Thursday, August 28, 2008

recording artist!

actually, isa sa mga pangarap ko ang maging recording artist. pero hindi yun ang gusto kong ikwento ngayon. ang ikukwento ko ay ang adventures ng grupo namin sa PI 100 sa pagrerecord ng presentation namin. hahaha.

nung una akala namin seven lang kami sa grupo. ako, si alex, si mariel, si abet, si irene, si mark, at si choles. pansinin natin ang kawalan ko ng paggalang sa kahit sino mang mas matanda sa akin sa kanilang lahat dahil hindi ko naman alam kung anung batch nila. anyway...

ayan, groupmates kami sa PI at kahapon kami unang nag-meet at nagrecord. august27 2008. tungkol sa kababaihan sa noli. ang dumating lang nung gabi a anim, hindi kasama si mariel. so kaming anim lang ang nag-record. nakakatawa kami. para kaming mga timang. hindi ko alam kung anung nakakatawa sa mga nasa script namin. hehehe, actually alam ko. chos.

ayan. hinding hindi kami maka-recover sa pagtingin ni mark kay irene tuwing sasabihin ni mark yung "honey". e hindi naman siya makikita. pang-emote? hahaha.

hindi din kami maka-recover sa oscar-winning delivery ni albert sa lines ng asawa ni sisa at ni basilio. winnerest.

and, opchors, dabest ang pagsasabi ni choles ng kaniyang most memorable line:

"hoy bitch. wag kang magmaganda diyan."

sayang eh, wala ako nung banahaw. badtrip.

4 comments: