Thursday, August 7, 2008

smells like... fun!

ilang beses niyo na naexperience yun? yung masaya at matiwasay kang naglalakad sa isang matahimik na lugar. ngingiti-ngiti ka pa kasi parang walang pwedeng sumagabal sa kagandahan ng araw mo. nang biglang... TEN TENENEN!!! may isang walang kasing salaw na amoy kang naamoy! yung tipong haluhalong kabahuan ng buong mundo e andun sa iisang experience na yun. o diba?

maraming pagkakataong naranasan ko yun sa loob ng minamahal nating gusaling itago na lamang natin sa pangalang INSTITUTE OF BORROWING AND SHARING. wala lang. naglalakad ka sa isa sa mga pasilyo nang biglang BOOM! smells great!

may lunas ba ito? aba, malay ko. minsan wala na tayong magagawa kung hindi magtakip ng ilong at mag-isip ng iba pang mas masasayang lugar. kaso nga lang e araw araw naman kinakaharap ang ligayang tinatawag nating INSTITUTE OF BORROWING AND SHARING. kaya, well... magdusa nalang tayong magkakasama.

mwah.

16 comments:

  1. hahahaha itinago mo pa sa pangalang institute of borrowing and sharing!! hahaha! yuck! mabaho ba? eeeww!

    ReplyDelete
  2. hindi mo pa naeexperience... dumaan ka sa lugar na itago nalang natin sa pangalang "pakpak ng mga magaaral ng mga maliliit na hayop na kadalasa'y pinapatay gamit ang kemikal na BAYGON"

    ReplyDelete
  3. WING A 3RD FLOOR BIOSCI! hahaha.
    madalas ko naeexperience yan during my paras days. hahaha!

    Grabe brahader parang lahat na yata ng kamalasan naexperience mo na.. mabahong amoy, nakakaumay na kaklase.. what more can u ask for? :)

    ReplyDelete
  4. ahahahaha! bebeng. winnerest ka talaga! haha

    ReplyDelete
  5. teka? ano ba yang karumaldumal na amoy na iyan?? galing sa isang taong salaula? o formalin lang naman?? hahaha!

    ReplyDelete
  6. none of the above. salaulang mga hayop. hahaha. at mga gamit panghanda ng mga sections at mga specimen. ang taray. amoy kaasimang walang maliw.

    ReplyDelete
  7. nako brahader. mabuti kung third floor lang. BUT NO!!!! 2nd floor gets the blue ribbon! pagpasok mo galing sa likod (yung sa may lib) e walang kasing fantastic na samyo ng mga sari-sarinf kemikal ang sasalubong sayo. ARRIBA!!!!

    ReplyDelete
  8. hay nako chuchy. wag mong sabihing lingid sa kaalaman mo ang pambihirang ligayang makukuha mo sa paglanghap ng in-house pollution ng biosci?

    ReplyDelete
  9. so first floor na lang pala ang amoyless. hahaha!

    ReplyDelete
  10. eewwww.. buti na lang pag napapadalaw ako jan, andun lang tayo sa labas. hahaha!!

    ReplyDelete
  11. but wait. there's more! may mga panahong hindi rin nakakaescape ang sinasamba nating first floor ng wingA! may mga pagkakataong may mga pusang nagiiwan ng lagim nila. lo and behold! the SAMYO of the century!

    ReplyDelete
  12. hahahahaha :) i-try mong huntingin ang source!

    ReplyDelete
  13. blame the genetics majors, micro majors and zoo majors. sila lang naman may kagagawan ng sarisaring amoy eh! hahahahahaha!

    ReplyDelete
  14. ooooooops tayo pala yun erase! hahahahaha!

    ReplyDelete