Sunday, December 14, 2008

takot

merong dalawang bagay na naiisip ko kaagad pag tinatanong ako kung san ako takot.

una, takot ako sa pointed objects na nakaturo sakin. ang tawag ata sa phobia na ito ay aichmophobia. sa kabuuan, kaya ako takot sa mga large, sharp, pointed objects ay dahil naiisip kong tutusukin nila ako. kung gusto niyo akong paiyakin ng walang ka-effort-effort, tarakan niyo ako ng knife, syringe, gunting, at iba pa. kayo mag-eenjoy. ako hindi siguro.

pangalawa, takot ako sa failure. malay ko kung anung tawag sa phobia na yan.

it's true. takot akong mag-fail. kahit yung simpleng pagbagsak sa exam takot ako. naiiyak ako pag naiisip kong mas malaki ang probability na hindi ako makakapasa kesa dun sa probability na papasa ako. nanlulumo akong isiping may posibilidad na magkamali ako ng desisyon at yun, ultimately, ang magpapabagsak sakin. huhuhu. parang multiple choice lang.

ngayon, mas takot ako sa failure kesa sa mga matutulis na bagay. kailangan ko kasi gumamit ng gunting sa thesis ko. pero yung thesis ko ang tumatakot sakin. panget ang slides ko. dalawang libong piso ang nagastos ko (*ubo* ni nanay *ubo*) para ipahistopath yun. uulitin ko lahat. 7days acclimatization, 15days experimentation, approximately 30days histopath. total  52 days. ilang araw nalang ba ang natitira sa sem na to? pambihira. natatakot talaga ako.

gusto ko gumraduate on time. gusto ko, sa summer, ang pinagkakaabalahan ko nalang ay graduation practices, clearance, pagregister sa medschool, graduation, pagpapakababoy, etc. ayoko na na may thesis pa akong tinatapos sa summer dahil hindi ko natapos nung regular sem. pambihira naman, thesis lang ba ang ikadedelay ko? mga isda na papatay-patay sa mga tangke kong anu bang malay ko kung bakit nagkaganun? noooo. i don't think so.

sabi nila kapag daw may fears ka pa ibig sabihin hindi pa ganun katibay ang faith mo kay Lord. kung totoo yun (at tingin ko totoo yun), marami pang ilalaki ang faith ko. marami pa akong kakaining bigas. marami pa akong gatas sa labi (hehehehe). marami pa akong dadaanang paghihirap.

marami pa akong papataying isda.

9 comments:

  1. huh? as in? hindi ba super pointed ang blood lancet na minahal mo na parang asthmatic na naghahanap ng ventolin? anyway. i think din, na hindi lang lack of faith kay Lord, pero lack of faith in yourself na din.

    ikaw naman ang nagpapatakbo ng buhay mo, so kailangan mo lang talagang magtiwala na kaya mong gawin ang lahat na pagtututukan mo ng pansin. daba?

    ReplyDelete
  2. hindi niyo lang halata pero nangangatal ako nun. saka siguro mejo nakaalleviate ng takot yung fact na hindi kita yung pointedness ng blood lancet bago siya pindutin ^^,

    ReplyDelete
  3. bagong word. haha. kungchabagay, baka nga napansin kong nangisay ka between your 4th or 5th pindot. haha.

    ReplyDelete
  4. bebeng kasi nagthesis ka pa e, tignan mo kami chill lang hehe (joke!) ^_^

    ReplyDelete
  5. Atychiphobia ang fear of failure.
    Aichmophobia ang fear of needles or pointed objects.
    ^^, trivia.

    ReplyDelete
  6. The greatest failure is the fear to fail.. :)

    ReplyDelete