Maraming magandang maidudulot sa mundo ang pagiging unlimited ng mga bagay. Isipin niyo, kung unlimited ang pera e di sobrang developed na siguro ng mundo natin. Kung unlimited ang pagkain e di walang magugutom. Kung unlimited ang internet ang dali mag-communicate. Kung unlimited ang natural resources e di sobrang thriving ng mundo. Kung unlimited ang oras natin at energy sobrang dami nating pwedeng maaccomplish!
E siyempre may masama din naman sa unlimited.
Kung unlimited ang pera hindi matututo ang taong magin kuntento. Kung unlimited ang pagkain e di siguro ang dami dami nang obese at may mga lifestyle diseases ngayon. Kung unlimited ang internet e di sobrang daming estudyante nang hindi nag-aral kasi puro pesbuk ang inaatupag. Kung unlimited ang natural resources e di hindi tayo natutong mag-alaga. At kung unlimited ang oras at energy hindi natin matututunan iappreciate ang little things in life.
Pero may isang bagay na narealize kong tunay na masayang maging unlimited. Kapag unlimited to, pwede mong balikan in a sense ang kabataan mo at ang maraming mga notable at mahalagang pangyayari sa buhay mo. Kung ang bagay na ito ay unlimited, magiging madali na para sa maraming tao na mag-release ng tensyon at stress. Ang pag-unlimitize (may word bang ganun?) ng bagay na ito ay magdudulot ng mundo-mundong kaligayahan sa mga taong katulad kong nais lang namang mag-de-stress sa maraming pagkakataon.
Anung iaunli ko lagi, given the chance?
VIDEOKE!!!!!