Wednesday, April 29, 2009

ABD testimonials and the first bahay adventure




next time na ang pagrorotate at captions. goodnight.

listahan ng mga bagay na matagal ko na dapat binlog. blogin na nga.

napakatagal na mula nung huli ako nag blog. diba? namiss niyo ba ako? namiss ko magblog e. kaya mejo kebs lang kung hindi niyo namiss ang blog ko. nyahahaha.

hmm... natapos na ang thesis ko :) tapos na ang mga araw at gabi ng kabaliwan at kalokohan. natapos na ang pagkakataranta sa mga mapupula (or mabublue, sa kaso ni sir ocampo) na drafts. natapos na ang pang-aalipin kay dayner (at mejo kay hulyo) for around a week and a half. natapos na ang pagpunta ng halos araw-araw sa limno station. natapos  na ang pakikipaglaro ng taguan kay sir ocampo (minsan ako taya, minsan siya. hahaha). hindi ko man nasaksihan yung pagkakaprint at bind niya, nakita ko na ang finished product. salamat sa inyong lahat na tumulong sakin. andun kayo sa acknowledgements ng thesis ko. nyahahahahaha :)

sa pagkakatapos ng thesis ko, ang dami din naman nasimulan na sana ay tumuloy tuloy. nasimulan yung experience na pagtutok sa trabaho. nasimulan yung ugaling kailangan mas critical mag-isip kesa sa usual. nasimulan ang pagkakaibigan namin nila babe, kuya stan, at sir ocampo. nasimulan ang pagkakadiskubreng dapat inuuna ang review of lit kesa sa ibang bagay. sana hindi na matapos :)

gumraduate na din kami ng karamihan sa friends ko. siyempre, dapat may separate post para sa mga thankyou, diba? parang acknowledgement page ng thesis. kaya hindi ko dito imemention ang mga particular people. general lang. natapos man yung college life na kinikilala natin formally, which is the time we spent together hanging out in classes, in between classes, and doing projects, reports and stuff. pero i do hope the relationships we built during those classes, in-betweens, etc. last longer than we can ever imagine for them to. DRAMA. pero for real, haylabyu ol. lyk crazeh.

anung kasunod na? e di ang bonggang bonggang med school. kung naaalala niyo, nagunaw ang mundo ko ng panandalian nang malaman kong hindi ako pasado sa pgh. mejo hindi pa pala ako recovered sa kaniya. napansin lamang namin ito ng ilan sa aking mga kaibigan noong mga sandaling hinihintay namin ang resulta ng plm. ganito kasi yan. nung sa pgh kasi, naramdaman ko lang agad na hindi ako pasado kasi yung batchmates ko nalaman na nilang pasado sila, tapos sakin walang nagtetext. e nung monday, magkasama kami ni kuya stan galing limno, nang biglang may magtext sa kaniya na pasok na siya sa plm, e sakin wala nagtext. kaya napraning me. ganun pala yun no? ang tawag ata sa ganun e fear of rejection. oo, meron ako nun. kasama ng fear of sharp pointed objects at fear of failure. pero, in the end, nalaman namin ng mga magulang ko na pasok ako sa plm. at mukang dun na ako. yams, carlos, mia, mukang hindi na ako magsesaint lukes. pero ewan pa.

ayun, nagpamedical ako kanina para sa PLM. nalaman kong mataba na talaga ako dahil hindi nila mahanap yung ugat ko. so anung ginawa nila? ganito:
sinuksukan nila ako ng karayom. (IHHHHHH)
walang nangyari.
sinuksok nila ng mas malalim ang karayom.
hindi ako tumingin.
mejo kinapa pa nila ng unti ang ugat ko gamit ang karayom sa loob ng aking pagkatao.
at nagkadugo na.

sana maintindihan niyo. ayoko kasi talaga nung ganun. alam niyo yung pakiramdam na nakakaliyo? yung parang nakakaumay na tapos mejo nakakapanic at nakakasuka? ganun pakiramdam kanina. anyway, natapos na. nakuhanan na ako ng bonggang bongga ng dugo. fecalysis nalang ang kulang dahil ayaw magpaunlak ng aking kalooban kanina. oh well, ok lang naman daw.

ayun, nagpunta kaming states. malamig. masayang magkitakita ng mga kamaganak at kaibigan. sana maulit :)

ayan, post lang ng post ng pictures. kasalukuyang nagmamaganda ang multiply dahil 71 minutes remaining pa daw bago maupload ang pictures ko. siguro dahil high-res originals yung pinili ko iupload diba?

anyway, lilipad na muna ako. magjojog pa kami ni waysa bukas (sana). dahil ramdam ko na ang katabaan ko.

nyahahaha. haylabit. gudnayt. God bless us all :)

Sunday, April 26, 2009

FINALLY




ito ang album na dedicated sa inulang graduation ceremonies namin. sa wakas, natapos na ang apat na taon (or more, for some) ng hirap, ligaya, dugo, pawis, luha, puyat, stress, lungkot, pag-aaral, panunulad, pang-ookray, pambabalahura, etc.

zooperwild batchmates and ampons, aylabyu all. magkikita pa tayo at magzoozooper lunch pa sa darating na panahon. get ready to grab. like crazy.

p.s. mamaya na ang mga pagrorotate at mga captions. ayaw niya mag-load eh.

p.p.s. AYAN. TAPOS NA.

northridge, LA, vegas, chino hills




delayed na tong album na to