Tuesday, February 2, 2010

agham at m2m

isa sa pinaka-memorable na teachers sa akin ang science teacher namin from grade 5 to grade 6. siya ay si sir gideon cavida.

si sir cavida ay isang malaking lalake. mabilog, matangkad, malaki ang mata, may malaking nunal sa muka, loud and booming ang boses. imposing personality siya. nakakatakot para sa mga batang estudyante. idagdag pa natin na galit talaga siya sa maingay. nampaparusa talaga siya to the highest level.

magaling magturo si sir cavida. sobrang nahumaling ako sa science nung grade 5 at grade 6. malay ko ba sa mga volcano at mountain. malay ko ba sa human body. malay ko ba sa mga atoms. malay ko ba sa nature. in other words, malay ko ba sa science?! pero, dahil kay sir cavida, nagkaron talaga ako ng maraming malay sa science. kaya nga ako nagdodoktor ngayon eh :)

anyway. naaalala ko nung grade 5 kami. first year of teaching yun ni sir. nagalit siya samin nung at ang ginawa niya pinatayo niya ang buong klase with arms raised straight up in the air at nakatingala kami. imagine, parang superman pose pero nakatayo. ganun. tapos isa-isa niya kaming pinaupo, depende sa lebel ng ingay na ginawa namin. mejo nangangalahati na yung klase nung tinawag ako.

kay sir cavida ko unang natutunan ang basics ng human body. naaalala ko, bago niya kami pagreportin tungkol sa mga body systems, natanong ko siya ng "sir bakit po ang pagkain matagal bago mai-tae?" ako din pala ang sasagot sa tanong ko. dahil sabi niya "wait for the topic about the digestive system." at kami pala ang magrereport. dun ko natuklasan ng mahaba pala ang small intestines ng tao at na naiimbak pa pala sa large intestines ang digested food material dahil dinedehydrate sila dun partially.

kay sir cavida ako unang nagkaron ng interes sa chemistry. meron siyang game noon sa amin. yung paunahan makahanap ng element sa periodic table. na-aliw ako sa mga elements at sa mga pangalan nila. hanggang nung high school (at hanggang ngayon) favorite ko parin ang chem.

dahil din kay sir cavida kaya ko naranasan ang huling paglulumandi ko nung elementary school at ang unang experience kong malungkot dahil sa crush. oo, friends. elementary palang ako naglulumandi na ako. grade 1 palang ako may ka-m.u. na ako. kabog. pero nung grade 6 e humaba talaga to the highest level ang hair ko.

ang pangalan niya ay kai barner (friends kami sa facebook). transferee siya nung grade 5. hindi kami nun magka-section. si Ephesians siya nun, adviser niya si mrs. policar. ako Philippians, adviser ko si mrs. amoranto. pero naging magkaklase kami nung grade 6 kay mrs. correa. aaminin ko namang cute si kai noon. ngayon hindi na siya kasing cute nung dati eh. hindi ko siya masyadong crush noon. pero naging crush ko din siya nung nagtagal. hehe.

buong batch namin nun hindi alam kung sino ang crush ni kai. hula namin yung isa siguro sa magagandang batchmates namin (ex. roselle arcillas, nica yan, sarah garcia) dahil, siyempre, sila yun. hindi naman ako kasi kasali dun sa barkadahan ng magagandang babae at pakiramdam ko dati kasi isa akong chakabelita.

naging groupmates kami ni kai nung first at second quarter sa science. dun kami nakaupo sa table na pinakamalayo sa blackboard sa science lab. magkaharap kami nun. isang beses, hindi ko alam kung pano nag-umpisa, nag-passing notes kami sa klase kung saan puro panlalait ang ginagawa namin sa isa't isa. andun ang mga bagay tulad ng
  • "you were spit out by a volcano" (sakin)
  • "your mother was a test tube" (kay kai)
  • "nerd" (sakin)
  • "geek" (kay kai)
o diba? hanep kami sa paglalaitan. isang beses, naisulat ko pa nga "gerk" dahil hindi ko alam ang spelling ng jerk noon. tinawanan niya ako ng malakas.

