Saturday, September 6, 2008

dapat hindi na ako nagbablog eh

sa mga pagkakataong ganito (as in late afternoon, malagkit, hindi pa naliligo) naiisip ko ang paliligo sa ulan. parang masarap lumabas sa kalsada at magpakabasa sa naglalagalag na ulan. malamig-lamig pero mainit parin para sa mga taga-temperate countries. o diba?

masarap maligo. i know. yung feeling na paglabas mo ng banyo, pagkatuyo mo sa sarili mo e lahat ng bacteria ng mundo ay nahubo mula sa pagkakadikit sa katawan mo. sarap!

naka-survive ka na ba na more than 24 hours hindi naliligo? kung oo ang sagot mo, alam mo kung anung pinagdadaanan namin ngayon ng groupmates ko. excitement. kalagkitan. like it's so like, like erwwww.

tama na nga. wala na nangyayaring matino sa araw na to.

No comments:

Post a Comment