matagal na since pumutok ang balita tungkol sa video na ginawa ni hayden kho na tunay na mahalay at kakaiba. maraming mga tao at community na affected ng mga pangyayari. medical community, pamilya at personal na buhay ni hayden, si vicki belo, ang pamilya at buhay ni katrina halili, mga kaibigan ng mga nabanggit, ang senado, yung ex-police officer na nagbuhos ng tubig sa ulo ni hayden kho, at marami pang iba. pero ang pinaka hindi ko inaasahang maging apektado sa isyung ito ay...
...(get ready)...
...ang aking mga magulang.
alam kong napapanood nila ang mga pangyayari sa tv. naawa pa nga si nanay nang mabuhusan si hayden kho ng tubig nung si col. or lt. or gen. or whatever na nagsabing naaalala niya kay katrina ang kaniyang anak. si tatay din ganun, at talaga namang nababarubal ang isip niya sa mga ginawa ni hayden. pero hindi yun ang pinakaremarkable na epekto ng scandal sa kanila.
natuklasan ko ito nung june 8, 2009. habang nagmamano ako kay nanay nung gabi dahil kauuwi ko lang, sabi niya sakin tawagin ko daw si tatay na HAYDEN. at nagitla naman ako. sino ba namang anak ang hindi mawiwindang kapag sinabi ito sa iyo ng iyong ina? ipinaliwanag ni nanay ang dahilan ng pinakabagong kabaliwan ni tatay. diumano, nung gabing iyon, nang tawagin niya si tatay para maghapunan, sabi niya "o, HAYDEN, halika na at kakain na."
at ang magiting na sagot ng tatay ko? "Ako nga yun."
halo ang pagtawa at pandidiri at pagkamangha, umakyat ako sa bahay at sabi kay tatay:
"Tay, balita ko kayo daw si HAYDEN."
at ang may halong ngiting sagot ng aking ama:
"Oo beng ako yun!"
WADISDIS. at, may kasamang paghalakhak at pandidiri at pagkagulat at pangingilabot, sabi ko:
"Tay hindi kayo yun! anu ba yan!"
Tatay: "Hindi beng ako nga yun!"
ilang beses pa naming pinagtalunan na hindi nga siya yun, pero ipinagpipilitan talaga ni tatay na siya sa HAYDEN. pero may naalala akong isang alas.
SI CHRISTOPHER DE LEON!
"Tay, akala ko ba si Christopher de Leon ang kamukha niyo?"
akala ko tatabla na dito si tatay at sasaibihin niyang oo nga, hindi pala si HAYDEN ang kamukha ko. BUT THEN AGAIN.
T:"Oo, pero ako muna ngayon si HAYDEN."
PAMBIHIRA! kaya, dahil wala na talaga akong masabi upang mawala ang konseptong ito sa isip ng aking ama, nasabi ko nalang:
"e di si nanay si katrina halili?"
oh no. sabi ni tatay, si nanay daw ay si "VICKI BINGOT."
pambihira.
panalo!! ano ba yang tatay mo!! hahaha!! naalala ko vicki nga din pala ang name ng mudra mo. hahahaha!
ReplyDeleteyun na! exactly!
ReplyDeleteyan ang tunay na adik na usapang pamilya :)
ReplyDeleteo ha, san ka jan kuya noreens. ^_^
ReplyDeletewatisdis tso felicitos. :D
ReplyDeletehahaha! panalo! :)
ReplyDeleteayos! XD
ReplyDeletehahaha! benta!^-^
ReplyDeleteang tindi ng parents mo! LOL!!! :D
ReplyDeletepambihira ang aming mga magulang. 0_o
ReplyDelete...there are no words. there are no words.
ReplyDeletekahit akong anak ng tatay ko ching.
ReplyDeletespeechless.
LOL!
ReplyDelete:))
=))