anyway, anung significance ni sir cavida sa kwentong ito?

ganito yan. last few weeks ata yun ng second quarter namin, at wala na masiyado gagawin sa science class. napagtripan ni sir cavida na maglaro kami sa klase. ang game namin, yung pasahan ng bola habang nakanta. kung kanino tumapat ang bola pag-end ng kanta, merong sasagutin yung taong yon na tanong. so ok, go! laro!

ngayon, nasaktuhan dun sa last round na si kai ang mabagsakan ng bola. yun naman! dahil shy type ako, hindi ako ang nagtanong siyempre. pero hindi naman maiiwasang may magtanong sa kaniya.

dalawa kaming nililink sa kaniya noon. ako yung isa. yung isa si pamela jopia, classmate din namin. hindi ko alam kung sinong mas matindi ang pagkacrush kay kai noon. siguro si pam, kasi grade 5 palang may crush na ata siya nun kay kai. o baka naman ako. ewan. anyway. ayun. si pam.

hindi ko na din matandaan kung sino yung nagtanong, pero ang tanong niya ay ito: "who do you think is prettier? bebeng or pam?"

at siyempre, ang nahihiyang batang lalake ay ayaw sumagot nung umpisa. pero, dahil wala na siyang magagawa ay sumagot siya. hindi ko narinig ang sagot niya dahil biglang naghiyawan ang classmates, pero, apparently, ang sagot niya ay... (get ready) ... BEBENG.

yun naman.

so, with this knowledge, excited akong pumasok ng second sem namin. hindi naman mahaba ang sembreak namin nun eh. parang long weekend lang. so ayun.

nagpalit na ng seating arrangement sa klase. napakaconvenient na dapat ay nasa may bandang unahan ko lang si kai, katabi siya dapat ni valerie cariaga. kaso nung first day of classes wala siya.

dumating ang second at third at fourth day. wala parin siya.

yun pala, bumalik na siya sa states. lungkot.

naalala ko lang. nakita ko si kai ulit sa facebook. hindi ko alam kung tanda pa niya ako. pero ayun, siya ang dahilan kung bakit ako napakanta dati ng "the day you went away" by m2m.

9 comments:

  1. hahaha! :) nice one... friends ba kayo ni sir gideon cavida sa fessbuk? :p
    ako naman, yung science teacher ko nung grade4 -- si sir nazareth (i cannot remember his last name). magaling din siya magturo ng science, pero sa kanya ko nalaman ang difference ng british english at american english. nung nagvo-volleyball kami at pumasok ang bola sa classroom niya, sinarado niya ang pinto nang hindi binabalik ang bola sa'min. winner. :p

    ReplyDelete
  2. yes, friends kami sa fezbuk ni sir cavida :)

    merong certain na ka-winneran ang science teachers natin no?

    ReplyDelete
  3. ahihi. :) yes yes... at napansin mo bang hindi ako nag-comment tungkol sa midnight rule material na ito? --> GROWTH! :p

    ReplyDelete
  4. OMG!!! nakakatuwa!! nung grade 6 din tayo nagkaron ng special bond!! dun mo ko unang naging sister!!! ilang evolution na ang pinagdaanan at ngayon cisternae na ako. hahaha!

    so anyway, kamukha pa rin nya yung dating kai barner pero!!!!
    nag-mature.

    at kay sir cavida, i hate him. i hate his guts. magaling nga sya and all. pero ang discrimination ha.. hmmmm.

    ReplyDelete
  5. kamuka ba? well.. kamuka parin, pero mas cute yung dati :D

    nakakamiss!

    ReplyDelete
  6. o diba yams? grade 6 palang ako naglulumandi na ako :)

    ReplyDelete
  7. haha bebeng natawa ako i like "chakabelita" haha

    ReplyDelete
  8. hay nako matilde! hindi ka nagpaparamdam may ipapaliwanag ka pa! :p

    ReplyDelete