nauubusan na ko ng dahilan.
"bakit ka late?"
pagod. nakatulog. natraffic. makupad kumilos. hinintay si nanay. may hinintay. wala na.
"bakit ka naiyak?"
nagmamaganda. malungkot. naiirita. disappointed. frustrated. masaya. nagagalit. may naalala. may naisip. nag-iisip. outlet, parang hot spring ba. wala na.
"bakit ka magaling kumanta?"
hindi naman ako magaling e. galing kay God yun. gawa ng genes. wala na.
"bakit ka bumagsak?"
hindi kasi nag-aral. nakalimutang may exam. sadyang tinatamad lang. na-mental block. wala na.
"bakit ka ba nagagalit?"
kasi nasaktan ako. kasi hindi tama. kasi maling mali na. wala na.
"bakit ka nasasaktan?"
kasi attached. kasi involved. kasi ako may gawa. wala na.
"bakit mo ginawa yon?"
kasi walang ibang gagawa. kasi pag hindi ginawa walang mangyayari. kasi sadyang bobo lang ako at walang magawang matino. wala na.
"bakit ka pa nag-aaral?"
kasi gusto kong maging doktor. kasi gusto ko magkaron ng magandang future bilang doktor. kasi gusto kong makapasok sa school na gusto ko. wala na.
yun nga. wala na.
No comments:
Post a Comment