Friday, November 7, 2008

katangahan sa airport

hindi naman siguro talaga magandang excuse ang kasalawan ng security sa pilipinas para maging anga-anga. ganito ang kwento.

sa backpack kong kulay blue, laging nandun yung pabango kong pink. "my desire" ng victoria's secret garden. amoy mangga at bulaklak siya kaya mabango. malaki ang bote at marami pang laman. nung paalis kami papuntang thailand, nakalagpas ang pabango ko sa mga x-ray x-ray echos ng PAL airport. ok. so carry lang, nakarating ng thailand si pabango ng walang nangyayaring masama. nagamit ko siya ng matiwasay at nabawasan din naman kahit papano.

ngunit, sa aming pag-uwi, muling skinan ang bagahe namin sa gate papunta sa waiting area ng gate d7 sa bagong airport sa thailand. at doon, matapos lumabas ng bag ko, kinuha ito ng babaeng nag-scan at iniluwal ang lahat ng laman nito. ang libro ko, ang band-aid ko, ang facial wash, lip balm, deodorant, marker, bolpen, at ang mahiwagang pabango. isinauli niya sa bag ang lahat MALIBAN sa pabango. at doon, ipinakita niya sakin ang intensyon niyang itapon na ang pabango ko sa basurahan dahil iligal ang magdala ng ganung karaming liquid na chemical sa plane.

masarap sisihin ang airport sa pilipinas dahil, in the first place, dapat doon palang ay hindi na nila pinalmpas ang pabango ko. dapat sa pilipinas palang hinold na nila yung pabango, or pinalipat sa mga check-in baggage. pero pinalagpas nila ang dambuhalang bote ng pabango na sangkatutak pa ang laman. yan tuloy, sa thailand pa naitapon ang aking mahiwagang pabango. hindi ko maintindihan ang airport ng pilipinas. hindi ba sila natatakot na baka yung mga kemikal na laman ng mga bag namin ay explosives pala in disguise as a fragrant pink liquid in a bottle of perfume? o baka sadyang anga-anga lang talaga sila. ewan. panget.

pero, sa kabilang dako, kasalanan ko din yun. kasi alam ko naman din na bawal yun. pero ginawa ko parin. smart no?

lahat ng ito ay naalala ko dahil kumain ako ng mangga. akalain niyong 40pesos na ang isang pirasong mangga ngayon?

pambihira.

29 comments:

  1. haha,this is the reason why de le paz got away with that 105,000 euros..
    akalain mong sa Moscow pa siya nahuli? and pauwi na ha..
    palusot nila sa ibang country probably kinuha ang money. ha!
    airport security in the philippines sucks!

    ReplyDelete
  2. btw, Thailand is beautiful di ba? hehehe.
    shopping galore. hehe

    ReplyDelete
  3. yung nipper ni papa nakalusot sa naia. sa hongkong kinonfiscate. hahaha

    ReplyDelete
  4. magandang pagsaulian ang mga bagay-bagay. magaling bebeng. saludo ako sa yo.

    mahal na lahat nagun, maliban lang sa fishball na 50cents pa rin per piraso. kaloka na itech! ho ho ho... :)

    ReplyDelete
  5. hay nako.. mali ka rin eh.. alam mo dapat mong ginawa?? dapat bago muna nya tinapon sinabi mo "wait!" sabay kuha ng pabango at pinabanguhan mo ang sarili mo ng matibay na matibay.. pati na rin ang mga tao sa paligid mo.. pati na rin dun sa babaeng nagiiscan... pagkatapos "you can throw it away."

    hahaha!

    ReplyDelete
  6. Pero bading alam mo, pinalampas kami sa airport ng NY na may hand-carry (may 3 or 4 bottles of perfume yun). Kaso, naka-box pa sila and all kaya siguro pinayagan kami na dalhin. Hmm. Nakakainis parin talaga airport security natin. =3

    ReplyDelete
  7. 50 ml lang yata dapat. mas maganda i freeze dry mo muna yung victoria's secret mo, hanggang sa maging albatross na sya tapos iliquefy (whatta term) mo na lang pagdating mo sa destinasyon mo. haha.

    may pa-amoy mangga mangga ka pa kasi nalalaman. mas mabango kaya kung mag- amoy aplaya ka na lang! hehe!

    ReplyDelete
  8. very beautiful :) at oo shopping galore talaga. nakakamangha.
    onga eh, ang chaka talaga ng security sa airport. baduuuuy. hindi malayong ma-terrorize tayo sometime in the future.

    ReplyDelete
  9. ang saya no? yung scalpel blade ko pinagkaabalahan ko pang alisin sa wallet ko eh

    ReplyDelete
  10. siguro kaya lalo nasarap para sa mga tao ang fishball ^^,

    ReplyDelete
  11. ang drama! dapat nga ginawa ko yun! hahahaha!!!! :D

    ReplyDelete
  12. ganun nga ata. or baka 100ml or less yung pabango niyo. yung akin kasi isang dambuhalang bote :)

    ReplyDelete
  13. 100ml wanfeng. liquefy. ang terms mo e pambihira.

    amoy aplaya rulezzzzzzz hahahaha

    ReplyDelete
  14. so ano moral lesson sa istoryang ito?




    wag magdala ng ga-1.5 L na bote ng pabango...
    mga 10 ml lang ok na...
    ;P

    ReplyDelete
  15. tawa ka dyan...
    masama ka...
    my turn...
    haha!
    ;P

    ReplyDelete
  16. hehe!
    kumusta naman yang hairdo mo...
    malandi ka...
    :D

    ReplyDelete
  17. anu pa bang bago dun? malandi talaga ako.
    echos.
    hahahaha ^^,

    ReplyDelete
  18. haha!
    nice!
    pero in fairness tol...
    bagay...
    ;D

    ReplyDelete