Tuesday, March 9, 2010

reklamo

merong karaniwang reklamo ang mga estudyanteng nag-eexam. yan ay kung bakit mas madali gumawa ng ibang bagay kesa mag-aral.

example 1. magmemorize ng kanta.
totoo nga no? yung mga paborito mong kanta kayang kaya mong kantahin by heart. sa videoke kapag paborito mo yung kakantahin mo kahit hindi ka na tumingin dun sa screen makakakuha ka parin ng 100 (or 99 para sa mga machine na hindi nagbibigay ng 100). minsan kahit yung mga nakakapesteng kanta na ayaw mo naman namememorize mo na din kasi paulit-ulit (mga tambay lang kameng sawa sa babae...). diba?

example 2. internet.
huwag niyo nang ipagkaila. ang magsabing hindi dito ay mahahagisan ng buhay na granada. aminin naman natin sa mga sarili natin na mas madali talagang maghanap ng chismis sa facebook kesa maghanap ng chismis sa mga textbook mo. mas exciting kasing mang-usisa ng buhay ng mga taong kakilala mo o kakilala ng kakilala mo kesa usisain ang mga chismis na sinasabi ng libro mo. siyempre, applicable sa course mo yung chismis ng libro mo, pero hindi talaga siya kasing exciting nung kapag buhay na tao ang uuriratin diba? parang ewan ka siguro kung ang ichichismis mo sa mga kaibigan mong hindi mo naman ka-course ay mga bagay na hindi nila maintindihan sa abundance ng jargon na gagamitin mo.

example 3. pagkain.
ayan na. ayan na ang pangunahing dahilan. ewan ko ba. e masarap kasi pagkain eh.

example 4. maglagalag a.k.a. lumabas-labas.
diba? mas masarap tumingin sa live action surroundings kesa sa letra at drawing sa libro. kung mejo adventurous ka, sige, pagalawin mo libro mo.

at, ang paborito ko.

example 5. tulog.
WALANG KAKUPAS KUPAS.

Tuesday, March 2, 2010

ang galing ng google chrome

nadiskubre ko ang browser na google chrome dahil sa mga kapatid ko. nung una, internet explorer ang gamit ko, pero dahil nakakainis ang explorer, nagpalit ako ng browser. apple safari naman. kaso nainggit ako sa mga ate ko dahil ang gaganda nung mga landi ng browser nila, kaya napagdesisyunan kong google chrome ang gamitin.

*commercial: nagpapalit ako ng theme*

anyway, nakakatuwa ang google chrome. ang linis, ang bilis, at ang simple gamitin. paborito kong features yung pwedeng ma-view yung most recently closed windows pati yung parang sa safari na ninonote niya ang most visited sites mo.

hindi ko alam kung papano napili ang google chrome ng screenshot ng most visited sites. kunyari, sa americanidol.com pwede niyang piliing gawing thumbnail yung homepage o kaya yung site ng pictures ng contestants. sa yahoogroups pwedeng yung main page ng group niyo o di kaya yung "join or create new group" page.

pero ang pinakanakakamangha ay ang facebook. wala naman akong nababanggit sa google chrome. nakakatawa lang. ang thumbnail ay naging homepage, profile page ko, at pictures sa album ko. pero ngayon lang ever nangyari sa tanang buhay kong nagamit ng google chrome na ang page na ginawang thumbnail ay ang profile ng crush ko.

hindi ko naman siya madalas puntahan. pero dun siya nagpunta.

WIN! WIN KA GOOGLE CHROME!!!