mahilig ako mag-isip. kahit minsan parang eng-eng lang ako at parang lumilipad ang utak, mahilig talaga ako mag-isip. siguro kaya sinasabi minsan matalino daw ako. hindi ako matalino, sa tingin ko. mahilig lang talaga ako mag-isip. mataas ang deductive reasoning skills ko. magaling din (ata) ako sa math per yung lower forms lang. siguro yung mga engineering level math e makikipagsabayan ako sa pagluha sa kabagsakan.
ayoko kasi nung feeling ng napaglalalangan ako. although, sige, hindi naman dapat laging ako ang tama. hindi naman dapat laging ako ang bida. hindi naman dapat laging ako ang lamang. pero ayaw ko kasi nung pakiramdam na may nangyayaring dapat nalaman ko pero hindi sinasabi sakin at, in effect, ay nililihim (huwaw! parang pang drama sa radyo!) siya sakin. mas nakakainis lalo kapag yung nahuli na tapos pinipilit paring itago. echusmi, nahuli na nga eh.
yun, isa yun sa mga pakiramdam na sadyang nakakapurga. kasama nung pakiramdam na helpless ka at dapat ka nang kaawaan. kaya ayokong makipagjog kasama ng mga taong physically fit (or mas trained para masaya). ayoko kasi nung pakiramdam na pag nakita nilang hinahapo na ako e titigil pa sila para asikasuhin ako dahil hindi na ako makatakbo dahil pakiramdam ko ang baga ko ay size lang ng munggo pero ang kailangan kong hangin ay 700L. yung ganun? ma-pride din naman ako kahit papano. ayoko ng ganun.
ngayon. anung gusto kong mangyari? wala naman...
gusto kong makipagfriends sa isang taong in the first place ay hindi ko naman talaga kilala. i have no idea who this person is. wala akong alam sa family background niya. wala akong alam sa pinanggalingan niya. wala akong alam sa mga echos niya ngayon. ang gusto ko lang ay makipagfriends. kaso pag finriend ko siya, malamang maraming magsasabing isa akong ambisyosang hitad, isa akong intrimitida, isa akong ipokrita, isa akong maldita at kaya gusto ko lang makipagfriends ay pakitang tao.
no, i do genuinely want to be friends. i think we can learn a lot from each other.
ako naman din kasi ang may fault. yeah, i know, eksena.
so anung mangyayari?
wala, forever ko lang siya makakasalubong at titingnan. ganun din siya, pag nakikita niya ako dadaan lang ako. at dadaan lang din siya. pinagdasal ko talagang maging classmate ko siya this sem. pramis. pinagdasal ko. kaso ayaw ni Lord. maybe He just doesn't want it to happen because He knows me too well..
ayun. masayang mag-isip. lalo na pag nararamdaman mong sobrang lapit mo na sa tamang sagot...
(gudness. kinaya ko ang isang seryosong post! tayo na't magpahid ng dugo sa ilong! tayo na't magdiwang! ipakatay ang pinatabang guya!)
nkarelate ako.. haha... ok lang yan beng.. pagpray na nga lang.. un na ang pinakatamang gawin :)
ReplyDeleteonga eh. sabi ng nung kanta
ReplyDelete"...sweet sweet someday" nalang.
:)
hahaha.... parang nagawa ko nadin yan.. haha...
ReplyDeletepanalo talaga si Lord eh ^^, we know He knows us too well ^^,
ReplyDeletebebeng sino ba kasi yan ha? kwento mo pagnagkita tayo hehe pero seriously naiintindihan kita, ang hirap din ng feeling na ikaw ang huling nakaalam lalo na at involved ka pa
ReplyDeletei know what you mean mati ^^,
ReplyDeleteat ayan ha, alam mo na kung sino! wag na nating ilagay dito kung sino siya, pero basta siya yun ^^,