Sunday, February 22, 2009

very early in the morning

2:08 ang sabi ng relo dito sa laptop. i trust it enough to believe it. ibig sabihin umaga na.

*hindi ko feel gamitin yung pausong words na "good mornyt". mornyt. mornight. morning na night. dahil ba madilim na? ganun ba yun? ang mornyt ba ay kalebel ng afternoon? kasi ang afternoon maliwanag na PM, so ang mornight ay madilim na AM? wala lang. naisip lang.

*napakahirap talagang sumagot ng leading questions, no? yung tipong alam na alam mo naman na kung anung gusto nung kausap mo na isagot mo, pero pipilitin mo parin na iba yung isagot para lang iba yung isagot mo kasi ayaw mong mabagsak sa stereotype. nakakainis mag-isip. hahaha.

*HAPPY BIRTHDAY KAY DAVID DICIANO JR!

*alalahanin nating lahat na renewable ang mga libro sa library. kung hindi pa natin sila tapos gamitin, pwede natin sila iparenew para hindi tayo magbabayad ng malaking halaga. pfffffft.

*posible talagang isang kanta lang ang magustuhan mo sa isang artist. yan ang naging kaso sakin (so far) sa secondhand serenade. dahil na-high ako sa kantang "fall for you" nag-imeem ako para magpakalulong sa kanila. ngunit hindi ko masyadong type yung mga napakinggan ko. kaya bumalik ako kay Ingrid Michaelson. dahil sadyang nakakatuwa siya para sakin.

*maraming bagay na akala natin kabisado na natin ang hindi pa talaga natin alam fully. kunyari, may isang masahista. akala niya lahat ng technique sa mundo alam na niya. himas, hampas, haplos, palo, bugbog, suntok, pindot, dutdot, lamas, lamutak. todo, lahat daw alam na niya. pero nagpunta siya sa workshop at natuklasan niyang meron pala siyang hindi nagagawa: ang sabunot.

*nakakaduling talaga magbasa ng pdf.

*pwede bang kiligin ng unti lang? pwede? sige na... hihihihihi :)

*goodmorning philippines. goodmorning world :)

6 comments: