Monday, February 23, 2009

x ang gusto kong unang letter ng title ng blog ko

naalala ko na may blogpost akong tungkol sa mga ex-. nakakatawa :)

pano na yung mga ex-crush?

sige, pag-usapan nga natin yan. bakit ba nauso-uso yang crush na yan? bakit kailangan ginagawan pa yan ng kanta nila jennifer paige, mandy moore, at david archulina, i mean, archuleta (among others)? bakit kailangan pag-usapan ito ng mga bata mula gradeschool hanggang mga matatandang kagaya ng lola ko (na nagagwapuhan kay dr hayden coh)?

anu ba ang crush para sayo?

buti nalang ang crush ay hindi kasing undefinable ng distant relative niyang si "love". ang crush kasi pwede mong hanapan ng synonym na synonym talaga: paghanga. e ang love? ano bang synonym niya? ang makapagbigay ng synonym na pinakasakto ay magkakamit ng... (get ready)... MASIGABONG PALAKPAKAN!

hindi din kasing permanente ni love si crush. at hindi kasing loyal. kasi pwede kang magkaron ng 1,766 na crush at one given moment pero yung totoong romantic love e isa lang (diumano) at any given time. ang taray no?

pero ang maganda kay crush ay na very versatile siyang gamitin. pwede kang magkacrush dahil mabait. o kaya dahil nakakatawa. or dahil gwapo. or mabango. or dahil matalino. or dahil basta. yung tipong natuwa ka lang. crush mo na. yehey.

anyhoo.

puputulin ko na muna ito. pero ang bottomline: masayang magkacrush. mas madami, mas exciting! hahahaha! parang pringles nanaman. once you pop, you can't stop!

at kaya ko ito puputulin ay dahil pinagagalitan na ako ng nanay ko. pambihira lang.

paalam!

22 comments:

  1. Well said..

    At pag 'crush' hindi masyado nakaka-hurt.
    (...walang pinanggagalingan. wala.)

    ReplyDelete
  2. mandy moore: i got a crush on youhoo...
    haha naalala ko ung night nung practice beng! ;D

    ReplyDelete
  3. hehe... at hindi bawal magka-crush! :D

    ReplyDelete
  4. wahahaha.. aray ko naman. ako madmeng kras ate. super dame.:d parang ikaw ate. madame!:DD

    ReplyDelete
  5. natuwa ako sa blog na toh tlga:D bout kras. yie. isa lang kasi love ko. si JOHN LLOYD!:D waaa

    ReplyDelete
  6. sakin mo pa isinisi ang pagkakaron mo ng maraming krash! ^^,

    ReplyDelete
  7. wahaha.. may kras ako ate na hindi naman gwapo pero kinababaliwan ko:d

    ReplyDelete
  8. masaya mag collect and select!!! ng crush. hahahaha!

    ReplyDelete
  9. waah beebo! nagusap ba kayo nina maffy? kausap ko lang sila kanina.. at crush din ang pinagusapan namin. sabi nila, magkacrush na daw ako na di celeb at kilala naman daw nila.. haha!

    ReplyDelete