kunya-knuyariang timeline ng mga nangyari kahapon. o e ano naman ngayon kung hindi accurate ang impormasyon ko? basta.
12:03am - kakatapos ko lang ata nito maligo. at busyng busy ako sa panonood ng powerpuff girls. napicture-an ko ang ilang mga sandali ng kakyutan ni buttercup. pero alam kong kebs lang kayo.
1:00am - o alinmang oras na kalapit lamang niya, dagdagan o bawasan ng labinlimang minuto. hibernate na.
4:30am - nagising ang diwa ko dahil natandaan kong SP day na namin. huwaw!
5:00am - bihis at handa na. kaso wala pang gising at hindi ko alam kung asan ang susi. tulog uli tayo...
5:27am - nahanap ang susi. lumabas ng bahay, nagpuntang mercury. NANG BIGLANG...
5:35am - NAIWAN KO ANG POMELOOOOOO!!!!!
5:47am - nakauwi, naghintay ng magbubukas ng pinto. nakuha ang suha matapos ang ilang sandali ng paghihintay at pagtambay sa labahan. umalis, nagpuntang headhouse. time to shine!
5:50am-3:20pm - nakakulong sa loob ng headhouse. mabuti nalang pwede na magbukas ng fan. compute ng formulation. compute ng kung pano mag-eextract ng pectins. compute ng kung pano gagawa ng cimetidine suspension. compute compute. ayan na si mam dee. ops. paalis na din pala siya. ayan... magpapaulcer na ng daga. chenenen... isang oras... ayan, treatment naman...
sa gitna ng 9:00am at 10:00am - nakapatay ako ng daga dahil sa paggagavage ng pectin solution. hinding hindi ko na ito uulitin.
tapos nun isang oras nanaman at pinatay na sila. huhuhu. tapos binuksan, kinuha ang stomach fluids, inexcise ang stomach at duodenum. ayan.
1:50pm - lunch! care of tita melba's (the official take-out pipol of Zoo120 ST-2L groups 1and3). yummehhhh.
2:20pm - clean up. pack up. linis. pero teka. najejebs na us.
3:20pm - nakapagbayad partially kay ellabebeh. pumuntang church. nakajebs (sa wakas!). nagpraktis. but wait!
3:49pm - HINDI MAKAHINGA ME!
hanggang 5:30 pm - HINDI PARIN ME MAKAHINGA!
hinatid pauwi [salamat ron :)]. naligo. dinala sa ospital. naresetahan. bumili ng gamot.
11:15 or so pm - tapos na ang araw ko.
sa palagay ko bebeng, kung matutuloy ka magmed, IMPOSIBLENG IMPOSIBLE na hindi ka na mag gavage. ok lang yun, it happens. at bakit hindi ka makahinga?
ReplyDeletehay, onga e. kaso ibang organismo naman ang gagavage-in ko. pambihira.
ReplyDeletehindi ako makahingang maayos kasi meron akong hika-like condition na nangyayari din naman sa ibang tao, kaso masyadong frequent sakin. nagcoconstrict daw ang aking bronchi kaya binigyan ako ng... BRONCHODILATOR! o ha, parang pisho lang.
bongga ka talaga bebeng. mydriasis nanaman itich.
ReplyDeleteaba, talaga naman. hahaha
ReplyDeletemali ata ako sa exam dito sa mydriasis. imbyerna.
ReplyDeletehahaha. bading ka alou :)
ReplyDelete