Wednesday, May 12, 2010

eleksyon 2010. wala naman.

kung nakipagpustahan siguro ako, natalo na ako.

parang walang nanalo sa mga binoto kong hindi senador o konsehal.

Gibo at BF. talo kina Noynoy at Binay.
Joey Lina at Ellen Reyes. talo kina ER Ejercito at Cesar Perez.
Copie Alipon at Jericho Ciceron. talo kina Ton Genuino at Baby Sumanguil.

kahit isa sa mga pinili ko wala man lamang nanalo. kung mundo lang ang masusunod, ang tagal ko na sigurong nag-post ng maraming mga sari-saring hater status updates sa facebook. nakakainis man para sakin na hindi nakita ng karamihan sa mga kababayan ko ang mga nakita ko sa mga pinili kong iboto, wala naman na akong magagawa. nakaboto na ako. nakapagsalita na din ako kung bakit ko binoto ang mga binoto ko (hindi nga lang sa internet). walang magandang maidudulot na kung magmamaasim ako at magsusulat ng sunod sunod na reklamo. hindi ako magrereklamo dahil hindi na mundo ang nagdidikta sakin. iisa naman nalang ang nagdidikta sakin.

si Papa God ko na ang nagdidikta sakin.

oo, magkakaron talaga ng katiwalian. magkakaron talaga ng korupsyon. magkakaron ng mga pagkakamali. papano mawawala yun? pag nagbago ng intensyon.

pagbabago ng sarili. pagbabago ng pagiisip. pagbabago ng prinsipyo: magsilbi sa kapwa, hindi sa sarili. yun naman dapat diba?

wala na akong magagawa kundi ipagdasal ang mga tagapanguna natin. ang gobyerno, ang mga mamamayan, dapat nagtutulungan tayo.

let's pray and participate. nakikijoin nga tayo sa mga rally na ang kinahihinatnan e nabubugahan lang tayo ng tubig mula sa fire hose, hindi naman nakinig yung mga gusto nating makinig. nakaupo nga tayo ng komportable sa mga bahay natin at nagsasabi ng mga maling nakikita natin pero wala man lang tayong ginagawa.

let's pray and participate. this will tremendously help our country. let us pray for our leaders. let us not just criticize, but participate. kailangan yun.

i'm sure Papa God want us to all learn something. right now, i'm thinking He wants us to be more prayerful :)

2 comments:

  1. Sa akin din walang nanalo! Arrg.
    Gibo at BF din ako.

    Pati si Papa Adel Tamano hindi nanalo.

    ReplyDelete