kapag hindi ka natutuwa sa isang tao o isang bagay na madalas mong makaengkwentro, anung dapat gawin?
siyempre, ang dapat gawin ay matutunang mag-"grin and bear it". grin and bear it. ngumit at gawin itong oso. green and bare it? maging berde at hubaran ito? green and bear it? maging berde at gawin itong oso? grin and bare it? ngumiti at hubaran ito?
pero sa mga pagkakataong mapapaisip ka kung anu bang pinakamasarap gawin, iisa ang sagot ko. SILABAN!!!!
sa mga taong hindi alam ang ibig sabihin ng isa sa mga pinaka-widely used words sa aking bokabularyo (along with "chos", "yon", "ha", "ayos", and so much more) ay "to set aflame". so ibig sabihin mas sosyal siyang version ng sunugin. mas may impact kasi. SUNUGIN! vs SILABAN! i think i like silaban better no?
anu anu bang masarap silaban?
mga teacher na nagbibigay ng maraming requirements na sunod-sunod. parang wala nang kinabukasan. in the immortal words of zara grace felix "LIKE CRAZY". pambihira. alam kong sa tunay na buhay ay maaaring maging ganito din ang palakad, pero tama ba namang hindi magkaron ng kahit kaunting hints of konsiderasyon? pambihira. napakaraming pinagsasabay-sabay namin. dapat sa inyo ay...
SILABAN!
mga notes na nakakairita... ay, wag pala. hindi tayo makakapag review.
dapat ding silaban ang mga taong slow. hindi sa pag-intindi. nakakatawa kasi yun. pero yung mga taong slow makiramdam. hindi kayo cute. hindi rin kayo nakakatuwa. it does not amuse us when you stare stupidly back at us like you're the most innocent being in the entire universe. LIKE CRAZY. ang dapat sa inyo ay...
SILABAN!
ang mga maiinit na gusali sa mahal na yupielbi. alam kong ancient na ang buildings, pero sino bang nagsabing dapat ancient din ang ventilation and aeration system? hindi ba't ang bawat isang tao naman sa atin ay nababanasan sa mga nakakadiring pangyayari sa ating mga buhay? ang lagkit lagkit ng feeling paglabas mo galing sa biosci (kung saan hinohold ang karamihan sa mga klase ko this sem) pati sa ncas 3rd floor (kung saan naman hinohold ang mga klase kong hindi zoo at hindi PE). pambihira lang. dapat dito ay...
SILABAN!
isali na din natin ang mga reklamador na taong kagaya ko. e ano naman kung marami kang papers at exams? at least nakakapag-aral ka diba? e ano naman kung nakakairita teachers mo? at least may nagtuturo sa inyo diba? e ano naman kung mainit ang buildings? kesa naman nagkaklase kayo ng lab na nakaupo sa ilalim ng puno ng balete? e ano naman kung slow umintindi ang ibang tao? e sila yun e, bakit, perfect ka ba?
e ano naman kung hindi nakakatuwa lahat ng bagay sa mundo? hindi ba dapat ikatuwang buhay ka pa at marunong huminga? hindi ba dapat matuwa na in perfect condition ang mga nerve endings at ang special sense organs? hindi ba dapat matuwa na may sweat glands kang gumagana (hindi yata dapat matuwa)? hindi ba dapat matuwang may lafftaff ka at nakakapagmaganda ka sa blog mo?
chos. ako yata ang dapat sinisilaban.
parang yung klasroom natin. na pang 3.5 hours mong lecture hall (pisho+histo+122 combo), i think it came to a point na, mas malakas pa ang ceiling fan kaysa dun sa ancient aircon.
ReplyDeletepyromaniac!
ReplyDeletethat is sooooo true. grabe lang. mas masarap pa kapag bukas yung fan kesa pag yung aircon lang
ReplyDeletehahaha tol hindi na tayo nakapag-cs
ReplyDeleteay tae! oo nga no... tsk... tsk...
ReplyDeletedapat hindi tayo one-on-one tol. panigurado isasnipe mo lang ako lagi. panget.
ReplyDelete