may mga kakilala ba kayong ganito? kakilala, hindi kaibigan, kasi hindi naman na kami magkaibigan yata. magkakilala nalang. babatiin mo, ngingiti, hindi magpapasalamat. magtatanong ka, titingin, hindi sasagot. tatawagin mo, titingin, hindi sasagot. may kakilala ba kayong ganun?
hindi ko alam kung may atraso ako sa kaniya. siya, kung may atraso man siya sakin e matagal ko nang nakalimutan. may gusto ba ako sa kaniya? wala naman. may gusto ba siya sa akin? wala naman din ata.
bakit ganun? mahirap bang magsabi ng "tenkyu"? mahirap bang magsabi ng "uy"? limang minuto ba ang sasayangin ng paghehello?
nakakainis lang.
para sayo, hindi ko alam kung mababasa mo ito, pero gusto kong iparating to sayo.
may dalawang bagay akong naiisip na ibig sabihin ng ginagawa mo. pwedeng nahihiya ka sakin, pwedeng natatakot ka sa akin. wala na sa usapan kung galit ka sa akin, kasi wala naman akong ginagawa sayo. hindi ko alam kung anung iniisip mo, pero gusto ko lang sabihin sayong matagal ko nang kinalimutan ang pag-iisip sayo sa mga paraang malandi. matagal ko nang kinalimutan kung may potensyal ka man o wala bilang isang bonggang addition sa buhay ko. pero yung simpleng bagay lang naman na pagbati bakit hindi mo magawa?
bakit, hindi mo ba ako kilala? kung may problema ka sakin, sabihin mo sakin. kasi sa pagkakaalam ko wala ka namang dahilan para magkaproblema sakin.
kilala niyo ba siya? kaibigan niyo ba siya? kapatid o kaklase? anak o kapitbahay?
hindi ko alam. pero pakisabi sa kaniya...
masyado na siyang matanda para umasal ng parang bata.
sino to???
ReplyDeletekwento ko sayo bescham..
ReplyDeleteyes please! kwento!
ReplyDeleterevlon titanium max edition of game
ReplyDeleteA new version of game comes out today ford edge titanium 2021 for used ford fusion titanium PlayStation 4 and Xbox One micro titanium trim for infiniti pro rainbow titanium flat iron $39.99. The titanium nipple jewelry game packs a new version of the classic game in a