nireregret kong hindi ako nagpunta sa dapat pinuntahan ko. nireregret kong hindi ko yon tinuloy, pero kunsabagay e hindi ko naman talaga yun gusto. pero sana talaga tinuloy ko nalang. kesa nagkakabalabalahura buhay ko ngayon. siguro sa inyo walang masosolve yun. pero at least hindi ako makikisawsaw sa mga ginagawa niyo. hindi ba mas maganda yun? since kahit naman yata mangausap at mangausap at magkalinawan ng magkalinawan e wala din naman nangyayari e parang mas maganda ngang hindi nalang ako nakisawsaw in the first place (refer to previous post "gawan na nga ng banner yan!"). parang nakisawsaw ako ng isaw sa sawsawang dinouble dip-an ng isang taong may TB. parang ganun na nga yun diba?
melancholic ako, ayon sa kakatake ko lang na temperament test. 28% melancholic, 27% sanguine, 25% phlegmatic at 20% choleric. mahilig daw mag-self analyze at magdamdam ang melancholic. oo. ganun nga. perfectionist pero hindi mahilig kumilos. oo nga. tapos ang pinakamaganda: hindi nagpapahalata ng galit pero NASABOG NALANG PAG SUMOSOBRA NA. KOREK!!!!!!!
No comments:
Post a Comment