Monday, September 21, 2009

eto ang talagang latest analogy on love

sa mga taong kilala na ako LB palang, alam niyong mejo anga-anga akong tumawid. so you cam imagine how hard a time i'm having crossing the wildly overflowing streets of metro manila.

nagdinner kami nila doc ate shawi at theola nung thursday sa rob ermita. malayo ito sa dorm ko, which is in intramuros. si ate shawi nakatira lang sa PGH, beside rob. si theola naman, ilang hakbang lang, nakauwi na. so mag-isa akong nagbiyahe pabalik. don't get me wrong, hindi naman malayo ang biyahe. parang UPLB campus lang hanggang rhoda's. ang biggest difference lang talaga ay ang PAGTAWID.

so, anyway, to cut the story short, dumating ako sa may city hall, yung lugar kung san ako bababa. kaso hindi sa may sidewalk naandar yung jip, kundi SA GITNA NG KALSADA. isipin niyo nalang kung ganong kabilog ang mata ko nung narealize ko ito. anyhose, mabuti nalang at naka-stop ang mga sasakyan. kung hindi talaga e nagbuwis ako ng buhay dun sa kalsadang yun sa pakikipag-patintero sa mga sasakyan.

so. asan dito ang analogy ng love? ganito yan:
ang mga tao, iba-iba ng pacing sa pagmamahal. may ibang taong go lang ng go, kahit maraming sasakyang pwedeng makabangga. hindi nila iniinda ang mga pwedeng makaaksidente sa kanila at ang mga pwedeng makapigil sa kanila, basta go lang ng go. meron namang iba na wala talagang alam, tipong kailangan may kasama pa forever bago gumawa ng kahit ano.

pero sa mga katulad ko na cautious lamang (nakanaman ^_^), kailangan naman talagang maging cautious, no? look left, look right, look left, look right (repeat hanggang mapagod). magandang tumawid kapag nakatigil ang traffic, kasi nakatigil yung mga babangga at haharang. ok lang din tumawid kung malayo-layo pa ang mga sasakyan. pwede rin namang mag-feeling kang traffic enforcer at patigilin mo sila para hindi ka banggain.

pero ang pinakamasarap na pagtawid ay yung kapag walang sasakyan sa kalsadang dadaanan. diba? :)

Sunday, September 6, 2009

histo: respiratory system


basal cells, olfactory cells, sustentacular/supporting cells, goblet cells

structures ng respiratory system