Sunday, May 25, 2008

murderous

sa pangatlong pagkakataon sa aking tanang buhay naranasan ko ang sakit at hinagpis na dulot ng isang masahol at tunay na karimarimarim na gupit.

noong linggo, ika-25 ng mayo, taong 2008, naisipan kong pabawasan ang aking buhok ng kaunti dahil may kahabaan na itong muli. nagpunta ako sa parlor kung saan ako nagpagupit ng aking maiksing gupit, umaasang baka sakaling magawan nila ng maayos na paraan ang aking nagrerebeldeng buhok.

gusto ko lang naman ng maiksing buhok na magiging presko sa batok ko. gusto ko lang ng buhok na maiksi at madaling ayusin. hindi ko inakalang MAGLALABAS SIYA NG RAZOR AT AAHITIN ANG MALIIT NA BAHAGI NG BUHOK SA BATOK KO. PAMBIHIRA.

sobrang iksi ng buhok ko ngayon. sabi nila hahaba naman to uli. o sige, hahaba nga. PERO NGAYON MAIKSI PA SIYA.

10 comments:

  1. HAHAHAHAHA! Wag ka mag-alala. Daanin mo na lang sa sumbrero. o kaya babaan mo na lang ang payong pag naglalakad ka. O kaya magbakasyon ka muna, magtago sa bahay at gumamit ng shampoo na pampahaba ng buhok, kapatid mo muna papuntahin mo sa reg mo. HAHAHAHA. Tanung, mahal ba ang peluka?

    ReplyDelete
  2. oh no!!!!

    frankly, i didn't like it that much nung una kang nagpagupit at the start of summer ( i told lelai as much) but i figured you would grow it back before the start of the 1st semester...

    anyway, what's done is done... pahabain mo na lang ulet, beng.

    love ka parin namin, bad hair day (week... month...)and all!!!!

    see you soon! mwah!

    ReplyDelete
  3. hahahha.. natawa naman ako dito beng... hahaha. ano, resbakan natin nagmurder ng buhok mo??? haha. tawagan mo lang ako, samahan kita, kalbuhin natin yon! haha. ;))

    ReplyDelete
  4. hala, naku ikaw naman bakit kasi nagpagupit pa ikaw. di ko ma-imagine na uber ikli ang hair mo sayang naman ung pinastraight mo or kung anu man na treatment kasi nagupit lang pala... pero don't worry nabasa ko pinaka mabilis tumubo ang hair pag summer. e summer ngaun. unti tima lang yan sigurado mahaba na agad yan.

    ReplyDelete
  5. eto: may peluka kami dito sa bahay! MAY BANGS PA! :) bwahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  6. hahaha, ikaw ang unang umayaw sa short hair ko ate, but thanks for being frank :) kung maiksi na nga ung gupit ko nung start ng summer, it's even shorter now. grabe.

    hehehe buti nalang love nyo parin ako! :)

    ReplyDelete
  7. hahahaha, kilay nalang niya ang kalbuhin natin cariz!:)

    ReplyDelete
  8. haha, great idea!!! mas madali yun! haha. ^-^

    ReplyDelete