moments sa klase ng physio (case con at lab), histo superlong lecture, anatomy with bones, at ang maligayang klase ng neuroana. mabuhay tayo.
p.s. hindi pa ako tapos maglagay ng captions.
matagal na since pumutok ang balita tungkol sa video na ginawa ni hayden kho na tunay na mahalay at kakaiba. maraming mga tao at community na affected ng mga pangyayari. medical community, pamilya at personal na buhay ni hayden, si vicki belo, ang pamilya at buhay ni katrina halili, mga kaibigan ng mga nabanggit, ang senado, yung ex-police officer na nagbuhos ng tubig sa ulo ni hayden kho, at marami pang iba. pero ang pinaka hindi ko inaasahang maging apektado sa isyung ito ay...
...(get ready)...
...ang aking mga magulang.
alam kong napapanood nila ang mga pangyayari sa tv. naawa pa nga si nanay nang mabuhusan si hayden kho ng tubig nung si col. or lt. or gen. or whatever na nagsabing naaalala niya kay katrina ang kaniyang anak. si tatay din ganun, at talaga namang nababarubal ang isip niya sa mga ginawa ni hayden. pero hindi yun ang pinakaremarkable na epekto ng scandal sa kanila.
natuklasan ko ito nung june 8, 2009. habang nagmamano ako kay nanay nung gabi dahil kauuwi ko lang, sabi niya sakin tawagin ko daw si tatay na HAYDEN. at nagitla naman ako. sino ba namang anak ang hindi mawiwindang kapag sinabi ito sa iyo ng iyong ina? ipinaliwanag ni nanay ang dahilan ng pinakabagong kabaliwan ni tatay. diumano, nung gabing iyon, nang tawagin niya si tatay para maghapunan, sabi niya "o, HAYDEN, halika na at kakain na."
at ang magiting na sagot ng tatay ko? "Ako nga yun."
halo ang pagtawa at pandidiri at pagkamangha, umakyat ako sa bahay at sabi kay tatay:
"Tay, balita ko kayo daw si HAYDEN."
at ang may halong ngiting sagot ng aking ama:
"Oo beng ako yun!"
WADISDIS. at, may kasamang paghalakhak at pandidiri at pagkagulat at pangingilabot, sabi ko:
"Tay hindi kayo yun! anu ba yan!"
Tatay: "Hindi beng ako nga yun!"
ilang beses pa naming pinagtalunan na hindi nga siya yun, pero ipinagpipilitan talaga ni tatay na siya sa HAYDEN. pero may naalala akong isang alas.
SI CHRISTOPHER DE LEON!
"Tay, akala ko ba si Christopher de Leon ang kamukha niyo?"
akala ko tatabla na dito si tatay at sasaibihin niyang oo nga, hindi pala si HAYDEN ang kamukha ko. BUT THEN AGAIN.
T:"Oo, pero ako muna ngayon si HAYDEN."
PAMBIHIRA! kaya, dahil wala na talaga akong masabi upang mawala ang konseptong ito sa isip ng aking ama, nasabi ko nalang:
"e di si nanay si katrina halili?"
oh no. sabi ni tatay, si nanay daw ay si "VICKI BINGOT."
pambihira.
i took a quiz dahil nakita ko sa fezbook. eto results. nakakamangha kasi they're mostly true, pero i don't know about having many admirers hanging off of my arms...
Your view on yourself:
You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.
The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You like serious, smart and determined people. You don't judge a book by its cover, so good-looking people aren't necessarily your style. This makes you an attractive person in many people's eyes.
Your readiness to commit to a relationship:
You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.
The seriousness of your love:
You like to flirt and behave seductively. The opposite sex finds this very attractive, and that's why you'll always have admirers hanging off your arms. But how serious are you about choosing someone to be in a relationship with?
Your views on education
Education is very important in life. You want to study hard and learn as much as you can.
The right job for you:
You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.
How do you view success:
You are confident that you will be successful in your chosen career and nothing will stop you from trying.
