Friday, May 29, 2009

nang sagupain namin ang sta rosa




may 26, 2009.
nag-umpisa sa biosci parking lot. late ako. pero mas late si jyko.
sinundo si matilde sa total sa calamba.
dumiretso sa tahanan nila yamskidude sa sta rosa village.
nagpatila ng ulan.
nag-e.k.
nabasa.
naligayahan.
nag-ingay.
kumain sa jollibee paseo.
at nagstarbucks sa paseo.
at natulog.
at gumising.
at umuwi na me.

magmemed na us. huhu.

p.s. mamaya na ang ibang captions. alis muna me.

Saturday, May 9, 2009

funny

it's funny..

when I was a little kid, I dreamed of having my own room in our house. I always had to stay in my parents' room because, simply, there was nowhere else i could stay. Both my sisters had their own rooms and there was no other room left.

then, we renovated our house. bigger upstairs, so i got a room of my own. or so i thought. it turned out i still had to share my room with our ate belen. kinda sucks because i still have to share the room, unlike both my sisters who have rooms to themselves.

but now, the three of us share our parents' floor. hahahaha. yeah, all five of us sleep inside their room. don't know how we got here, but nobody seems to want leave. weird no?

hahahaha. faaaaaaaamily.

Friday, May 8, 2009

panaginip

nakakatawa minsan ang mga panaginip natin no? pero minsan, sadyang nakakatanga lamang.

kagaya kanina. nakatulog kasi ako habang nagcocomputer. nanaginip ako. may nangyari pang una, pero ang natatandaan ko nalang ay ang paghahanap sa cr.

ang pinuntahan naming cr ng mga kasama ko sa aking panaginip ay napuntahan ko na din dati sa isa pang panaginip. ang ganda ganda, parang pang isang lugar na hindi totoo (malamang kasi panaginip yun). three floors ang cr na ito at may iba-ibang klase. merong "queen" merong mga iba pa. ihing ihi na ata ako sa panaginip ko.

pero, dahil naalala ko sa panaginip kong dati na mabaho ang cr na "queen", pinili kong makipagsapalaran at humanap ng ibang cr. nakarating ako sa isang lugar na may cr na ang pangalan ay "the cake" at merong lima o anim na folding doors sa isang mahabang pasilyo. siyempre, dahil usisera ako, pumasok ako.

pero biglang nagsara ang first folding door at namatay ang ilaw, kaya naglakad ako papasok ng papasok. pasara ng pasara ang folding doors. at papatay ng papatay ang ilaw. hanggang maabot ko ang isang malaking room kung saan may maliit na cr sa gilid, yung tipong muka pang pang-airplane? ayun. tapos madilim. e di naghanap ako ng switch ng ilaw. may nakita ako sa pader na mga buttons na maliliit tapos may nakasulat na "all". e di pinindot ko.

aba. ang nangyari, namatay lahat ng ilaw at nagmaterialize sa kisame ng room ang isang image ng orasan na mukang tunay na orasan. ang bongga bongga. pero hindi ko na na-admire ng husto dahil biglang may manong na lumabas mula sa likod ng pader. nagulat naman me. pinapaalis ako ni manong kasi bawal daw ako dun. tumawag pa nga siya sa supervisor niya (ata) at sinasabing may nakapasok daw na bawal. pinalabas niya ako sa isang glass side door habang kausap parin ang supervisor.

nalipasan ata ako ng wiwi. naglakad nalang ako uli para maghanap. at nakita ko muli ang entrance sa "the cake" na may magkalabtim na hindi ko kilala na nakatayo makalampas ng unang pinto at naguusap sila. at naka-tennis outfit. o ha?

bottom line. hindi ako nakaihi.

pero paggising ko. naiihi ako.

Wednesday, May 6, 2009

Tuesday, May 5, 2009

hindi ko macontain

nairita ako sa isang bagay na napagkwentuhan namin ng isang kaibigan ko. kapal kasi ng muka e.

matagal nang nangyari ito. pero ngayon ko lang nalaman. kaya ngayon lang ako makakareact.

kapal naman ng muka mo na sabihing may lahi akong mang-epal sa mga taong may relationship. my dear, get your facts straight. siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo at, kung totoo nga, siguraduhin mong tama yang context na ginagamitan mo.

wag kang magmarunong. nakakaimbyerna.

Monday, May 4, 2009

balbal


isa lang ang pinost ko dahil walang matino sa mga formal ko.

ang puno ng balbal ng gradpics. che.

si taylor swift ang sisihin natin

it's a love story. baby, just say yes.

Sunday, May 3, 2009

dahil namiss ko si leslie dale




e di nagpicture-an kami sa reception ng binyag ng baby nila janine at manuel.