rara in team number 2. there are several of us who are members of team number 3. and the teams 4, 5, 6, 7, and 8.

sadly, there were three eliminated contestants. two from st-1L and one from st-2L. these individuals will have to gather their wits once more and go through this energy-draining, mind-blowing, sanity-depleting process we all love and know as...

THE AMAZING RACE WING A.

disclaimer: the author will not be able to chronicle the next season of the amazing race wing a. stay tuned for scenes from our new shows.

Monday, October 20, 2008

DIG

dahil sa pakikinig sa magic 89.9, narinig ko ang kantang ito ng incubus. at, ang masasabi ko, pakinggan niyo siya at matuwa.

DIG

We All Have A Weakness
But Some Of Ours Are Easier To Identify. Look Me In The Eye
And Ask For Forgiveness;
We'll Make A Pact To Never Speak That Word Again
Yes You Are My Friend.
We All Have Something That Digs At Us,
At Least We Dig Each Other
So When Weakenss Turns My Ego Up
I Know You'll Count On The Me From Yesterday
If I Turn Into Another
Dig Me Up From Under What Is Covering
The Better Part Of Me
Sing This Song
Remind Me That We'll Always Have Each Other
When Everything Else Is Gone.

We All Have A Sickness
That Cleverly Attaches And Multiplies
No Matter How Hard We Try.
We All Have Something That Digs At Us,
At Least We Dig Each Other
So When Sickness Turns My Ego Up
I Know You'll Act As A Clever Medicine.
If I Turn Into Another
Dig Me Up From Under What Is Covering
The Better Part Of Me.
Sing This Song
Remind Me That We'll Always Have Each Other
When Everything Else Is Gone.
Oh Each Other....
When Everything
Else Is Gone.

parang bolpen lang

adik ako sa bolpen. yes, friends, adik ako sa bolpen. pag nasa bookstore ako, naghahanap agad ako ng ballpen station. tapos naghahanap ng magagandang bolpen na manipis magsulat. the more the merrier.

masayang magkaron ng bolpen. pag kakameron mo lang ng bago, sobrang ecstatic ng feeling. laging gusto mo bitbit mo si bolpen, hawak mo si bolpen, gamit mo si bolpen, may picture kayo ni bolpen, may solo pic si bolpen.

bolpen bolpen bolpen.

siyempre, malalaglag din minsan si bolpen. minsan din ifefail ka niya at hindi siya magsusulat ng maayos. minsan din maiiwan mo siya at hindi mo siya magagamit. minsan mamimisplace mo siya. minsan maiinis ka pag ayaw niya magsulat. minsan din naman may makukuha kang bagong bolpen na mas maganda at mas bago. minsan gugustuhin mong gamitin yung bago. pero minsan mas pipiliin mong gamitin parin yung bolpen mo.

minsan din naiipahiram mo yung bolpen mo. pwedeng bumalik pa siya sayo, pwedeng hindi na.

minsan din, matutuyuan na si bolpen, kahit mukang marami pa yung laman niyang ink. pero, minsan din...

nauubos na ang ink...

Sunday, October 19, 2008

banidosa




vain ako. at pansinin natin ang shades effect. hahahaha. chos.

Medical Specialty Aptitude Test

http://www.med-ed.virginia.edu/specialties/Home.cfm
gussto niyo bang malaman ang potensyal niyong medical specialization? eto na ang site para sayo!

Saturday, October 18, 2008

sinabing ako nga ang doktor mo eh.

dahil naaliw ako sa blog post ni canlee, nanulad ako. at eto ang resulta sakin:

 

Rank Specialty Score
1 pediatrics 42
2 nuclear med 42
3 radiology 41
4 gastroenterology 41
5 dermatology 41
6 ophthalmology 40
7 psychiatry 40
8 urology 40
9 aerospace med 39
10 general internal med 39
11 hematology 39
12 emergency med 38
13 allergy & immunology 38
14 pulmonology 38
15 endocrinology 38
16 physical med & rehabilitation 38
17 infectious disease 38
18 neurology 38
19 neurosurgery 38
20 rheumatology 37
21 plastic surgery 37
22 cardiology 37
23 radiation oncology 37
24 anesthesiology 37
25 nephrology 36
26 med oncology 36
27 pathology 36
28 general surgery 35
29 occupational med 35
30 thoracic surgery 34
31 preventive med 34
32 obstetrics/gynecology 34
33 colon & rectal surgery 34
34 otolaryngology 32
35 orthopaedic surgery 32
36 family practice 30

 

pambihira. ang layo ng gusto ko.