What are you most afraid of:
You are afraid of things that you cannot control. Sometimes you show your anger to cover up how you feel.
Who is your true self:
You are mature, reasonable, honest and give good advice. People ask for your comments on all sorts of different issues. Sometimes you might find yourself in a dilemma when trapped with a problem, which your heart rather than your head needs to solve.
****
eto yung website: http://www.quizbox.com/personality/test82.aspx
malapit na ang summer solstice, kaya siguro maliwanag pa kahit malapit na mag-7pm. although hindi naman super liwanag na pwede ka pang magbilad upang magpa-tan, maliwanag parin kesa sa usual na parang wala ka nang makikitang kulay kapag 7pm.
huling wednesday ko na sa lb for a long time. mamimiss ko na ang sisig meal sa snack shack poreber. huhuhu. dapat lalabas ako ngayon para kumain kaso 12pm na e wala pang planong kumilos ang katawan ko.
hindi ko pa magawa yung second drama post ko. effort kasi yun. e nakakatamad pa. tse.
yun lang.
babay.
*note: kung hindi kayo sanay sa mga seryosong post kong tunay na seryoso, skip this one. drama mode ako. part one of drama mode :)*
it's been... more than four years, i guess. five? six? tagal na, kinalimutan ko na nga eh. kinalimutan niya na din, mas mabilis pa kesa sakin. life has been flowing smoothly for both of us, with the normal hello kapag nagkikita or nagkakasalubong. chikahan pag kailangan, gets niyo? chill nalang talaga. cool na cool. civil siguro, mejo nasa friends level na din.
dumating na ata ako sa lugar sa buhay ko na hindi na ako affected kapag may mga nababalitaan ako sa kaniya. ok na ako eh. ok na talaga ako.
pero ang weird, kasi ngayon naencounter ko siya. ayokong sabihin kung pano. basta naencounter ko siya. tapos affected ako. kadiri lang. narealize kong namimiss ko yung paraan ng pag-uusap at pag-aasaran namin, yung pagiging close namin, kahit saglit lang naman talaga kaming naging close. actually, hindi nga kami super close eh. chill lang, mas close pa kami nila *bleep* at *bleep* kesa sa kaniya eh.
pero darating at darating ka pala talaga dun no? yung parang magrerewind ka tapos maiisip mo na uy dati ganito kayo, dati ganito yung nangyayari, ganung eklavush? pero siyempre, dahil iba na yung ngayon, wala ka nang magagawa.
sa nagtataka, oo, lovelife ang binabanggit ko. hitik na hitik sa adventure ang lovelife ko. yaaaak. noon yun.
pero ang weird lang talaga. wala, naisip ko lang.
*naubos ang dugo ko sa unang seryosong post of two. next time na yung pangalawa. baka maubusan me ng blood!*
nagising ako this morning to very sunny skies and loud winds. oo, yung tipong maiisip mo na magtotornado na kasi nasipol talaga yung hangin.
malapit nanaman mag-umpisa ang pasukan. masaya ako kasi registered and enrolled na ako. isa na akong ganap na med student. yehey. konting luha, pagod, at dugo nalang doktor na. haha :) excited na akong pumasok pero nakakatakot parin. sino ba namang hindi magugulantang kung orientation palang sasabihin na sayong magbasa ng first five chapters ni bespren guyton dahil magdidiskusyon na sa first session niyo ng physio. sana saniban nalang ako ng kaluluwa ng yumaong si dr. arthur guyton.
sa sunday dun na ko matutulog sa dorm. che! dorm! ngahahaha, housemate ko si ylamarlynlee. kinakabahan ako na excited. first time e. haha :)
at dahil sa PLM ako mag-aaral, excited akong makakita ng artistang magshooshoot. baka sakaling si victor basa mapadpad dun! AAAAAAY! AYLAVET!
hayyyy matatapos nanaman bakasyon. kakasuka. anung nagawa niyo sa bakasyon niyo?
isa lang ang bagay na nangyari sa bakasyon ko.
nagi akong mas mataba. che.