Friday, September 28, 2007

lukresya... by request!

hahaha, may sumusubaybay nga pala sa adventures ni lukresya. salamat sa iyong suporta, sister act :) pag naisipan ko nang sumulat nung the great pinay novel ikaw unang bebentahan ko :)

***

anyway. matagal nanahimik ang ating bida dahil, well... marami siyang ginagawa. busy sa pangangarir ng mga palosebo na not bad naman usually ang mga resulta. pero natalo na si lukresya. twice. pano ba naman kasi, hindi nag-training bago sumabak sa pagpapalosebo. ayon, nakarating sa halos gitna and then... well, sabihin nalang nating maraming sebo ang mga pole dun sa dalawa.

may mga bagong palosebo coaches na si lukresya. akalain mong may coach pala siya no? well. talaga namang kakaiba ang mga coach na ito. yung isang coach niya, in particular, ay masyadong kire! hay nako! sobra! pero dahil sa kakirihan ni coach e nakakaariba naman ng maayos si lukresya. meron din siyang isa pang palosebo coach na mabait pero jologs mag-coach. kasi break ng break, wala tuloy natutunan si lukresya. pero, in fairness naman kay imbyerna coach, suporta naman siya to the highest level for lukresya.

humahapyaw parin sa isip ni lukresya yung dating paborito niyang superhero. mahirap naman talaga kasing makalimutan yung superhero na for the greater part of six years e paboritong paborito talaga nitong little lukresya natin. pumuntang siberia ngayon si superhero, either may superhero convention sila (na baka kasama ang powerpuff girls at justice league) o may sinesave nanaman siyang panibagong people in distress. basta may bago nanaman siyang inuuwiang bahay. hindi na siya nadalaw kay lukresya dun sa damuhang kahawig nung kina heidi at lolo alp na tinatawag ngayon ni lukresyang "home", pero nagtetext naman din siya paminsan minsan. pero... hay nako, lukresya. lukresya ka talaga no?

yung dating panibagong paboritong superhero? hindi na naging favorite. nagbakasyon kasi itong si superhero #2 at matagal tagal ding nawala sa sirkulasyon. ganun din si griyego. hmm... hindi kaya...? anyway. friends parin si lukresya at si griyego. e friendly to the highest level naman kasi si lukresya. kaya keri lang.

may bagong sinusubaybayang superhero si lukresya. hindi pa naman favorite. pero sinsubaybayan. kilala din ni lukresya ang alter-ego nitong si Agosto Presidente. pambihirang pangalan... in fairness, marami namang napaguusapan sina lukresya at agosto. marami silang napagkukwentuhan. nakakatawa dahil hindi man lamang napansin nung mga madalas ka-chill ni lukresya ang pagsubaybay ni lukresya sa superhero mode ni agosto. oh well. subaybay palang naman. hindi pa paborito. bawal pang magkaron ng bagong paborito. nakakaumay din kasi.

may isang natapos na palosebo si lukreysa na hindi niya inakalang matatapos niya. kasi nakatulog masyado ng mahimbing si lukresya at hindi nagtraining ng maayos. tapos pagdating niya, hindi siya handa at mga isang oras na siyang late! lahat ng mga kalaban at teammates niya nakarating na sa tuktok habang siya e nagmamadali palang na magsuot ng tamang gear at mag-stretching! so there! siyempre, may mga spiral-spiral. madali lang dun! kaso biglang may loops at ang makabagong pa-twist-twist! yung akala mo diretso lang pero nagtutwist pala, at kailangan sundan yon! dun nakita ni lukresya ang suporta nung coach niyang parang not-enough-vitamins dahil, kahit mabagal at mejo sablay-sablay, nakarating parin si lukresya sa tuktok. salamat sa coaches. unting salamat kay ex-favorite superhero. unting salamat din kay griyego. at maraming salamat kay Friend.

sige. next time uli. off to some small palosebo ang lukresya.

1 comment:

  1. aba dapat lang no!! kita mong fan na fan ako ng lukresya chronicles e! hehehe!! si lukresya talaga! may pasuper superhero pa rin!! tsk tsk tsk.. ayan tuloy di nakakaabot sa dulo ng palosebong full of twists and turns! tsk tsk tsk... aba sumososyal na nga talaga si lukresya!! may mga palosebo coach pa!! pero ito! mas sosyal si favorite superhero!! may convention kasama ang powerpuffs!! oha!! hehehe! o sige brotha bear! aabangan ko ang mga next chapters! ahahaha!

    ReplyDelete