nung mga nakaraang sem, pag tinatanong ako:
"uy beng! o, kumusta ang lovelife?" o kaya "o, may boyfriend ka na?"
ang isasagot ko:
"nako wala! wala yan sa plan of study!"
sabay tawa. minsan may kadugsong pa: "kailangan pa ng change of plan para magboyfriend. kakatamad maglakad nun!"
ano ba ang plan of study? yun yung ginagawa ng majoring students pagkatanggap nila sa kanilang major option. isinasaayos nila ang mga subjects na kukunin nila for the coming semesters. dun din nila pipiliin kung thesis ba sila, all course, SP, o practicum. ganun. yun ang silbi ng plan of study. inaayos nito ang potentially walwalish world of college. at totoo namang nakakatamad maglakad ng change of plan. hahagilapin pa ang adviser, ijajustify pa kung bakit magpapalit, etc, etc. kakatamad yun.
well, bakit ganun ako sumagot? totoo naman kasi. wala yun sa plan of study. walang BOYFRIEND 174 (course title: boyfriends and pests) na subject na pwedeng kunin o kaya naman e GIRLFRIEND 120 (course title: the female physiology during the monthly period). walang subjects sa college na RELATIONSHIPS 200 (thesis, 6 units) kung saan bibigyan ka ng boy or girl of your choice at magrerelasyon kayong legal. kumbaga, yun ang thesis, makikipagboypren at gelpren ka. walang ganun eh. saka bawal pa, friends. gusto ng mga magulang ko gagraduate muna ako. ako din gusto ko yun no. kaya ang sagot ko pag tinatanong kung kumusta ang lovelife o kaya kung may boypren ako ay...
"wala sa plan of study!"
siyempre, mga kaibigan ko madalas ang nagtatanong nun. kaya laking gulat ko nalang kanina nung sinabi sakin ni zane na may nag-circulate daw na message na nakaabot sa kaniya dati na parang ganito:
quote of the day: "uy, may boyfriend ka na?" "wala! wala yun sa plan of study!" - Felicitas Jean "Bebeng" Palis.
parang ganun.
hoemji. kalebel ko na ba sina mitch albom, pablo neruda, paolo coelho, bob ong, ang mga musicians at singers, at si mam mendioro para magkaron ako ng quotable? pambihira, mas mamamangha ako kung marinig ko sa kung saang lugar ang isang usapan na gagamitin ang linyang yun. kunyari nasa makati, kumakain sa old spaghetti house ang magkaibigang matagal hindi nagkita...
"uy, friend! kumusta ka na?"
"eto, friend, ok naman ako! busy parin sa school, you know, as usual. requirements are piling up, like, you know? it's so, like, dami na and it's mejo nakakaloka na like crazy! ikaw, kamusta, friend?"
"hay, friends talaga tayo, friend! ganun din! school ng school! lunod na sa papers at sa mga readings na walang maliw! hay. o, teka, kumusta pala kayo ni [insert name of boy]. kayo na ba?"
"hay, nako, friend. wala siya sa plan of study!"
ay! like crazy lang, pilipinas. like crazy!
ilang units ka na lang ba this sem? 13? ayun tamang tama. i-extra course mo na lang, anyway last sem na naman eh.
ReplyDelete10units :) hahaha, extra course? nah.. wala yun sa plan of study jastin ^^,
ReplyDeleteayos yun..magamit nga next time....hahaha! ^_^
ReplyDeletehoemji gall bradder!! see pati hoemji mo nagaya ko na.. nakakabaliw naman ang blog mong ito!!
ReplyDeleteKapag ako naman tinatanong kumusta lovelife sinasagot ko
"You have zero balance left in your account." diba parang load lang. hahaha! minsan dinudugtungan ko pa
"tsaka na ako magloload.. pag may pang-unli na."
diba ang draaaaamaaaaaa? abwahahahaha!
haha!
ReplyDeletewinner tol!
goodluck!
;D
remember to credit the source! palis 2006 yun! hahaha!
ReplyDeletedrama. madrama ka cisternae. MADRAMA!
ReplyDeletepambihira
ReplyDeletehaha!
ReplyDeleteok ok..hahaha! ^_^
ReplyDelete