ayan o. diba? nakalatag na nga diyan eh. nakabihadhad na sa ilalim ng araw, kitang kita ng buong mundo, at pwedeng pwede nang kunin, paglaruan, durugin, ibato, ipamigay, etc etc.
kunin mo na! aba naman, ayan na nga o! binibigay na sayo. wala ka nang kailangang gawin. AYAN NA! aba, mas gusto mo yung nahihirapan ka? mas gusto mo yung may posibilidad na hindi maging sayo? aba naman! parang timang.
IYO NA NGA EH! ayan na, iyo na, wala nang kaagaw. nakawin mo na, walang maghahanap. ibulsa mo na, wala namang ibang kukuha niyan! pambihira, anung ayaw mo jan?
dahil ba luma na? dahil ba gamit na? dahil ba napagsasaan na ng ibang tao at pakiramdam mo e para kang aso na tira-tira nalang ang pinakakain?
sigurado ka bang hindi yan bago?
pasensya ka. ayan na nga eh, iyo na nga eh. tapos inayawan mo. ayan na, iyong iyo na, buong buo. tapos inayawan mo. tinapon mo. parang panyo na siningahan lang ng mabilis tapos ayaw mo nang gamitin ulit, kahit pwede namang labhan. parang bumili ka ng ipanema na chinelas tapos dahil lang nagkaron ng alikabok e iiwan mo nalang kung saan para may ibang makakuha?
excuse me naman. kapal din naman ng muka mo.
ang hirap kasi sayo, judgmental ka. ang hilig mo nung ang unang maisip mo yun na agad ang tama. kahit kadalasan naman e mali ka.
ayan, tuloy. akala mo kahon ng nokia 5110. ang laman pala samsung soul.
pasensya ka. kalokohan mo.
saklap. haha.
ReplyDeleteso true ^^,
ReplyDeletetrue story ititch? kasi ako game ako sa 5110. at baka mainis lang ako na samsung soul ang nakuha ko at hindi ang minamahal kong 5110. gusto ko magblog tungkol sa 5110. haha.
ReplyDeleteaabangan ko yan. kelan ba natin papracticin ang production number? eva fonda.
ReplyDelete