alam niyo yung sabi nila na ang pinaka fun na stage sa iyong educational life e ang high school? i think they're right. hindi lang dahil mas magiging close ka sa classmates mo gawa araw araw kayo nagkikitakita. hindi lang din dahil sa maraming play at kung anu ano pa. pero dahil SA SAKSAKAN NG DAMING DANCE PARTIES.
nakakamiss ang dance parties ng rural. i say this kasi hindi pa ko nakaattend ng dance party ng ibang school. let me enumerate them to you in order of occurrence.
- acquaintance party. ang nag-oorganize nito ay SG. siyempre, kasali ako dito dahil SG ako mula 2nd year :) anung meron? well, eto yung laging panimulang party ng taon. andito ang mr and ms freshman competition, consecration ng newly elected school club officers, talent show ng mga freshman sections at, kung sinuswerte kayo, open jam at competition ng mga hapon na dumalaw sa school. nakakamiss ang acquaintance party dahil kami nag-oorganize nito (SG). usually in charge ang juniors sa physical arrangement, seniors sa restoration. nakalimutan ko na kung anung echos ng sophies, pero freshmen e tagapakita lang ng talents at taganood. nakakamiss ang acquaintance dahil dito mo masasaksihan ang developments ng mga labtim from the previous school year at ang mga panibagong developments sa nagsisimulang school year. masaya din pala ito kasi nagpepresent yung mga bagong teachers dito. at dito din nagkakaron ng mga potential crush na teacher (kung meron man) ang mga estudyante. ATTIRE: SEMI-FORMAL
- christmas party. hindi ito pang buong school. usually ito ay sa discretion nalang ng mga batch, so ibig sabihin e yung mga _CO ang nagoorganize nito. nakatikim ako ng dance party na christmas party nung 2nd at 3rd year. nung 4th year sana kaso absent ako nun gawa kasal ng pinsan ko. anung masaya dito? magsosolo kasi kayong batchmates nito. at dahil ang kasunod niya ay christmas break, usually maraming developments din dito. may mga nagbebreak. may mga nagpoprogress (from acquaintance party?). may mga nagsisimula. at, siyempre, merong mga nagiging mag-promdate (ehem...). ATTIRE: CASUAL
- barn dance. nangyayari ito bandang early to mid february, kasabay ng celebration ng HE-Aggie fair. ginaganap to usually sa huling gabi ng HE-Aggie fair. andito ang modeling ng mga 2nd year, crowning ng mr and ms HE-Aggie fair, open jam (nung 4th year kame), at, siyempre, walang humpay na sayawan. nagpapalit-palit ng theme ang HE-Aggie fair bawat taon, dahil depende sa pamunuan ng HE club at FAST kung anung mangyayari. cool ang barn dance dahil kasama niya ang HE-Aggie fair, kung saan merong food and game booths. siyempre, hindi nawawala ang mga game booth na marriage booth, jail booth, handcuff, at dedication booth. pambihira ang ibang innovations. basta. masaya ang barn dance. lalo na kung may mga dayami pang nakatumpok. o diba, barn na barn? onga pala, marami din uli nagiging mag-promdate dito. at masaya siya lalo na kung vibrant na vibrant ang mga mc (ehem...). ATTIRE: DEPENDE SA THEME
- PROM. laging malaing event ang prom, lalo na pag junior ka. kasi required. gawa ng ballroom na PE at mga pre-prom HE stuff. at meron pang mga seminar-seminar echos on proper decorum (tuksedo!). pag senior ka, kebs nalang. pwedeng umattend, pwedeng hinde. pero mas masaya umattend, magastos nga lang. siyempre ito ang rare occassion na makikita mo ang schoolmates mo na talaga namang ayos na ayos at sosyal na sosyal. siyempre, hindi nawawala ang prom king and queen at ang best dressed. may mga makabagong award, depende sa JCO at PTA nila. meron nung crowd favorite, couple of the night (ehem), dancing king and queen, at marami pang iba. siyempre meron dito yung rigodon/cotillon. exciting gawa masayang mag-abang ng mga magka-date at ng mga mananalo. saka pala yung mga turnover cool din. at reading ng last will and testament. ATTIRE: FORMAL
- farewell party. again, depende sa batch. parang chrsitmas party din, pero year ender na. ATTIRE: CASUAL
- gradbol. ah, yes. ang conclusion ng high school life mo. ang huling huling party na ma-aattendan mo. ang grad ball. gradbol. GRADBOL! dahil graduates na kayo, after ng graduation niyo ay may party uli kayo. sayawan galore nanaman ito. siyempre, puro seniors lang to at, minsan, mga taga-PTA. mejo dance at your own risk kung andun ang mga magulang mo, pero ok parin. masaya sa gradbol kasi last chance na. huling sayawan na to. magpapakatuod ka pa ba naman at hindi sasayaw? siyempre gusto niyo lahat kayo sasayaw. at, kung may theme song pa ang batch niyo, eto na ang pagkakataong lahat kayo ay magtatalon at magwala (kung mabilis yung song) or magsenti in a circle (kung mabagal ang song). ATTIRE: YUNG PINANG-GRADUATE. HINDI YUNG TOGA HA.
alin ang favorite ko jan? wala. lahat sila na-enjoy ko. dalawang parties lang ata ang na-miss ko buong buhay ko sa rural. yung barn dance nung 3rd year (kasi umuwi pa ko) at yung christmas party nung senior ako (see #2).
narealize kong namimiss ko na ang school parties nung nagtitingin ako ng pictures ng schoolmates ko dati. ayon, nagpapakasasa sila sa barn dance, sa prom, etc. nakakamiss mag-dress up. nakakamiss ang mga fast dance. lalong lalo na ang mga slow dance (ehem ehem...). nakakamiss mag-abang ng mga couples at ng teachers na baka sakaling nasayaw din. nakakamiss mambalahura at mabalahura ng mga batchmates. nakakamiss maghintay ng magsasayaw sayo sa slow dance. pero hindi nakakamiss madisappoint kung hindi ka isayaw nung gusto mo or kung walang magsayaw sayo at all. pero ang pinakanakakamiss sa lahat ay ang matakot kay mamD at sa kaniyang legendary "1 foot apart" kahit hindi naman na niya ginagawa ito. or so i think...
so there. batchmates and older batches. siguro may mga agree at may mga disagree. sa mga younger batches, enjoyin niyo ang parties while they last. sa mga taga ibang school, may sarili kayong version nito :) basta ako.
miss ko na ang parties ng rural.

