Thursday, October 30, 2008

seven twenty-three pm of october thirty two thousand and eight (and counting)

ang kasalukuyang oras ay 7:23pm. ang kasalukuyang petsa ay 30 october 2008.

o e ano naman? ganito...

1. Gusto kong sabihin kay pagurl na sadyang hindi ko mapigilan ang pagtawa ko sa tuwing maiisip ko ang MAJESTIC downfall mo sa CDL nung tuesday. I'm sorry pagirl, kaso kapag naiisip ko yung pagkatumba mo tapos ang pag-attempt na muling bumangon matapos madulas and FAILING MISERABLY hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bubugahan ko ang kahit sino ng katatawa. Pagurl. Alam mong mahal na mahal kita. NGUNIT. Sadyang walang tatalo sa mga sandaling iyon. Hindi kasi ako makatawa nung exact moment dahil masyado akong nag-alala sayo dahil mukang in pain ka. NGUNIT. Pagurl. Hindi ko na mapigil ang tawa ngayon. (for details regarding this item, tanungin niyo nalang ako)

2. Ron! Haberdey!

3. Nakuha ko na (sa wakas!) ang second batch of fish ko mula sa BFAR sa bambang. Pitumpung panibagong size 10 tilapia ang aking paliligayahin saglit at, pagkatapos, ay papaslangin. Bwahahaha!!!

4. Hindi parin tapos ang outline ko. Hmpf. Pero, wag mag-alala. Malapit na!

5. Nanood ako ng Aladdin kanina. VCD. Hindi ko talaga pagsawaan yun. Lalo na yung "A Whole New World." Kinikilig me!!! Kinikilig me!!! Sana mangyari din sakin yun. Kaso, siyempre, hindi ako makakapag suot nung outfit ni Princess Jasmine. Hello, baka pag sinuot ko yung bra-and-jogging pants outfit ni Princess Jasmine lapitan ako ng mga tao at haplusin ang tiyan ko. "Rub my belly for good luck"

6. Hindi ko pa tapos awayin ang Globe. Dahil sa pagkain nia sa 20 pesos na load ko kahapon, humanda sila, mga panget sila. Although hindi ko na iiwanan ang Globe number ko (unless MAY MANGYARING MASAMA) e aawayin ko parin ang kung sino mang call center agent na makausap ko hanggang sa aksyunan nila ang kaso ng nawawalang load. mga panget sila.

7. May sore eyes ang nanay ko. At dahil nalaman niya ito habang naglalagay siya ng eye liner kaninang umaga, hindi ko mapaparasite sa mga darating na araw ang kaniyang liner. Pambihira.

8. Masakit tiyan me! We all know what that means...

Babay.

25 comments:

  1. nakakatawa ka talaga beng!
    hahaha!
    aliw aliw aliw...

    ReplyDelete
  2. ha! hindi lang ikaw bebeng.. 80Php kinuha nila saken!!!
    panget sila! pangeeeeet!!!

    ReplyDelete
  3. brutal!! tsk tsk!! pinasa mo lang sila!!! sama!!

    ReplyDelete
  4. rub your belly for good luck! abwahahahahaha!

    ReplyDelete
  5. di ko alam yung tungkol sa CDL moment ni Resabam!

    ReplyDelete
  6. nung tuesday yan, pag-alis namin sa sopbol. hahahaha. 8am praktis bukas :)

    ReplyDelete
  7. winner yung item # 5 tol...
    haha! try natin baka nga swerte yun...
    ;P

    ReplyDelete
  8. yung sa item # 6 naman hindi ka nag-iisa tol...
    ako halos everytime na magload ako e nakikibahagi na sila...
    badtrip nga e...
    hindi lang sila panget...
    suckers sila...
    literally and figuratively...

    ReplyDelete
  9. hinde, tol. the damage has been done...
    CHAROS. hahahaha ^^,

    ReplyDelete
  10. may sarili kasing CDL moment(s) si ess. haha.

    ReplyDelete
  11. bad ka lai!! di pa naman ako bumabagsak... at sana di na ko bumagsak ever pag dumaan pa ko dun.

    ReplyDelete
  12. wah! anong nangayyari sa globe?! pwede mo ring sabihin na si pam (batchmate namin ng ate tam mo) ay kinain ang 100 pesos, kasi nag unli siya ng 80 sabi cannot process the request pero nabawasan naman, tapos nung nag try siya ulit 20 lang, nabawasan in pero hindi pa rin siya nakapagtext, kaya ayun, galit din siya sa globe! haha

    ReplyDelete
  13. BWAHAHAHA!!! HINDI MO MAPAPANTAYAN ANG LIGAYANG NAIDUDULOT NG KAY PAGURL!!!

    ReplyDelete
  14. ganun! ganun ang nangyari sakin! nagunli ako ng 20 tapos cannot process daw pero ninenok na nila yung 20 ko. tapos akala ko unli na ako kaya text text galore ako. BUT NO! HINDI PALA AKO UNLI!!!

    ReplyDelete