Talaga rin namang ibang klase ang mga tao, no? Yung meron na at maganda, kukunin nila at sisirain. Tapos pipiliting gawin ulit pero, hindi pa nga tapos gawin, sinisira nanaman. Pambihira. Pambihira talaga. Sino nga naman bang magaakalang may mga taong parang walang common sense na pwedeng gumawa pa pala ng ganun.
Kunsabagay, ano pa nga naman bang ieexpect mo sa mga ganung klaseng nilalang? Lagi nating naririnig yung "tao lang ako, nagkakamali din ako," pero hindi ba naman kabobohan na yun kung nagawa mo na ngang mali dati tapos nalaman mo nang mali tapos sasabihin mong hindi mo na gagawin PERO GAGAWIN MO DIN NAMAN? Asan naman ang katotohanan sa kahit anong sinabi noon? Asan naman kaya ang tiwalang gusto daw iestablish? Asan naman kaya ang konsiderasyon sa kapwa at ang mukang very rare na COMMON SENSE?
Sige, galit na nga ako kung galit. Plastik na din kung plastik. Salbahe na kung salbahe. At makitid na kung makitid ang utak. Pero sana nagiisip din kasi sila. Kung ganun at ganun din pala ang gusto nilang mangyari, sana hindi nalang nag-sorry in the first place. Anung silbi pa nung sorry na yun kung uulit at uulit ka din naman pala? Anung silbi pa nung nag-sorry ka kung ang kahihinatnan mo din naman pala e yung pinagkasorry-han mo? Anung silbi pa nung nag-sorry ka kung, knowingly e, nakakasakit ka din naman? Parang nag-sorry ka lang para manloko diba?
Sabi nga ni Dao Ming Si, kung pwede na ang sorry, para san pa ang mga parak? Magawan na nga ng banner yan. Pwe.
cool ka lang beng....
ReplyDeleteim here for you..
may ganun?hahaha..5days ko inaral yun..
haha!like you know..haha
improvement! 5days! :)
ReplyDeleteoo nga, mali ang reason na "tao lang ako"... sabi nga ng aming bro sa YFC, hnd ka ginawa ni God para magkamali lng ng magkamali... bkt ba hnd maamin ng tao na nagkamali siya dahil mali tlga xa, hnd dahl tao xa... maxado mapride kaya cnisisi nya sa pagkaTAO nya ang pagkakamali... hahaha, ala lng...
ReplyDelete