Tuesday, November 18, 2008

tantrums si lola

i never got why couples fight in public. i mean, why would you want to display your violent disagreements for all the philippines to see? bakit naman kailangang ipakita na hindi ok sina gelpren at boypren sa mga pampublikong lugar, katulad ng kalsada, sakayan ng jip, public toilets, restaurant or fast food joint, etc? tama ba yun friends, i ask you. TAMA BA YUN?

may kwento ako. last week galing ako sa school at pauwi ako nung hapon. as usual, sasakay ako ng jeep sa may goldilocks nang maabutan ko ang magsing-irog na nakatayo dun sa kung san ako usually natayo. oo, pagaari ko ang spot na yon kahit hindi nila alam. ngengelam kayo.

parang ganito ang eksena:

si ate ay nakatayo sa taas ng sidewalk habang si kuya ay nandun sa improvised kanal sa gilid ng kalsada. parehas nakakunot ang noo nila at si ate ay may irap-irap effect pa. si kuya naman hawak ang kamay ni ate-with-irap-effect pero si kuya ay mukang handa nang sumuko. anyway, hindi ko naman pinakinggan yung usapan nila. people watching lang ako. pero may nangyaring talaga namang kahit hindi na ako makinig ay tunay na kamangha-mangha.

alam niyo yung ginagawa ng mga batang nagtatantrums? yung nagpapadyak ng paa with fists clenched at the sides of the body?

ABA TEKA! GUMANON SI ATE!

kailangan ng tantrums? or, for a better question, kailangan magtantrums ng isang college student sa kalsada kung saan maraming makakakita sa kaniya? kung saan pwedeng makita sila ng mga barkada ni boypren or ng mga may krash sakaniya? kung saan pwedeng makita ng mga taong ito ang ka-turn-off-turn-off na behavior ni ate?

sabi sa animal behavior namin last sem, hindi daw parehas ang animal behavior sa human behavior kasi ang humans ay highly developed na ang brain, kaya capable of making rational decisions, suppressing natural urges, etc.

in the case of ate-with-irap-and-tantrums-effect, ang tanong...

TALAGANG HIGHLY DEVELOPED NA BA ANG BRAIN MO AT CAPABLE OF MAKING RATIONAL DECISIONS KA NA?

like crazy!

14 comments:

  1. haha.. haha.. maybe yes.. kea lang di pa marunong magkontrol ng ang-ger ang "batang" yun.. :D

    ReplyDelete
  2. hehe.. ako kanina lng sa makati.. naka stop ung 2 cars mejo trffic nga e.. tas nag sisisgawan.. hahah.. nahuli ata c misis

    ReplyDelete
  3. minsan tlga pag galit ka, natatanga ka... kaya ganun... ^_^

    ReplyDelete
  4. TEKA TEKA TEKA... mag math11 tayo..

    si ateng nag tantrums = yung padyak with fist clenched at sides

    tantrum = questionable brain development..

    *at bebeng, ating tandaan last sem kung sino ang mahal na mahal kong guro na nagpasimula ng THE WORD at mahilig magpadyak padyak with fists clenched at the sides effect.*

    i therefore conclude

    mahal na mahal kong teacher = questionable brain development.

    wow, this so explains a lot of things. hahaha.

    ReplyDelete
  5. ay ganun? well, at least sila may proteksyon ng kotse. sina ate at kuya ay live na live na nagbabangayan sa kalsada :)

    ReplyDelete
  6. pambihirang pating. pati kalsada ginawang location eh

    ReplyDelete
  7. bwahahahaha!!! it's the padyak-padyak effect! THE WORD!

    ReplyDelete
  8. pretty girl pa naman sana si ate. tisktisk.

    ReplyDelete
  9. buti nga walang violence no!!
    ibang level kaya ang mga nasaksihan natin nung high school!!
    may violence!! may murahan pa.

    o kilala mo na tinutukoy ko! haha!

    ReplyDelete
  10. ay! kilalangkilala! violence to the maxxxxx!

    ReplyDelete
  11. minsan nga may iyak effect pa at pag matindi talaga with matching hagulgol pa! dati may nakita akong nage-lq nun, sa biosci pa

    ReplyDelete