Sunday, March 1, 2009

wala nang chocolate

nabalitaan kong nagpa-hikaw ang isang kakilala ko sa kaniyang utong. oo, sa nipples niya. no idea kung left o right, but who cares? anu bang sense ng magpapapierce ka somewhere other than your ears?

una, bakit nga ba nagpapabutas ng tenga? sa babae gets ko eh, para makakapag-earrings ka. kasi ang pretty ng may earrings. pearl, crystal, diamond, clay, plastic, emerald, silver, gold, at marami pang iba; pwedeng pag-halu-haluin depende sa mood. pwedeng hoop, button, dangling, chain, assymetric, at sari sari pa. yung tis-isang butas sa bawat tenga carry pa. pero more than that e nanlalaki nalang ang butas ng ilong ko.

don't get me wrong. hindi ko sinasabing kapag may multiple piercings ka e panget ka. gets ko naman na astig siya for some people. at sa ibang cultures ay todo ang pagbubutas nila ng katawan. ang sinasabi ko lang e hindi ko siya feel. baka tuktukan niyo ako ha, kasi dalawa butas ng tenga ko sa kaliwa. oo, admitted. nagkaron ako ng ilang sandali ng ka-"astig"-an nung grade 5 ako. pero nagsara na siya :)

anyhoo, back to body piercings. ayun, nagpapierce siya ng utong niya. ang tanong: sa opisina/school ba ay ipakikita mo sa madlang pilipinas na hinihikawan mo ang nipples mo? pano nalang kapag manipis ang shirt mo at nakalimutan mong tanggalin ang hikaw? example ng eksena:

*boylet, naka-shirt na manipis. pierced ang nipples niya.*

girl1: hey, friend! look at that boy o! he's, like, so hot! like, he's so gwapo!

girl2: hay nako friend! tingnan mo nga! ang nipis nipis ng shirt niya, takabs gnotu naman! ewwww, aroused si kuya wala pang nangyayaring masama?!

*end scene*

9 comments: