pangatlong beses ko nang nagiging second year sa buong buhay ko.
SECOND YEAR HIGH SCHOOL.
mga memories ng pagiging first-time officer ng SG sa rural.
unang matinong sayaw sa acquaintance party (tanda ko pa kung sino).
unang bagsak na grade sa report card EVER.
unang test of beschamship namin ni bescham :D
unang encounter sa subject na biology, at sa malawak na sakop nito.
unang trip sa ibang bansa.
Nung second year ng high school, pakiramdam ko matanda na ako at karapat-dapat nang magboypren, kasi yung mga classmate kong iba may boypren na, saka may mga kakilala kasi akong may boypren na din. Akala ko nun matanda na ang 13 years old, kasi nabasa ko sa Sweet Valley Kids na sa states ay pwede nang sumali sa mga radio contest ang mga 13 years old. Feeling ko mature na mature na ako dahil may -teen na yung edad ko.
Pero at the end of second year, anung nakuha ko?
Disappointments, dahil sa mababang grades. Kalungkutan at self-doubt, dahil parang wala namang nagkakacrush sakin. Walang boypren, walang napanalunang radio contest, pero na-strengthen at nabuo talaga ang ambisyong maging doktor :)
SECOND YEAR COLLEGE.
Second year sa BS Biology program ng UPLB.
Hayayayay.
unang mabigat na pagkakamali.
unang grade na lagpas 2.0.
unang sem na hindi kasali sa mga CS ng CAS.
Maraming heartbreak sa buhay ng second year college. Heartbreak dahil sa mga matters of the heart. Heartbreak kasi 2.0 lang sa zoo3 tapos 2.25 sa chem40. Heartbreak kasi napapalayo ang pangarap maging magna cum laude. Heartbreak kasi wala paring boypren. Heartbreak kasi hindi na kasiya yung paboritong damit.
Pero dito ko naappreciate ang pagkanta bilang avenue ng pagwoworship. Dito naging hindi lang kanta ang mga kanta.
Dito ko din na-realize na ang bata pala ng 13 years old para magkaboypren. pero feeling ko ay masyado na akong matanda para maging single. hello, 17 na kaya ako!? in one year, of legal age na! anubayan!
SECOND YEAR MED SCHOOL.
Unang pagkakataon sa buhay na Sundays lang ang weekend.
Unang pagkakataon sa buhay na once a week lang makakapag-civilian.
Unang pagkakataon sa buhay na todo commute lang pauwi mula manila.
Unang taon na maramdaman na kulan ang pitong araw sa isang linggo.
Nagsisimula palang ako ng second year ng med school. Sabi ng mga nauna na sa akin, itong second year daw ang pinakamadugong year, sunod sa clerkship (siyempre). Pagod, puyat, lungkot, sakit, confusion, etc. Mahirap maging second year.
Wala paring boypren (o diba? pattern ito lagi pag second year), pero hindi na (ata) kasing caught up sa pagiging single kesa dati.
21 na ako ngayon. Sigurado parin akong masyadong bata magkaboypren ang 13 years old. Narealize ko din na bata parin ang 17 years old para magkaboypren. Pero hindi ko sigurado kung ganun din ang kaso sa 21 years old.
Pero, matanda man o bata ang 21 years old, may pressure na din, ewan kung negative o positive. Sabi ng nga nauna nanaman sakin, mahirap daw maghanap ng boypren ang babaeng nagdodoktor. Kasi daw nagiging intimidating para sa mga lalake. Anung intimidating naman sa pagiging babaeng doktor?
Anyway.
Second year. Pangatlong second year ko na. Every four years.
Siguro sa susunod na pagiging second year may kasabay nanaman na paghihirap. pero sana sa susunod na second year (siguro mga 26 ako nun) e may boypren na ako. charot ^_^