Thursday, October 23, 2008

inggitera ako

kakapunta ko lang sa site ni (tol) arjay regidor at nainggit ako sa post niyang tungkol sa mga bagay na maaaring hindi natin alam tungkol sa kaniya. so, dahil likas na inggitera ako, magpopost din ako ng ganun.

1. takot ako sa mga pointed objects na nakaturo sakin. (e.g. needles, knives, scissors, etc.)

2. alto ang voice range ko. effort na sakin abutin yung unang A# (la sharp) after ng middle c.

3. nag-aral akong mag-piano for five years. at, hanggang ngayon, mabagal parin akong magbasa ng notes.

4. mahirap para sakin ngumiti habang natugtog ng piano.

5. ang unang failing grade ko ay nung grade two ako sa isang math long exam namin. 74% ang nakuha ko, e 75% ang passing.

6. pihikan ako sa gulay.

7. nung maliit pa ako, pag tinatanong ako kung anung gusto kong maging paglaki ko, sinasabi ko PRINSESA.

8. hindi ako nakakatulog ng walang unan o kaya kahit anung uunanin.

9. may peklat ako sa noo dahil nabarog ako dun sa slide-an ng upuan sa kotse nung maliit pa ako.

10. nung maliit pa kame ng mga ate ko, hindi ko talaga nakikita ang imaginary friends ng ate ko na sina perchen at per-B, pero kapag sinasabi niyang nandiyan sila e nakiki-oo naman ako.

11. church-related lagi ang dahilan ng pagkanta ko.

12. isang oval lang (as in UPLB oval) ang kaya kong takbuhin ng diretso. parang mauubos ang baga ko pag nag-exceed ako.

13. maalam akong lumangoy pero hindi ako mahilig mag-swim dahil tatlong beses na akong muntik malunod.

14. (mejo censored) wala akong magka-match na bra at panty. magkakakulay lang yung iba.

15. makalat ako sa gamit.

16. mas gusto ko ang nissin yakisoba kesa sa lucky me pansit canton.

17. kuripot ako pero mahilig mag-splurge. weird no?

18. marami akong sapatos. meron akong... apat na sneakers, tatlong rubber shoes, dalawang doll shoes, dalawang flat sandals, isang platform wedge sandals, isang chinelas, at tatlong high-heeled shoes. Total: 17 pairs. hindi ko sila nagagamit lahat.

19. hindi ako nagagandahan sa sarili ko pero mahilig akong mag-picture ng sarili ko.

20. hindi ako nagtatabi ng maraming seryosong quotes sa inbox ko. mas gusto ko yung mga nakakatawa at yung mga message na nakakatouch na alam mong yung taong nag-send talaga ang gumawa (e.g. conversations na maganda)

ayan :)

19 comments:

  1. winner ka pakners nakangisi lang ako sa buong duration ng pagbabasa. hahaha

    ReplyDelete
  2. akala ko soprano ka?? nag whiwhistle ka pa nga eh mala mariah carey. :))

    ReplyDelete
  3. dami mong sapatos ah.. may doll shoes ka? di ko alam yun ah!

    ReplyDelete
  4. ahaha :) ngek. ako din may imaginary friends nuon :) d ko na matandaan ang pangalan :)) ahaha.

    ReplyDelete
  5. kaya ko, pero mahirap. ang normal range ko ay alto :)

    ReplyDelete
  6. actually, mas marami pa pala dun. kanina nadiskubre kong meron pa pala akong isa pang pair ng sneakers at isa pang pair ng mababang sandals. chos.

    and, yes, dalawa ang doll shoes ko. isang old rose na glittery at isang brown na mukang pang opisina :)

    ReplyDelete
  7. pinapakilala mo din ba sila kay kelly at kay pepeb? ^^,

    ReplyDelete
  8. haha. :) hindi po :) e, wala pa si pepeb at reinier nun :) si kelly, wala pang malay. :D ako lang ang nakakakilala sa kanya :) dko na matandaan ang pangalan, basta, ang alam ko, babae siya :) ahaha.

    ReplyDelete
  9. hindi rin tol...
    makapagsusulat ka rin ng ganito kahit hindi mo makita yung ginawa ko...
    naunahan lang kita...
    kekeke!

    ReplyDelete
  10. o nga no? hehe. kaya pala mukha ka laging serious.

    ReplyDelete