Wednesday, March 25, 2009

hindi ko na alam kung anung tv show ang bagay ipang-title sa mga ganitong pangyayari

iisa naman ang kinababaliwan ko ngayon eh.

hindi tv. hindi cellphone. hindi lalake. hindi movies. hindi music. hindi artista. hindi chismis. hindi football. hindi softball.

e ano?

THESIS.

kaunti nalang talaga ihahagis ko na ang sarili ko kasama ang aking laptop at mga papeles pababa ng hagdan namin. although hindi naman yun nakakamatay. parang enjoy lang gawin kapag frustrated na frustrated na.

hindi ko na magets kung anung kailangan ko ilagay. hindi ko na alam kung anung kulang. hindi ko na maintindihan kung anung problema ng corrections na yan. pambihira. e bakit yung mga pinagpapatternan kong theses ganun naman itsura pero bound na? anung kalokohan naman..

aalis na ko sa sabado. hindi ko na mahahawakan for real yung mga papel na may correction. hindi ko mawiwitness ang pagpiprint at pagbabind ng thesis ko. hindi ko na talaga maintindihan kung anung dapat kong gawin. magpapasukat daw ng toga bukas. leche, e hindi ko nga alam kung gagraduate ako. hinde, GAGRADUATE AKO NGAYONG APRIL 25 2009. GAGRADUATE AKO.

hindi ko na talaga maintindihan. iiyak nalang ako. leche talaga.

2 comments: