Maraming gamit sa buhay ang Zingiber officinale. Pwedeng kilala niyo siya bilang yan, Zingiber officinale, family Zingiberaceae, class Zingiberales, order Magnoliopsida, division Magnoliophyta, kingdom Plantae. Pwede diba? Pwede rin namang kilala niyo siya na ginger, kasi sosyal kayo, English-speaking echos. Pwede din namang kagaya ko kayo at kilala niyo siya bilang... (get ready)... LUYA.
Luya, luya, luya. Sabi sa Bot142 class namin (ECONOMIC BOTANY) napakaraming benefits ang makukuha mo sa luya. May essentil oils (gingerole nga ba yun?) siya na pwedeng maextract parang gamitin sa mga aromatherapy echos saka ipanglagay sa pabango. Dahil din sa essential oils niya, pwede mong gawing flavoring sa pagkain. Diba, kaya ang sarap ng tinola at ng arroz caldo? Pwede mo din siyang gamiting gamot. Yung mga inuubo pwedeng painumin ng decotion ng luya (a.k.a salabat).
Salabat din ang pinaiinom sa mga singers, diba? Kapag may pesteng ehem ang singers, hala, laklak ng salabat! Kapag paos, laklak ng salabat! Siguro magandang gawing business venture yan ng mga singer at managers at producers at recording companies. Salabat soda, salabat candy, powdered salabat (although meron na talaga nito), salabat beer (ginger ale?), magic salabat dust (yung naputok-putok sa dila kapag binubudbod? yung may kasamang lollipop na korten paa?), salabat syrup, salabat gargle.. isip pa tayo.
Pero, bilang isang batang (dalagang?) Pilipino, meron pa akong naiisip na isang gamit ng LUYA. ano ito? ito ay bilang... (get ready)
...PANLAIT.
diba? think about it. dalawa sa mga pinaka-offensive na panlalait sa katawang tao ay maiaattribute natin sa salitang LUYA.
number 1. AMOY LUYA. sa mga taong may "explosive personality" (trans: MAY PUTOK) tinatawag na amoy luya ang kilikile nila o yung amoy na nag-eemanate sa katawan nila. personally, hindi ako nababahuan sa luya, kaya hindi ko magets ito. pero naiintindihan ko naman ang rationale sa likod ng label na ito. parang ganito lang:
GIRL1: Hey, girl! ayun si boy! crush na crush ko yun! let's go watch him play soccer na!
GIRL2: Okay girl! Let's go cheer for him na! malapit na ata them matapos mag-training!
GIRL1: Girl, tapos na sila! HOOOOEMJIIIIII!!!! He's coming this way!
GIRL2: Mag-ready ka na! I'm sure he smells like pawis pero he's still super duper bango! HOEMJI, friend! he's coming this way!
BOY: Hi girls! Kakatapos lang us magtraining! Napanood ba yyou guys me?
GIRLS: Yah! we were, like, so pinapanood you!
BOY: Gosh, najahe naman me! Sige, shower lang me! *sabay stretch ng arms pataas tapos umalis na*
GIRL2: Friend, ang super gwapo talaga ng crushie mo! Kaso...
GIRL1: I know, friend! Pagkatapos ng football practice nila...
GIRLS: AMOY LUYA ANG KATAWAN HIM!
***
kawawa naman si boy, mukang kailangan niya na talaga mag-shower.
anyway...
number2: MALA-LUYANG PAA. sa mga kaawa-awang nilalang na hindi pinagpalang magkaron ng mga mapuputi, malilinis, tuwid at makinis na paa, eto ang tawag sa paa niyo. eto mas madaling intindihin kesa dun sa amoy luya, kasi lahat tayo ay sasang-ayon na panget ang paang mukhang luya. diba? gusto mo ba na mukang dugyot yung paa mo tapos baku-bako, nangingitim, at mukang galing sa putikan? parang ganito lang...
BOY1: Pare, there's this girl, pare, and she's like soooooo hot, pare. She's in all my classes, pare, and she's, like, soooooooo ganda, pare!
BOY2: Yah, i know, pare. She looks like a goddess, pare, kahit she's always in a t-shirt and jeans, pare.
BOY1: Pare, we're going to have a beach outing in our class, pare! And I get to see her in beachwear, pare!
BOY2: Cool, pare! Take picture, like, of you two, pare!
*sa beach*
GIRL: Hi, i think we're partners sa activity natin today *smiles*
BOY1: Hi, girl, yeah, i think we're, like, assigned to be partners, like, today! So, like, can we, like, take a picture?
GIRL: Uh, sige
BOY1: Sige, I'll just, like, get my camera. *lumuhod si boy1 para buksan yung bag niya at kunin ang camera. nakita niya ang feet ni girl at biglang...*
BOY1: Uhhh, sige let's take a quick picture *at pinicture-an ang muka nila ni girl. nag-ring ang cellphone ni boy* Wait lang a, I have to take this call.
BOY2: So, pare, like, what happened, pare?
BOY1: Pare, it's, like, so kadiri, pare! She's like so maganda talaga, pare, and she's, like, so mabait!
BOY2: O, so what's, like, the problem, pare? What's so, like, kadiri, pare?
BOY1: Her feet, pare! It's, like, MUKHANG LUYA!
***
tisktisk.
pilipino nga naman.
pag nakakaapak ako ng paa, parati kong nasasabi (minsan nagdududa ako kung kapilyuhan ko nga lang ba talaga iyon o katotohanan) "ay sori, akala ko luya".
ReplyDeletehahaha. ay lab da magic salabat dust. :D
ReplyDeleteAng galing. Sana mahalin ng marami ang mga halaman. Dont cha.
ReplyDeleteayun. usapang boy and girl nanaman. how is miss them. hindi ko na nakikita si boy. haha.
ReplyDeletebebeng talagang naiisip mo mga ganyang bagay noh?
ReplyDeletehuwaw. aylabit beng :D hindi ko alam ung amoy luya. alam ko lang ung sa paa. ;D
ReplyDeleteako yung amoy luya yung una kong nalaman :)
ReplyDeleteisa kang tunay na balahura. hahaha :)
ReplyDeletei know right? hahahaha :)
ReplyDeleteapir joald. dont cha
ReplyDeletehoyes. nakakamiss ang chismisan sessions na nagdidisguise bilang SP-mode
ReplyDeleteoo naman mati :) kailangan yan sa buhay :)
ReplyDeletemay kilala ako sa biosci na amoy luya na, mala- luya ang paa at mukha. hahahahaha!
ReplyDeletehahahaha!
ReplyDelete