tumingala sa langit, marahan mong ipikit
ang mga matang nagpipinta ng madidilim
na ulap sa pisngi. 'di kinayang isantabi
ang damdaming nalumbay sa takipsilim.
kaunting udyok pa at mga mata'y nagsara,
mga ulap ay napigang tuluyan.
ang lupang saglit sa paghintay ay nag-init
dagling napukaw ang kauhawan.
sinabing pumikit, huwag kang magpumilit
kausapin ma'y wag tangkain.
ang ulan ay bubuhos, 'di kailangang malunos
sa pambihirang binahang damdamin.
awitan ma'y sala, bagyo'y 'di titila
mahirap mang maiwang basa
sa ulang walang tigil. pamunas lang, giliw,
ang aking munting naihanda.
'di birong malusaw ang puso. natunaw
marahil sa lamig ng 'yong tinig
sabay sa pag-awit ng luhang sa langit
ay ibinigay ng pusong umiibig.
haay.
ReplyDeletemadrama lang ako cleng :)
ReplyDeletehinde naman, minsan nafifeel ko din ang mga ganyang kacheparan kung minsan. you know, senti mode. muni muni.
ReplyDeletemga echos :) nakita ko nga pala nung sunday ng gabi (jan20) si m*** sa blitzwave. naglalaptop. kilala pa niya ko. kewl.
ReplyDeletetotoo? waw! feeling ko nga e hindi na siya tiga CEAT e parang biglang naging vast ang mundo namin, HINDI KO NA SIYA NAKIKITA. huhu
ReplyDeletetalaga? kahit sa ceat lib? :) schedules lang siguro ang katapat... :)
ReplyDelete