Sunday, July 15, 2007

here's to you, buddy :)

chem160, zoo3, bio150, math2, lts1, histo2, stat1...

yan ang subjects ko last sem. 18 units + nstp.

hindi kagandahan yung grades ko last sem, sa standards ko. papano, grade monster kasi ako. ang ikinatuwang grade ko lang ay stat1, at yun pa ang pinaka hindi ko inasahan. anyhoo, hindi yun ang gusto kong ikwento.

naalala ko ang isang kaklase ko last sem na sabihin na nating naging ka-close ko. kahit na may katagalan ko na siyang kilala. sino yun? e di si gerald francis orias, better known as GE.

sino ba yun? baka kasi isipin niyo namang gawa-gawa ko lang si ge. batchmate ko sa rural si ge, pero never kaming naging mag-classmate at never ko siya nakausap nun ng usisaan. siguro marami akong na-miss nung high school dahil hindi ko naging kaklase siya. kilala ko siya nun bilang yung isa sa mga comedian sa batch. tipong every time na magkukwentuhan kami nun nila bescham e may maiikwento siya saking antics nito ni ge. feeling ko naman nun e over-exposed lang siguro to. BUT NO! dating ang musical-fest namin nung 4th year para sa music e tunay nga namang level up sa katatawanan tong si ge.

last sem, naging classmate ko siya sa lts1 at sa math2. hindi ko naman inasahang magiging komportable akong makipagdaldalan, makipagkulitan at makipagkwentuhan dito kay ge. kay fafi ge. nagkasundo kami siguro dahil enjoy ako sa pangungulit. siya enjoy din sa pangungulit, pero may underlying na kaseryosohan sa amin. AKALA NIYO WALA ANO? natuklasan kong hindi lang pala puro tawa tong si ge. may pagka-emo din to kapag nalulungkot at mejo autistic din from time to time. pero nakakatuwa pag nagkukwento siya, lalo na tungkol dun sa ka-field trip niya sa ilocos/baguio at dun sa mga krash niya sa lts. siyempre, ako din may mga krash na kinekwento sa kaniya. pero siyempre, nagsasawa din naman kaming magkwentuhan ng lovelife namin. kaya lovelife naman ng iba ang pinakekelman namin. bwahaha joke lang.

naalala ko si ge dahil nakita ko baby pic niya sa isa sa albums ni carlos dito sa multiply. at dahil nagbabrowse ako ng pics ko sa friendster kanina kung saan may pic kami ni chito miranda, na mejo kahawig ni ge. naalala kong hindi na nagpaparamdam si ge at na namimiss ko naman siya. lumipat na ata siya ng school, kung saan e makakapagtapos siya sa isang course na madali makakuha (daw) ng tarbaho after school. sana nag-eenjoy siya dun. at sana e nakakapag-aral siya ng mabuti. at sana ok siya.

sows, nag-mushy-mushyhan nanaman ako. namiss ko lang bigla si fafi ge. kamusta naman kaya siya at ang mga girlets niya? hay nako. magparamdam ka nga ge! :)

1 comment:

  1. si ge.. nag PNPA siya.. kalungkot nga e.. kasi onti lang yung pinagsabihan niya nung day na aalis na siya.. kaya kami, mejo na-shock na lang na "huwat??! tumuloy na talaga siya?!" at huy brotha bear!! baka naman isinasama mo yung lovelife ko sa pinaguusapan a! hehehe!

    ReplyDelete