Tuesday, December 16, 2008

ang kwento ng nawawalang class picture

nagtitingin ako ng photo album kanina nang masalisod ko ang class pictures ko nung high school.

first year: ipil. adviser: Prof Alona Ardales. muka pang mga totoy at nene. si anthon ang liit pa. si mico ang cuuuute cuuuuute! pero si bebeng betty la fea mode with the braces and kulotish hair. andito pa sina vicki at yen. awwww. nakatayo me sa gitna ng second row (read: nakatayo).

second year: katmon. adviser: Prof Venus Advincula. mejo tumanda na ang itsura ng mga tao, pero unti lang. si dianne todo bangs. si bebeng todo ponytail na mukang hapit na hapit. ang fashioin statement ko ay ang aking kwintas na kahoy. sowshal. nakatayo me sa gitna uli ng second row.

third year: acacia. adviser: Prof Lorna Aporto. mga binatilyo at dalagita. maayos sana. NGUNIT. hinanginan kami. wahahahaha! si troy, si jasper, si karel nilipad ang bangs. si alexis at kei mejo hindi na-take ang hangin kaya napapikit. ahoy! si toy! words are not enough to describe!!!! si bebeng nakalugay ang hair (dahil nagparelax!) at nakatayo mula sa may gitna ng second row.

ASAN ANG CLASS PICTURE KO NG NARRA????

ang tanda ko, dito lang ako nakaupo na class picture. significant ito dapat. ngunit hindi. bakit?

ganito yan: sa rural kasi, ang usual na nakaupo pag class picture ay yung matatangkad na girls. so, dahil lagi akong gitna-ish sa likod, borderline ako ng katangkaran. wahahaha!

but wait! there's more! nung 4th year, SA WAKAS! nakaupo na din ako! NGUNIT! nabaliktad kasi ang mundo nun. kaya andun ako, nakaupo sa gitna. dahil yung maliliit na girls na ang nakaupo.

ngeeeeeek.

asan na ba? nawawala seniors class pic kooooo!!! narra pips! i-scan niyo naman class pic natin tapos post niyo! huhuhuhuhu!!!

9 comments:

  1. Ako.

    Since time in memorial.

    Last row. Center.

    Hindi na nagbago. Haha! Bangis.

    ReplyDelete
  2. Ako.

    Since time in memorial.

    Last row. Center.

    Hindi na nagbago. Haha! Bangis.

    ReplyDelete
  3. hahahahahahaha!
    grabe beng!
    naalala ko yung third year class pic natin!
    tawa ako ng tawa habang binabasa yung mga dinedescribe mo!
    hahahahahahaha!

    ReplyDelete
  4. kareeeeel!!! ang ganda ganda ng classpic natin ng akasya!!!! ^^,

    ReplyDelete
  5. i knooow!!!
    may wind effect talaga!
    hahaha!

    ReplyDelete
  6. the wind effect made the akasya class pic so very byowtipul!

    ReplyDelete