so yeah, for the first time since high school makakapunta ako sa isang batch party (yehey). huli kasi akong nakaattend ng batch party nung third year ako. nung fourth year hindi ako nakasama dahil kasal ng pinsan ko. at kahit gaano kong kagustong pumarty nung gabing yon, nahiya naman ako kasi dadating ako dun ng mukang nakapang-prom habang ang batchmates ko ay nakacasual lang. so, yeah.
ngayong college naman, hindi ako nakapunta ng tatlong taon dahil laging natapat sa birthday ng tatay ko ang parties. december 21. so, yeah. ayaw ni tatay.
PERO! ngayong taon december 20-21 ang partey. which means... pwede ako! pwede ako! siyempre, excited naman ang drama ko. kasi after four years of being a loser...
MAGIGING WINNER NA AKO!
hahahaha. ngunit, dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari...
LOSER-ISH NANAMAN ME!
nagkasakit kasi ako nung thursday. lagnat-lagnat to the max with matching nilalamig na pagkatao pa. with all the sickness-sickness effect pa. sosyal. baka daw natyphoid ako. o diba? sakit sa ulo.
kaya naman eto ako at hanggang 11:00 or so lang sa party mamaya. ho-hum.
wateber yaya.
AAAW...
ReplyDelete