example 1. magmemorize ng kanta.
totoo nga no? yung mga paborito mong kanta kayang kaya mong kantahin by heart. sa videoke kapag paborito mo yung kakantahin mo kahit hindi ka na tumingin dun sa screen makakakuha ka parin ng 100 (or 99 para sa mga machine na hindi nagbibigay ng 100). minsan kahit yung mga nakakapesteng kanta na ayaw mo naman namememorize mo na din kasi paulit-ulit (mga tambay lang kameng sawa sa babae...). diba?
example 2. internet.
huwag niyo nang ipagkaila. ang magsabing hindi dito ay mahahagisan ng buhay na granada. aminin naman natin sa mga sarili natin na mas madali talagang maghanap ng chismis sa facebook kesa maghanap ng chismis sa mga textbook mo. mas exciting kasing mang-usisa ng buhay ng mga taong kakilala mo o kakilala ng kakilala mo kesa usisain ang mga chismis na sinasabi ng libro mo. siyempre, applicable sa course mo yung chismis ng libro mo, pero hindi talaga siya kasing exciting nung kapag buhay na tao ang uuriratin diba? parang ewan ka siguro kung ang ichichismis mo sa mga kaibigan mong hindi mo naman ka-course ay mga bagay na hindi nila maintindihan sa abundance ng jargon na gagamitin mo.
example 3. pagkain.
ayan na. ayan na ang pangunahing dahilan. ewan ko ba. e masarap kasi pagkain eh.
example 4. maglagalag a.k.a. lumabas-labas.
diba? mas masarap tumingin sa live action surroundings kesa sa letra at drawing sa libro. kung mejo adventurous ka, sige, pagalawin mo libro mo.
at, ang paborito ko.
example 5. tulog.
WALANG KAKUPAS KUPAS.
in other words: procrastination. haha.
ReplyDeletenot entirely, pero usually. haha.
ReplyDelete